22: Olumqilinc

51.9K 4.3K 307
                                    

The old priest cried in pain as he felt Elizar's booted foot hit him near his pelvis. He was lying prone on the ground as he feebly shielded himself against the angry man's attacks.

"Yun na ang huling templo at walang libro akong nakita!" the younger man screamed. "Wala kang silbi! Hindi ba ang sabi mo dati na malaki ang posibilidad na isang pamilya ng mga saserdote ang nagtatago ng aklat at nakakaalam tungkol sa hiyas?!"

"Wala akong sinabi—"

"Sinabi mo! Natatandaan kong sinabi mo 'yun!" Minandro's former student bellowed in anger. "Ilang templo na ang hinalughog ko kasama ang mga bayarang ungas na 'yun pero wala kaming librong nakita!"

Elizar had intentionally burned the temple down because it was the last one and he therefore no longer needed the mercenaries' services. He had hoped that they all died in the fire.

Ang tigas ng mukha ng mga 'yun na takutin ako at maningil ng bayad ga'yung hindi nila nagawa 'yung ipinapagawa ko!

But just in case they didn't, he had prepared a trick or two for them.

"Elizar, tama na ito—"

"Anong tama na?! Hindi ako hihinto hangga't may humihinga pa sa mga demonyong 'yun! At alam kong malapit na malapit ko nang maisakatuparan ang mga plano ko, Minandro! Nararamdaman ko! Kaya h'wag mo nang paikutin ang ulo ko at sabihin mo na sa akin kung na kay kaninong mga kamay ang libro!"

Elizar's childhood had been one that was written in blood; a bloodbath caused by a group of Sehrlis who mercilessly killed everyone in his family.

"Nasabi ko na sa'yo lahat ng nalalaman ko tungkol sa libro at sa hiyas, Elizar—"

"Sinungaling! Akala mo hindi ko nararamdaman na may itinatago ka sa akin?!"

"Tulad ng ano?" Minandro asked slowly getting to his feet. "Tulad ng ano, Elizar?"

His former pupil glowered at him. "H'wag mong sinusubukan ang pasensya ko, Tanda."

"Kung nasabi ko man noon na may posibilidad na matatagpuan ang aklat sa isa sa mga lumang templo ay hindi ko natatandaan ang rason—"

"Hindi ko kailangan ng kahit anong rason! Ang kailangan ko ay ang libro!"

"Pero—"

"Totoo ang aklat at totoo ang sagradong hiyas! Hindi ako pwedeng magkamali! Hindi pwedeng walang hanggan ang paghahari-harian ng mga demonyong 'yun dito sa mundo!"

"Elizar, nalulungkot ako na sa kagustuhan mong makamit ang hustisya ay gumagawa ka na ng mga karumal-dumal na bagay—"

Elizar suddenly grabbed his former teacher by the neck. "Karumal-dumal?" he asked his nostrils flaring in anger. "Alam mo ba kung anong nasaksihan ko noon, Minandro? Walang-awang pinaslang ng mga demonyong 'yun ang aking pamilya! Naririnig ko hanggang ngayon ang pagmamakaawa ng mga magulang ko at ang pag-iyak ng mga kapatid ko. Nakikita ko sa isip ko tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko kung paanong lumuhod ang ama so harap nila at paanong sa isang wasiwas lang ay humiwalay ang ulo n'ya sa katawan n'ya..."

Minandro closed his mind against the mental picture of a young boy who witnessed how his family died.

"Sumunod ang nanay ko na sa sobrang gulat na nakitang walang-buhay na ang asawa n'ya ay tumayo para lapitan si Tatay. Pero, alam mo bang wala pang dalawang hakbang ay duguang natumba na lang s'ya? Nakabuka pa ang bibig n'ya, ni hindi n'ya magawang sumigaw...'tapos ang mga kapatid ko..."

"Nakita mo kung paano ang mawalan. Alam mo ang sakit pero ginagawa mo rin sa iba? Ano ang ipinagkaiba mo sa kanila, Elizar—"

Minandro gasped as the hand around his neck tightened.

The Princess Bride (Self-published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon