Book 2: Epilogue

59.7K 1.7K 144
                                    

EPILOGUE

HAPON na nagising si Chrisee sa kanyang condo. Napasimangot siya nang maalala ang nangyari kagabi. Walanghiyang Jack iyon! Porket in-accept niya lang ang friend request nito sa Facebook, buong magdamag na silang nag-chat!

Puwede ka namang magpaalam sa kanya na matutulog ka na pero hindi mo ginawa. Bakit? Kasi gusto mo rin siyang kausap, Chrisee. Huwag kang ano! Umaasa ka pa, eh!

Napasimangot siya sa tinakbo ng utak. Nakaka-letse. Ang tanda-tanda na niya para umasa, ano! Nakakainis naman kasing Jack na iyon! Ang guwapo pa rin sa paglipas ng panahon.

Naalala niya tuloy noong mag-MU pa sila... Mabilis siyang napailing-iling. Argh! Ayaw niya nang balikan. Bata pa siya noon. Tatanga-tanga. Umasa sa wala.

"Makapasok na nga sa trabaho!" Baka mapagalitan pa siya ng half-brother niya kapag na-late na naman siya sa kompanya na ito ang may-ari.

Pero dahil may katamaran talaga siya ay nanatili pa rin siyang nakahiga at nagbukas na lang ng Instagram account niya.

Napabalikwas siya nang bangon nang bumungad sa kanya ang isang picture na pinost ni Venice bilang Aurora Rose sa account nito.

Larawan iyon nito at ni Kyle. Nakangiti habang nakataas ang magkahawak na kamay. May suot na wedding ring ang dalawa! Oh, my god!

Mabilis niyang binasa ang caption. Napatili siya sa kilig at kung puwede lang ay tinadtad niya na ng Like ang photo na iyon.

***

TILI NANG TILI Si Scarlette na natatawa na lang si Jeraldine sa kasamahang manunulat. Nakasakay sila sa taxi papunta sa office para kumuha ng paycheck sa opisina.

"May forever talaga, eh!" tuwang-tuwang sabi nito habang nakatingin sa Instagram post ng isang sikat na writer na si Aurora Rose. "Tignan mo, Jeraldine! Tignan mo!"

Talagang nginudngod nito sa kanya ang Iphone nito. Lumayo siya at mas tumawa pa.

"Ano ba? Naniniwala naman ako sa love, ano?"

"Iyon naman pala, eh. Magsulat ka naman ng mga may happy ending. Puro ka tragic. Character killer. Bitter!" pambu-bully nito sa kanya na tinawanan niya lang.

"Patingin na nga lang niyan. Nagpakasal na talaga si Sir Kyle at si Ma'am Venice?"

"Oo! Bilis tignan mo! Tapos kayo ni Sir Khalil ang next."

Namula siya. "Hoy, ang bata ko pa."

Natawa ito. "Bahala ka. Sir Khalil na iyon. CEO and very young! Hihintayin ka niya daw maka-graduate next year! Ah! Mapapaniwala ka niya sa power ng love!"

Binelatan niya lang ito. Malakas siyang tao. "Love? It's for the weak and closest to self-destruction," mataray niyang sabi.

"Edi, wow. Bahala ka diyan. Tignan mo na 'tong picture, dali!"

Pagkatingin niya sa photo ay napangiti naman si Jeraldine. Then, she read the caption and for a while she believed in happy endings.

Binasa niya ulit ang caption.

It was true, indeed. When you let God do things in His way, you'll find yourself happy beyond compare. 'Twas long overdue, but we're meant to be, my husband said. And if lovers are really meant to be, God will lead you to each other. No matter what, when, and how. Have faith in fate. That's how I got my happily ever after. #JustMarried #MrsUno

W A K A S

***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd
~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

~~~

Visit our PubCamp:

Facebook: FGW Publishing Camp

Twitter: FGWPubCamp

~~~

I love to grow and improve more in writing.

If you have any story review/critique or suggestions, just send an email to:

reviews.fgw@gmail.com

I'll make sure your reviews will be kept confidential and highly appreciated. Thank you!

***

TO GOD BE THE GLORY!

-2015-

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHROnde as histórias ganham vida. Descobre agora