24

207K 2.5K 112
                                    

24

Somebody created a group for me, just in case you wanted to join... thanks..

https://www.facebook.com/groups/344111462405849/

At nakalimutan ko ring sabihin na may FB Account silang dalawa, search nyo lang po Elvin Yue Fernandez at Kathryn Piamonte, yun nga lang, di active dahil naghahanap ako ng operator ni ELVIN, LALAKING operator.

********************

Hindi maipinta ang mukha ni Kathyn, isinumpa niya yata ang kawawang staff. Kung hindi niya ito napigilan kagabi ay malamang gumawa na ito ng ten pages complaint letter para raw ipatanggal niya ang epal na kawawang staff.

“Andun na eh, Sinta, mag NM na tayo, tapos bigla siyang kakatok, tapos sumigaw na nga ako na huwag siyang istorbo pero hindi pa rin siya naniwala.” Wala sa mood at paulit-ulit na sinasabi nito sa kanya. Patulog na sila at siyempre nawala na ang mood for NM sana.

Nagpapasalamat talaga aketch sa staff na yun!  Sa isip ni Elvin, imagine, matutuloy na sana ang kinatatakutan niyang NM, mabuti na lamang at biglang may anghel, at talagang anghel ang tawag niya sa staff.

“Erklip na tayels, Sintas.” (matulog na tayo, Sintas)

“Hmp! Ano pa nga bang magagawa ko. Susulitin na lamang natin yung natitirang bukas bago tayo makauwi.”

“Oo na. Usog na at alam ko na yayakap ka na naman.” Sabi nito.

Ngumiti si Kathryn, alam ba  ng baklitang ito na nakakakilig na talaga siya? Little actions of him make her kilig. Nakuntento na lamang siya sa simpleng yakap na iyon bago matulog. Wala na ang momentum eh, hahanap na lamang siya ng ibang time. Push lang ng push!

************************

KInabukasan, maaga pa ay nagbabad na ng dagat ang dalawa. Siyempre, litaw na naman ang kamachohan ng kanyang Sinta.

“Sinta, ayoko na, ang lalim na kaya jan.” Inaalalayan siya nito sa bahaging lampas tao na. Takot siya sa tubig kaya hanggang sa may kili-kili lamang ang kaya niya.

“Wit ma shokot Sintas. Champion kaya akembang sa swimming since high school.” 

Kahit takot ay gora  pa rin si Kathryn, siyempre, iba kaya kapag yung Sinta mo ay nasa tabi mo, masarap sa pakiramdam, isa pa, bakit feeling niya, kapag nasa tabi niya si Elvin ay safe na safe siya? Hindi naman dahil lang sa macho ang katawan nito kahit na baklush, pero there is something about him that makes her feel safe and comfortable.

“Kapit sa leeg ko, Sintas, tapos mamaya, I’ll teach you how to swim.” Sabin i Elvin habang nakatingin sa mga mata niya.

“Kinikilig ako, Sinta.” Hindi niya napigilang sabi.

“Pigilan mo yan, Kathy.” Natatawang sabi ni Elvin. Sanay na siya sa pagiging expressive ng feelings ni Kathryn.

“A-yo-ko. Sa kinikilig ako talaga.” Kumapit siya hindi sa leeg kundi yumakap sa asawa.

“Heh! Landi mo talaga Sintas.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon