75

55.4K 1.3K 155
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

75

Para ito kay Yssel na nanalo sa pacontest ni Thalia. Salamat dahil game na game siyang umarte with all buhos pa ng tubig at dampot ng palwa sa lubi. I had so much fun watching!

**************************************************************************

Mabigat ang mga paa na pumunta si Elvin sa kusina, nakapag promise siya kay Kathryn na ipaghahanda niya ito ng almusal kaya hindi na niya ginising ang asawa.

Nakasalubong niya si Inday.

"Gud murneng, Ser!"

"Morning, Inday."

"Ser, may bad news nga pla ako."

Walang mas ibaba-bad news pa sa pangalan ni Victoria, pagkagising ay siya agad ang naalala ni Elvin. Alam kasi niyang ngayon ang araw ng palugit nito.

"Ano yun? Mag-aasawa ka na? Tulungan mo muna akong maghanda ng almusal."

"Uber ka Ser! Hindi pa nga kame nag mansari ni Dudung ih!"

"Ha? Kayo na ni Dodong? Sinagot ka na?"

"Ser naman! Juker! Siya sinagot ko ng uu."

"Inday, ayoko na mapektuhan ang trabaho ng lovelife mo ha." Babala ni Elvin sa kasambahay.

"Upu Ser. Nagpramis naman si Dudung na tuwing day op lang kami mag mit. Saka, nakakaheya kay Ser Roel. Magkakilala pa naman kayo, Ser."

"Tama, makukurot talaga kita Inday. Halika na, gusto kong may pagkain na ang Ma'am mo kapag nagising at habang tulog pa ang mga bata."

Kinuha ni Elvin ang mga itlog sa tray.

"Ay Ser, yung bad news po, hindi ko nasabi. Tumawag mo si Mam Biki, kakalabas nyo lang ng kwarto."

Of all the names, ang pangalan ni Victoria ang ayaw niyang marinig. "Sa landline?"

"Yis Ser. Sabi ko sliping pa, piro sabi niya, ako daw talaga ang gusto niyang makaosap."

"Bakit raw?"

"Sabi niya Ser, ipapaalala ko raw sa inyo na bertdey niya ngayon at ang gefs mo daw, Ser."

"Wala talagang hiya ang babaeng yan."

"Subra Ser! Kras na kras ka talaga, Ser kahit alam na niyang may Mam Kathryn ka na."

Napabuntung-hininga si Elvin habang naghihiwa ng kamatis.

"Ser, alam mo, huwag kang paapiktu sa kanya. Mga ganyang babai, talagang gagawin ang lahat para masira ang rilasyon. Alam mo Ser, yung pers lab ko, inagaw rin sa akin. Kaya nakaka rilit ako, Ser. Nakakatakot ang babaing ganyan, sabi nga nila, 'basta igat, kurat'."

"Okay lang Inday. Minsan nakagagaan kang kausap."

"Tinks Ser!"

"Ang alam ko lang, importante sa akin ang pamilyang ito, at gagawin ko lahat - lahat para hindi masira. Kahit sarili ko kaya kong isakripisyo."

"Ser, basta I belib na love is beri powerful! Walang makakatalo kahit pa pinaka kusgan nga igat, Ser. Kaya nag move on na ako sa pers lab ko kasi natokso siya, kulang ang love niya Ser. Basta bi honest Ser."

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon