PAGDATING, PANANATILI AT PAGLISAN

3 1 0
                                    

Nilamon ako ng paniniwala ko.
Paniniwalang ang pag-ibig ay isa lang laro
Nabulag ako sa mundo
Akala ko wala nang pwede magseryoso
Pero heto ka dumating sa buhay ko
Binuksang muli ang mga mata kong nakasarado
Upang maaninag kung ano ang pag-ibig na totoo
Hiningi mo ang mga kamay ko
At inahon mo ko sa pagkabigo
Inakay mo ang mga paa ko
Patungo sa lugar kung saan sasaya tayo

Masaya kong pinakinggan ang boses mo
Na tila musika sa mga tenga ko
Kantang nasa tono,
at may magandang liriko
Lirikong mabulalak na 'yong binibigkas
Mga salitang kumakatok sa puso ko,
Na sayong bibig ay lumalabas
Pero lahat pala ito'y magwawakas

Isang araw, ang musikang pinakikinggan ko ay natapos na pala
Naglaho na lang na parang bula
Ang mga ngiti sa labi ay nawala na
Ang mabulaklak mong salita ay unti unting nalanta
At ang mga paa ko'y hindi na makagalaw
Kahit na gusto ka pa nitong sundan
Ang mga kamay ko ay dapat nang bumitaw
Alam naman nating wala na tong pinanghahawakan
Dahil nagtapos na ang walang hanggan
Pilit na lang minumulat ang mga mata
Pilit kong ginigising ang sarili
Dahil para tong magandang panaginip na nauwi sa bangungot
Dahilan para gumising akong malungkot

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now