Chapter 13

544 45 12
                                    






Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin namalayan na wala na pala 'yung dalawang may edad na lalaking kumausap sa akin kanina. Naiwan ako rito sa may gate, natatakot at naguguluhan.


Totoo kayang multo na si Paredes? Pero hindi naman ako papapuntahin dito ni Doc para lang sa horror experience, e. Sa naisip kong 'yon ay medyo lumuwag nang kaunti ang aking dibdib.


Kinumbinsi ko ang sarili na wala akong dapat ikatakot. Ilang linggo ko nang nakakasama si Paredes, at ramdam ko mismo na totoong buhay pa siya. Babalik na sana ako sa loob, ngunit nang humakbang ako ay pinigilan ako ng sarili.


Nakakatakot talaga! Paano kung totoo ngang multo na lang siya?

"Boi! Ang tagal mo naman d'yan!"

Kinilabutan ako sa boses ni Leander. Nang sulyapan ko siya sa gawing main door ay naglalakad na pala siya papalapit sa akin. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Parang gusto ko nang tumakbo palayo rito.


"Huy, okay ka lang ba? Ba't parang nakakita ka ng multo d'yan?" aniya tatlong hakbang mula sa akin.


"Ah, ano, uhm... nag-text 'yung kapatid ko na kailangan raw ako sa school nila ngayon na. Ba-bye!" Palusot ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at dali-dali nang tumakbo palabas. Buong sandaling tumatakbo ako ay iyon pa rin ang laman ng utak ko.


Tumigil ako nang makalagpas sa boundary ng subdivision. Napakapit ako sa dibdib habang habol-habol ang hininga. Saglit kong sinulyapan ang tinahak kong daan upang tingnan kung sinundan ba ako ni Leander at buti naman ay hindi.

"Miss?" Napatingin ako sa lalaking nangalabit sa akin.

Hindi pamilyar sa akin ang mukha niya, as in hindi ko talaga siya kilala. Ano kayang sadya nito Tinasaan ko lang siya ng magkabilang kilay bilang tugon.


"Miss Molina, right?"

Napakunoot ako ng noo at mabagal na tumango. At bakit naman niya ako kilala?

"Paul nga po pala, ako 'yung guard ni Sir Adrian." 


Nawala ang gusot sa aking mukha at bahagyang nagliwanag ang magulo kong isipan. "Guard? What do you mean?"


Nang mapansin niyang ang awkward ng sitwasyon naming nasa daan lang na nag-uusap ay inaya niya akong magpunta sa isang malapit na convenient store upang makapag-usap nang maayos.

"Okay, so, continue," sambit ko nang makaupo.

Tumikhim siya. Hindi siya agad nagsalita at inayos muna ang sarili sa pagkakaupo. Ginamit ko ang sandaling 'yon upang suriin ang binata. Judging by his build and clothing style, it's safe to say he looks quite young.


"Personal guard ako ni Sir Adrian dati..." panimula niya.


"Dati lang? Hindi na ba ngayon?" Agad kong tanong. Baka kasi totoong patay na si Paredes kaya dati na lang?

"Ayaw niya kasi e," tipid niyang sagot na siyang lalong nagpagulo sa isipan ko.

Why Did You Choose MeWhere stories live. Discover now