Chapter 3

768 57 5
                                    


I pressed the doorbell but nobody's coming out of the house. Tulog pa kaya si Leander?

"Hello? Tao po!" I shouted. Kapag hindi pa rin 'to, lumabas aakyatin ko talaga 'tong gate.

Hanggang sa lumabas na nga siya ng pinto. Agad akong kumaway at may kasama pang malawak na ngiti.

"Bilisan mo, Boi, ang init dito sa labas!" Sigaw ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.

Nakapagtatakang ang sama ng tingin niya sa akin. Hindi naman masama talaga, his eyes are just a bit colder now. Bad trip kaya?

"What do you need?" He coldly asked.

Unti-unting napawi ang ngiti sa aking mga labi at awtomatikong kumunot ang noo ko. Baka pinagtitripan na naman ako nito?

"Boi, umayos ka," seryoso kong wika. Wala akong natanggap na response mula sa kaniya. Ni hindi nga nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"I'm not gonna waste my precious time on you." Pagkasabi niya no'n ay agad din siyang tumalikod at naglakad pabalik sa loob.

"Leander, ano ba?! Stop playing games with me!" I yelled in frustration.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi ako pinansin. Parang tanga naman 'tong taong 'to.

Sa sobrang inis ay inakyat ko ang gate. Tumakbo ako papunta sa pintuan at bumalandra sa harap niya bago niya pa ito maisara.

"What the f*ck?!" He yelled.

Kung kahapon ay weird siya, ngayon naman ay mas weird siya. Hindi kaya may sakit sa utak 'tong taong 'to?

Ang sama ng tingin niya sa akin at aaminin kong nasisindak ako roon. Hindi muna ako umimik dahil pinapahupa ko muna ang hingal ko.

"What do you need?" Mariin at iritado niyang tanong.

Natatakot ako sa kaniya. Parang may kakaiba sa mga mata niya na masisindak ka talaga.

"You know what? Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganiyan. Kung may problema ka pwede mo—" Natigil ako sa pagsasalita nang itinaas niya ang kaniyang palad at tinapat sa mukha ko.

"I don't f*cking know you, so... get lost!"

May katigasan akong tao pero sa mga pagkakataong sinisigawan ako ay nanlalambot ako. Naninikip na 'yung dibdib ko at parang hindi na ako makahinga. Nanlabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang naipon na sa gilid ng aking mga mata.

"Leave now!"

Gulat na gulat ako sa pagsigaw niya. Buong-buo kasi ang boses niya na talagang nakakakilabot. Hinaplos ko ang dibdib dahil sa bigat ng paghinga ko, sobrang bigat.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas. Muli akong napalundag nang malakas niyang isinara ang pinto. He's the most heartless man I have ever met. 

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagbagsak at hinayaan na lamang para kahit papaano ay mailabas ko ang bigat. Idagdag mo pang naguguluhan ako sa mga nangyayari.

Bakit siya gano'n? Parang kahapon lang sobrang close naming dalawa. Hindi ko alam na ganoon pala ang ugali niya.

Mababaliw ako sa taong 'to. Kakausapin ko na lang si Doc na aatras na ako rito. Mas okay na sa akin ang magtrabaho sa ospital kahit medyo nakakapagod. Kaysa naman sa assignment na 'to na wala akong ginagawa pero nai-stress ako.

Pag-uwi ko sa bahay ay tinawagan ko agad si Doc Alvarez pero cannot be reached. 'Di bale, pupuntahan ko na lang siya sa ospital bukas.


Inagahan ko talaga ang gising kinabukasan para maunahan ko si Bella sa paggamit ng banyo. Nang matapos ako sa morning routine ko ay agad akong nagtungo sa ospital.

Why Did You Choose MeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora