Chapter 2

13.2K 223 2
                                    

Edited © 2018


KATHRYN


"uh..''


Anong gagawin ko?

Naramdaman kong may humihila ng tshirt ko kaya minulat ko ang aking mga mata at napatingin ako kay Sab na hawak-hawak ang tiyan niya.


''Mommy! I'm hungry, why are you here?" sabi ni Sab habang naka-pout.


Umatras ng konti si DJ. 


Ano ba ang nangyayari sa akin?


Napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon at nakita kong nakatingin siya kay Sab. 

Sobrang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ng sarili ko ngayon. Walang umimik sa amin. Pero hindi rin nagtagal at nagreklamo naman si Sab.


''Come here, Sab'' sabi ko at hinila si Sab. Hindi na ako nagtangkang lumingon pa. Dumiretso ako kay Sky at sabay na pumasok sa tent.


Nang pumasok na kami sa tent.

''Mommy, are you sick? Why is it your face is red?'' tanong ni Sab

"Are you blushing, Mom?" tanong ni Sky

Lumaki ang mga mata ako, ''Huh? I'm not blushing baby. Malabo na rin siguro ang mga mata mo anak. Ayan sa kaka-gadgets nyo yan" 


Palusot pa Kathryn.

Bago pa makasalita ang bata, tinuro ko ang mga pagkain na nakahain sa harap nila. Kaya ayan lumipat ang kanilang atensyon


"Mommy. Are we going home after this?" tanong ni Sky

"Yes, baby basta kumain kayo ng marami kasi baka magutom naman kayo. Kanina sa house ng grandparents nyo, ang liit lang ng kinain nyo." Nagsalute ang dalawa kaya napatawa ako.


Habang pinapakain ko ang mga anak ko

"Mommy, the boy a while ago, what did you two talk about?'' tanong ni Sab


Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ano na ang sasabihin ko?

"Anak——" Naputol ang sasabihin ko kasi naramdaman kong may pumasok.


"Kathryn?!"


"Quen!"


Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Ba't namumula ka? Nakita mo lang ako, nainlove ka na agad" tawa niyang sabi kaya hinampas ko.

"Asar ka talaga, Quen! Pero hay namiss kita. Quenito" tawag ko sa kanya at niyakap siya ulit. 


Naramdaman ko naman na hindi siya nagsalita kaya kumalas ako sa yakap at nakita kong napa-frown siya.


Showbiz Parents (KathNiel) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon