Chapter 9

546 10 0
                                    

Kiefer's POV

After tonight's show makakausap ko na si Ly.  Nandito ako ngayon sa Resort World Manila. Hinihintay ko ang ibang athletes dito ng makita ko ang mga Green Archers. Kaibigan ko din naman sila kaya nilapitan ko sila.

"Hi."

"Hi kiefer.", archers except Kim Fajardo.

"Hi Kim"

"Guys, alis muna ako ha. Balikan ko na lang kayo later.",Kim.

"Ano, galit ba yun sa akin?"

"Malamang.", archers.

"Bakit daw?"

"Bakit di mo siya tanungin Kiefer?", Mika.

" Sige. Wait lang guys ha..."

Sinundan ko si Kim at naabutan ko naman siya sa may lobby ng hotel.

"Kim, sandali lang."

"Ano??!"

"Easy... galit ka ba sa akin?"

"Ano sa palagay mo?"

"Hindi ko nga alam e. Kaya nga i am here asking you. Ano bang ginawa ko sa iyo?"

"Sa akin wala pero sa kaibigan ko meron!"

"So that's it. What about Alyssa?"

"Wow huh!. Wala kang naalala?... well sabagay wala ka naman talagang maalala eh dahil pati nga kaibigan ko nakalimutan mong asawa mo. That was how manybyears ago na nga ba?"

"Wait lang Kim, wala kang alam sa nangyari sa amin ni Ly so sana naman wag ganito."

"So ako pala ang walang alam. Bakit ikaw, anong alam mo kay Ly after you left for your US dream ha?"

"What do you mean?"

"See? So ikaw ang walang alam kung ano ang pinagdaanan ng kaibigan ko when you left her just like that. Lahat nawala sa kanya. Lahat lahat Kiefer even her bab-"

"Anong sabi mo Kim?"

"Wala.."

"Hindi. May sinabi ka kanina eh. Sabi mo bab... you mean baby? Buntis si Ly ng iwan ko siya? So nagka anak kami?  Nasaan ang anak ko Kim? Bakit hindi ko siya nakikitang kasama ni Ly?"

"Sana nga Kiefer. Sana nga may anak kayo kung hindi lang nakunan si Ly"

"P-paanong nangyari? Anong nangyari bakit nawala ang baby?"

"She suffered emotional stress after learning about the annulment."

"Bakit hindi sa akin sinabi nila Mama?"

"Walang nakakaalam maliban sa akin. Sinabihan ko si Ly na dapat sabihin sa inyo pero sabi nya ano pang silbi nun kung wala ng baby and soon maa annul din naman daw ang kasal nyo."

"Oh God...what have i done?"

"Anong ginawa mo?!... nawala ang lahat sa kaibigan ko Kiefer. Ang career nya, ang pamilyang dapat sana ay meron siya, ang kaligayahan nya. Lahat yun nawala sa kanya. Nang dahil sa iyo, dahil sa inyong lahat."

"Sorry...sorry"

"Sa kanya ka dapat humingi ng tawad hindi sa akin."

😯😕😢😭

"Huy, Kiefer kanina ka pa hinahanap dun. Anong ginagawa mo dito? Teka umiiyak ka ba?"

"Ate Gretch..."

"Teka nga.. ano bang nangyayari Kief"

"Si Ly ate Gretch, nagbuntis si Ly. Buntis siya nung iniwan ko siya?"

"Not the Least but Last"Where stories live. Discover now