Chapter 1

24.5K 271 2
                                    

Edited © 2018

KATHRYN

"Mommy! I really want to see my grandparents. Hurry up, Mommy"


"I really want to see them too! Magkamukha ba kami mommy?"


Pagkalapag pa lang ng eroplano, hindi na ako tinigilan ng mga anak ko sa kakatanong tungkol kina Mama at Papa.

Ilang taon na rin ang nakalipas, at hindi ko pa rin makalimutan ang mga alala na naranasan ko dito sa bansang ito. 

Isang Kathryn Bernado na dinudumog ng media, minamahal ng lahat ng fans, at nasaktan ng isang Padilla.

"Your questions will be answered kapag nakarating na tayo doon. Sa ngayon, behave muna kayo habang hinahanap ko ang magsusundo sa atin, okay?" Tumango na lamang ang mga anak ko at sumunod sa akin

Nang makita ko na ang sasakyan "Mga anak let's go na, naghihintay na sa atin si Manong Robert"

Agad naman tumili ang mga bata at nag una ng maglakad sa akin.

Hindi na ako nabigla nang may mga taong tumitingin sa akin. Hindi ko namn sila masisisi kasi sino ba naman ang hindi magugulat sa pagbalik ng isang sikat na aktres na nawala lang ng parang bula noon?

Mahirap ang naging sitwasyon ko noon pero nang isinilang ko sina Sky at Sab, nawala lahat ng pokus ko sa mga problema

Its been a long time since I suffered here at ngayon andito na naman ako, nagbabalik.


Hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa daan. Nakakamiss nga talagang bumalik dito. Marami akong nakikitang mga bagong gusali na noon tinatayo pa lang, posters at billboard ng mga bagong artista na noon ako pa.. kaming dalawa pa. 

Napadako ang mga mata ko sa isang billboard.

Makikita mo pa lang malaki na talaga ang pinagbago niya. 

Seeing that billboard wants me to look away but I didn't. 

Hindi ko nakikita noon ang mga ngiting nakikita ko ngayon sa kanya at hindi ko nakikita ang kanyang mga mata noon na ganito kasaya. 


Sino ba naman ako noon? Hindi naman ako ang nakikita niya. 


"Mommy, do you know him?" turo sa billboard na tinititigan ko.


I gave her a smile, "No, anak. Bakit mo natanong?"

"Kanina nyo pa po tinitingnan. I'll make you sumbong to Daddy" then she gave her a pout.

"He's not that handsome, Mommy. Mas gwapo ako"

Tumawa lang ako sa mga sinabi ng mga anak ko.

"Of course Sky, ikaw ang pinakagwapo sa lahat"

Isa pa, ang cute lang nila pakinggan magtagalog. Naalala ko naman ang mga panahon kung saan tinuturuan ko silang magtagalog, nakakaintindi naman sila pero yun nga lang di medyo mabanggit ng tama. 



"Mommy, lapit na tayo?" humikab na tanong ni Sab. Habang si Sky naman, bumalik sa paglalaro. 

"Sandal ka kay Mommy. I'll wake you up once we arrived, okay?" tango lang ang sagot niya at saka sumandal sa akin


Showbiz Parents (KathNiel) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon