Chapter Nine.

28.8K 915 14
                                    

CHAPTER NINE

“HAPPY MONTHSARY!”

            Nakangiting bati ni Kyle sa kanya pagbukas na pagbukas pa lang niya ng pintuan. It’s their first month as a couple.

Venice smiled a bit. “Happy monthsary,” mahinang bati niya rin dito.

Pinatuloy niya ito sa kanyang bahay. Pagkasara niya ng pinto ay napasinghap siya nang agad siya nitong yakapin mula sa likod.

“I miss you so much, Venice!” he tenderly said. “Sobrang daming ginagawa sa office but I survived!” natatawang sabi nito.

Humarap siya dito. “That’s great.”

Nanatili pa ring nakapulupot ang mga braso nito sa kanyang baywang. He kissed her right cheek and nose. “Did you miss me?” naglalambing na tanong nito.

Tinukod niya ang kamay sa dibdib nito upang maglagay ng kaunting distansya sa pagitan nila. Naasiwa siya na napakalapit nila sa isa’t isa. Kung dati, gumaganti pa siya ng mas mahigpit na yakap rito, ngayon, tila ayaw niyang maging malapit ito ng ganoon sa kanya.

            “Venice? May problema ba?” nag-aalalang tanong nito.

            Bakit ganoon ito? Why does he sound like he really cared?

            Mabilis siyang kumawala mula sa mga yakap nito at tinalikuran ito. Naglakad siya patungo sa kusina. Pinipigilan niyang kumawala ang emosyong kanina niya pa gustong ilabas.

            “Venice…” naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. “What’s the problem?”

            “I just solved a mystery,” she coldly said.

            “What mystery?”

            Huminto siya sa paglalakad at humarap dito. “Why a boss would court his bad employee.”

            Kumunot ang noo nito. Matalim niyang tinignan ito. Maya-maya’y parang nakuha nito ang kanyang sinabi dahil biglang natigilan ito.

            “Maganda nga namang ma-in love ako para ‘mapaamo’ ako, ano? Afterall, kahit gaano naman kabato at kapasaway ang isang babae, lalambot at lalambot din ang puso niya kapag napaibig ng isang lalaki,” she bitterly said. “at hindi ako excemption sa mga babaeng nauuto ng mga matatamis na salita.

            “Good job, Sir Kyle! Napaamo mo’ko. Mabait na ‘ko sa lahat, makakapagsulat pa ‘ko sa kompanya mo para sa mas malaking sales, at hindi na madudumihan ang pangalan ng Paper Roses dahil hindi na nga naman magwawala si Aurora Rose sa mga social networking sites. How cool is that, huh?” sarkastikong wika niya pa. Gustung-gusto niya nang singhalan ito!

            He tried to reach her but she stepped back.

            “Itatanggi mo ba ang mga narinig ko kahapon na pinag-uusapan niyo sa pantry area?” nanggigil na sabi niya.

            “How long have you heard on what we’re talking about?”

            “I heard long enough to realized how I was fooled again.” Matapang niyang sinalubong ang mga tingin nito. “Napaikot na naman ako ng isang publisher. Pare-parehas lang talaga kayo. You would do everything for good name, fame, and money.”

            She saw pain in his eyes. “Ganoon ba ang tingin mo sa’kin?”

            “Mas masahol pa!” asik niya rito. “Sana, hindi mo na lang ako binabayaran ng royalties at ng tama sa mga manuscript na pinapasa ko! Sana ipinangalan mo na lang sa ibang manunulat ang mga gawa ko! Sana, binenta mo na lang ang lahat ng libro ko sa Red Carpet para gawing pelikula! Sana ganoon na lang ang mga ginawa mo para parusahan ako sa hindi magandang ugali ko! Hindi iyong liligawan mo ‘ko, paiibigin, para sa ikakabuti ng kompanya mo! Damn you, Kyle! Damn you!” sigaw niya na rito.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon