Chapter Ten

31.3K 968 24
                                    

CHAPTER TEN

VENICE heavily sighed. Kaunting oras na lang at malapit na siyang sumakay ng eroplanong papuntang Amerika. A week passed without any call from Kyle. Kaya agad siyang kumuha ng ticket papuntang Amerika. Napagdesisyunan na niyang doon na mamalagi kasama ang kanyang pamilya. Oras na para iwan niya ang Pilipinas.

            “Venice, lagi pa rin dapat tayong may communication, ha?” sabi sa kanya ni Chrisee. Ito ang naghatid sa kanya sa airport at ayaw nitong iwanan siya habang hindi pa tinatawag ang flight niya. Nakapag-check-in na siya ngunit nanatili siya sa area kung saan pwede niya pang makasama ang kaibigan.

            “Of course, Chrisee. Ikaw ang laging magbabalita sa’kin kapag may bagong labas akong libro, ‘di ba?”

            Tumango ito. Nakikita niyang pinipigilan nitong maiyak sa pag-alis niya kaya naman dumaldal na lang ito ng dumaldal.

            Patuloy pa rin siyang magsusulat. Magsusulat siya sa Paper Roses hanggang sa matapos ang kontrata niya. Kahit pa anong nangyari sa kanila ni Kyle, she must remain professional and complete her current obligations.

            Hindi niya masisisi ang mga tao sa Paper Roses kung bakit gusto siyang “paamuhin” ng mga ito. Masyado siguro siyang naging “terror” sa mga tao ng Paper Roses. Pero, sana, hindi ang paibigin siya ni Kyle ang naisip nang mga ito na paraan para bumait siya sa mga ito.

            She fell in love. Lahat sa paligid niya ay pawang maganda at makulay. Wala na siyang makitang rason para hindi ngumiti at tumawa. And, the people in Paper Roses, benefited from it. Even, Kyle. Dahil hindi na siya naging sakit nang ulo dito at malinis pa ang pangalan ng Paper Roses.

            Galit na galit man siya nang malaman iyon, ngayon, parang naiintindihn niya pa ang mga ito. Nakapagpatawad agad ang puso niya.

            Aalis siya ng bansa, hindi dahil sa galit at sakit na naman. Kailangan niyang lumayo kay Kyle. Mahal niya ito kahit pa hindi naman totoo ang nararamdaman nito sa kanya. Sa mga araw na lumipas ay hinihintay niyang suyuin siya nito, sapagkat, umaasa siyang minahal na din siya nito kahit pa pinaibig lamang siya. But, each passing day without any call from him, made her decide to leave the country. Napatawad niya na si Kyle. Wala ng silbi pang magtanim siya ng galit sa taong minamahal niya. Kapag nasa Amerika na siya, she would be able to move on. Maybe.

            “Aurora?”

            Napalingon siya at nakita sina Jim, Eric, Kedan, Nick, at Jason. Malungkot ang itsura ng mga ito.

            “Anong ginagawa niyo rito?”

            Sa gulat niya ay nagluhuran ang mga ito sa harap niya habang nakasalikop ang mga kamay.

            “Aurora, Aurora, patawarin mo na kami.”

            “Joke lang naman iyong tungkol sa panliligaw sa’yo ni Sir para umamo ka na at maging mabait sa’min.”

            “Sigaw-sigawan mo na kami, tatanggapin naming lahat.”

            “We’re so sorry, Venice. Please, huwag ka ng magalit sa’min.”

            Narinig niya ang pagtawa ni Chrisee sa kanyang tabi. Mukha naman kasing tanga ang limang lalaki habang nakaluhod at nagmamakaawa sa kanya.

            Natawa na rin siya. “Tumayo nga kayong lima diyan. Pinagtitinginan na kayo ng mga tao, ‘o.”

            Tumayo ang mga ito. “Venice, hindi naman kasi—”

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now