Chapter 8

699 58 24
                                    






"Hello, my baby, I miss—aray!" Hinampas ko siya sa braso at nilagpasan. Kararating ko lang at 'yon na agad ang ibinungad niya sa akin.


Umupo ako sa sofa kasi wala naman akong ibang mapupuntahan. Tumingin ako sa malayo, pinag-iisipan ko nang mabuti kung bakit pa ba ako nagpunta rito. Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ay naririnig ko ang nakakairitang tawa ni Leander kahit hindi ako nakatingin sa kaniya. Napansin ko ang pagbukas ng TV at awtomatikong umikot ang mga mata ko. Spongebob na naman.


"You know what, baby—"

"Leander pwede ba?! Tigilan mo 'ko nandidiri ako sa 'yo!" Iritado kong sambit. Patuloy pa rin siya sa pagtawa tila ba tuwang-tuwa na napipikon ako.

Pagkaupo niya sa tabi ko ay lumandas ang kaniyang braso sa aking balikat. Bahagya akong gumalaw para alisin 'yon ngunit mas hinigpitan niya pa ang kapit.


"Ang cute cute mo mainis, boi..." aniya at tumawa ulit. Mas lalo siyang dumikit sa akin. "Alam mo, binibiro lang kita. Boi baka nakakalimutan mong ako si Spongebob at ikaw si Patrick? Best friends tayo, boi!"

Bumaling ako sa kaniya. "'Yun naman pala, e! Tigilan mo na kakaasar sa 'kin, nandidiri talaga ako." Inalis ko na ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.


"Hindi na, bati na tayo. Who lives in a pineapple under the sea?" Pakanta niyang tanong, nakataas ang kaniyang mga kilay na nag-aantay ng sagot ko. I just rolled my eyes.

"Sasagot ka o lalandiin kita?"

Bumaling ako sa kaniya. Nakahalukipkip ito at nagtataray ang mukha. Parang batang naghahanap ng kalaro.

"Spongebob Squarepants," walang gana kong tugon.

"Ano ba 'yan ang lamya! Ganahan mo naman!"

"Spongebob Squarepants," walang gana ko pa ring sagot. Nilakasan ko lang nang kaunti para makuntento na siya pero hindi pa rin e.

"Sabi ko ganahan mo hindi lakasan!"

"Spongebob Squarepants!"

"Ayan ganyan isa pa! Who lives in a pineapple under the sea?!"

"Spongebob Squarepants!"

"Absorbent and yellow and porous is he?!"

"Spongebob Squarepants!"

Ginaya niya pa ang boses ng pirate at ako naman ay tuwang-tuwa sa pagsigaw ng Spongebob Squarepants. Nagtatawanan kami dahil sa kalokohan naming ito. Pati ako nagiging abnormal na rin tuloy.

"Again! Who lives in a pineapple under the sea?!"

"Spongebob Squarepants!"

"Absorbent and Yellow and porous is he?!"

"Spongebob Squarepants!"

"Who lives in a pineapple and Mavi's baby?!"

"Spongebob Square—anong sabi mo?" Ang kaninang tuwa sa aking mukha ay naglaho na.

Why Did You Choose MeWhere stories live. Discover now