50

116K 2.3K 198
                                    

50- Hindi lang talaga ako makatulog. Naiisip kita......

One of the reasons why I love you is because you make me smile for no reason.

********************************

“Ayoko ng Epifania, Sinta.” Nakahiga silang pareho. Ang saya kaya ng date nila kanina, food trip lang ang ginawa nila pagkatapos manood ng sine na hindi nila parehong naintindihan.

“Namesung kaya ni granny yan, Sintas, para naman ang nickname niya is Fanny.”

“Ayoko nga.”

“What do you want ba?”

“Pag girls silang pareho, I want to call them Erynn, which means peace and Elysse, which means noble.” Gusto niya rin sanang combination ng mga names nila pero nagbago ang isip niya.

“Ay winner, Sintas! What if hombre?”

“Ikaw na pag boys, Sinta, then pag boy and girl, kukuha lang tayo ng favorite natin.”

“Hmmmm. I like Kael, it means  slender and fair, and Kedric, it means war leader! Para lalaking tunay na hombre, Sintas at hindi magmamana sa akin na dadaan sa identity crises.”

“Kahit ano pa sila, Sinta, I will still love our babies.”

“Of course! Me, I’ll still love them kahit pa kambal na dyokla sila, magtatayo kami ng cheering squad, ako ang leader. Go B1, Go B2, ako si DaMi E!”

““Nakakainis ka naman, Sinta eh! Anong DaMi E?” Ang daming alam ng asawa niya.

“Daddy Mommy Elvin, DaMi E for short.”

“Ha-ha-ha. Tatlong tawa na, Sintas, last na yan ha.”

“Ah ganun ha, wizel ka natawa sa joke ko?” Kiniliti niya ito sa tagiliran.

“Sintaaaa! Nakakainis ka, malakas kiliti ko jan! Teka lang, waiiiittt!”

“Minsan lang nga ako mag joke, waley pa sa iyo, dapat sa iyo pinaparusahan Sintas.” Sabay kiliti ulit.

“Ayoko ng ganyang punishment.”

“Aba! Choosy lang ang peg?” Inayos nito ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng kanyang nyosawa.

“What do you want?” Pinalaki pa nito ang boses niya. At ang lukresia eh humagikhik lang.

“Hmmmm. Bulong ko sa ‘yo, Sinta.” Lumapit pa siya sa asawa.

“Ay! Winner, Sintas! Gora agora!” Sabay halik sa asawa niya.

***************************************

Hindi na bumalik si JB. Mas mabuti iyon, kahit pa nagalit nang bahagya ang Papa ni Kathryn, pero silang dalawang mag-asawa ay tuwang –tuwa. Aba, hindi kawalan si JB.

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon