Part 20

1.9K 67 1
                                    

LUMAPIT si Pierre sa reception area ng fitness gym na sadya nila ni Walter. Doon daw nila makikita ang ikalawang babaeng nahanap ng imbestigador nila.

"Sir, magwo-work out ba kayo?" tanong ng receptionist. Nakatingin ito sa cast niya sa braso.

Ngumisi lang siya.

"Sa tingin mo ba, makakapag-work out siya nang naka-cast? Come on." Binasa ni Walter ang nakasulat sa nameplate ng receptionist. "Lily... 'Nice name for a pretty girl like you."

Ngumiti ang babae na halatang na-flatter sa pambobola ni Walter.

"Obviously, hindi siya magdyi-gym. We are looking for someone," pagpapatuloy ng pinsan niya.

"Ah, okay. Sino ang hinahanap n'yo?" tanong ni Lily.

"Si Melanie Ramirez," sagot ni Pierre. "She's a fitness trainer here, right?"

"Si Mel, yes."

"Puwede ba namin siyang makausap?"

"Sure. Wait lang, ha?" nakangiting sabi ni Lily. Tinawag ni Lily ang isang lalaki at inutusang tawagin si Mel. Sa labis sigurong pagka-mesmerize ni Lily sa kanilang magpinsan ay nakalimutan nitong itanong kung sino sila bago ipinatawag ang sadya nila. "Ay, sino nga pala kayo?" Saka lang naalala ni Lily na itanong iyon.

"I'm Pierre," pakilala niya.

"And I'm Walter." Kinuha pa ni Walter ang kamay ni Lily at hinagkan iyon. "Puwede bang magpa-work up sa 'yo?"

Humagikgik si Lily. "Hindi naman ako fitness trainer."

Doon nakumpirma ni Pierre na medyo slow ang isip ni Lily. Hindi nito nakuha ang not-so-wholesome meaning ng sinasabi ni Walter.

"Ikaw na lang ang iwo-work up ko. Game?"

Humagikgik uli si Lily. Sana lang ay nakuha na ng babae ang ibig sabihin ni Walter.

May nahagip na imahe ang kanyang peripheral vision kaya napasulyap siya roon. Nakita niya ang isang babaeng nakasuot ng itim na midriff tube at leggings na hanggang kalahati lamang ng mga binti. Hanggang ibaba lamang ng mga tainga ang haba ng buhok nito. May abs at munting muscles ang mga braso at binti ng babae. She looked stern and daunting. Noon pa man ay malakas na ang personality ni Mel. And she was still as beautiful as ever.

Mel Ramirez was his ninth girlfriend. He had dated her five years ago. Dati itong nagtatrabaho sa isang advertising company bilang account executive. Hindi akalain ni Pierre na nag-switch ito sa pagiging isang fitness instructor. Kunsabagay, dati pa itong health conscious. In fact, sa isang gym niya nakilala si Mel. Pero hindi pa ganoon kaganda ang katawan ng babae noon. She was fit but not muscled. Sa tingin niya, kaunting dagdag pa ng muscles ay puwede nang sumali sa women's division ng isang bodybuilding competition si Mel.

Tumigil si Mel sa harap niya. "Pierre?" nakakunot ang noong tanong nito.

"Hi, Mel," bati niya. Alanganin ang ngiting ibinigay niya sa babae. Tiningnan niya ang kamay nito. Baka kasi bigla na lang siyang bigwasan ng babae. Tulad ni Anne ay nasaktan din niya ito noon. Pero sana, tulad ni Anne ay napatawad na rin siya ni Mel.

Tumaas ang isang kilay ni Mel. Tinapunan nito ng tingin si Walter na kumaway rito at pagkatapos ay ibinalik sa kanya ang tingin. "Ikaw ba ang naghahanap sa akin?"

"Yeah," sagot ni Pierre.

"Why?" Namaywang ito.

"Can we talk?"

"I'm busy. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na ngayon."

Tatanungin ba agad ni Pierre si Mel kung may nunal ito sa puwit? Nah. that's unethical. Besides, baka magkatotoo ang pagbigwas ng kamao nito sa kanya. "Maybe we could talk over dinner tonight. Are you free?"

"No, I have a date."

"Oh." So, may nobyo pala si Mel ngayon. Kapag nalaman niyang ito ang may taglay ng nunal sa puwit na sinasabi ng manghuhula, wala siyang pagpipilian kundi agawin si Mel sa nobyo nito. "How about the next night?"

"May lakad din ako. Sabihin mo na kasi ngayon kung ano ang kailangan mo. You're making me curious. After five long years ay bigla ka na lang magpapakita sa akin. I'm intrigued."

Hindi naman mukhang galit si Mel kaya naisip niyang bale-wala na rito ang naging isyu sa pagitan nila noon. "Medyo hindi kasi magandang dito natin pag-usapan." Luminga siya sa paligid. "This is a private matter."

Kumunot ang noo ng babae. Mukhang naintriga. Magsasalita na sana ito nang matigilan pagtingin sa glass door. Napasulyap siya sa direksiyong tinitingnan ni Mel. Pumasok sa pinto ang isang sexy at magandang babae. Nakangiti ito pero hindi sa kanya kundi kay Mel na natagpuan niyang nakangiti rin.

"Hi, sweetie," bati ni Mel sa seksing babae.

Humalik ang babae sa pisngi ni Mel at pagkatapos ay humawak sa baywang nito. Tumingin sa kanya ang babae.

Nginitian niya ito. "Hi," bati ni Pierre.

"Hello," ganting-bati ng babae at pagkatapos ay ibinalik ang tingin kay Mel. "Who's he?"

"He's Pierre, my ex." Nakataas ang isang kilay ni Mel habang nakatingin sa kanya.

Lumiwanag ang anyo ng babae. "So, you're Pierre."

Lumuwang ang ngiti niya. "You know me?"

"Oh, yes. Mel talked about you once."

Napalis ang ngiti niya. Sigurado siyang hindi maganda ang mga sinabi ni Mel sa babae tungkol sa kanya.

"Why is he here?" tanong ng babae kay Mel.

Gusto sana niyang tanungin ang pangalan ng babae dahil mukhang nakalimutang sabihin ni Mel pero sumabad si Walter. Halatang gusto nitong magpapansin sa babaeng katabi ni Mel.

"Hi, ladies," bati ni Walter. "Hi, Mel. Remember me?"

"Of course, Walter," Mel replied, rolling her eyes.

"Will you introduce me to this very beautiful woman beside you?" Malagkit ang tingin ni Walter sa babaeng tinutukoy.

Sa wakas ay nakita ni Pierre na ngumiti si Mel, ngunit ang klase ng ngiti nito ay ngiting tila nagyayabang. "She's Elaine."

"Oh, hi, Elaine." Walter took her hand shamelessly. "I'm Walter." Iniangat nito ang kamay ng babae upang hagkan. ngunit bago pa sumayad iyon sa mga labi ni Walter ay hinila na ni Mel ang kamay ni Elaine sa pagtataka nila.

May bahid ng galit sa mukha ni Mel. "Don't touch her. She's mine," mayabang na sabi nito. Hinagod-hagod nito ang likod ni Elaine.

Natigilan si Pierre. Tama ba ang narinig niya? Nagkatinginan silang magpinsan. Tila nalito rin si Walter sa sinabi ni Mel. "What do you mean she's yours?" tanong niya kay Mel.

"Girlfriend ko si Elaine," sagot ni Mel na ikinasindak niya.

"What?" gulilat na tanong ng pinsan niya. "Girlfriend mo siya, as in..."

"We're lovers," sabi ni Elaine.

Hindi makapaniwala si Pierre na lesbian si Mel. Hindi rin niya akalaing nakikipagrelasyon si Mel sa kapwa babae. Muli ay saglit silang nagkatinginan ni Walter.

Tumawa ang kanyang pinsan. "You are just so naughty, girls. Ginu-good time n'yo kami. I get it." Bumaling si Walter sa kanya. "Do you get it, man?"

Natawa na rin si Pierre. "Damn! How can I be this slow? You, girls, are funny."

Nagtinginan ang dalawang babae.

"We're not kidding," ani Mel.

Nagpatuloy pa rin sila sa pagtawa ni Walter. Kapwa sila tumigil sa pagtawa nang makita ang sumunod na eksena. Suddenly, the two women were kissing torridly on the lips.

"Holy shit..." sambit ni Walter.

Siya naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan habang nakatingin sa dalawang babae.

"Naniniwala na kayo?" tanong ni Mel nang bumitiw sa pakikipaghalikan kay Elaine.

Tumango na lang si Pierre habang nakanganga. Si Walter ay nakanganga pa rin.

"I'll just talk to this man, sweetie. Let's see each other later," paalam ni Mel kay Elaine at niyaya na siyang lumabas ng gym.

Fortune Of The Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon