Chapter 12

9K 155 5
                                    

Edited © 2018


MAGUI


"Mommy? Mommy? Mommy? Where are you?"


Ang kambal.


Napatingin sa akin si Mama habang nakakunot ang noo.


"Sky, this is your Ate Magui. Can I talk to your grandma?" 

"Uhum


Narinig ko naman sa kabilang linya na tinawag ng dalawa si Tita Min.


"Sino yung boses bata na sumagot?" tanong ni Mama. 

"Mamaya na ako magpaliwanag, Ma"


Baka magalit sa akin si ate Kath, ayaw ko namang pangunahan sa mga bagay si Ate Kath.


"Kath? Saan ka na ba?? kanina pa naghihintay ang dalawa dito"

"Hi, Tita Min. Si Magui po ito"

"Magui? Ang kapatid ni DJ? Diba kasama mo si Kath kanina? Ang sabi niya kanina, sasama siya raw sa iyo. Pwede ko ba siyang makausap?" 

"Iyon na nga ang problema tita. Andito kami ngayon sa ******ospital"

"Ha? Ano ang nangyari kay Kath, Magui?" 

"Tita, mamaya ko na lang po ipaliwanag kapag nakapunta na kayo dito" 

"Jusko ano nangyari kay Kathryn. Papunta na kami diyan. Salamat, Magui'' Halatang halata sa boses ni Tita na nagpapanic na ito.

"Kalma lang po, Tita. Ipapaliwanag ko po pero sa ngayon kailangan po kayo dito"


Pagkatapos na namin mag-usap ay nagpaalam na rin si Tita.


Pagkababa ko ng telepono, napatingin ako kay Mama.

Huwag muna ngayon, Ma.



QUEN


Papasok na sana ako sa kotse ko para makauwi nang biglang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.


"Quen! Sandali lang!"


Lumingon ako.


Si Tita Min.


"Tita Min, may kailangan po ba kayo" tanong ko.

"Pwede mo ba muna kaming samahan sa ospital?" tanong niya.

"Anong nangyari, Tita? May masakit po ba sa iyo? Gusto niyo bang tawagan ko si Kath? Yung kambal?" tanong ko.

"Iyon na nga ang problema ko. Tumawag kasi si Magui at sinabi na nandoon si Kath. Hindi ko alam ang nangyari. Nag-aalala na ako sa anak ko" 

Showbiz Parents (KathNiel) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon