23 Chosen

179 4 0
                                    

Chris's POV

"Ngayon kailangan naming mamimili ng mga kapalit ninyo Neo" sabi ng green ng liwanag

nagsimulang gumalaw ng pulang liwanag at tumapat kay Lala

"dahil sa katapangang iyong pinakita, ikaw ay tatawaging tagapangalaga ng mga bulaklak" at pumasok sya sa puso ni Lala

"simula ngayon ay pangalan mo ay tatawagin nang Mela" at bigla syang nagliwanag at nagiba ang kanyang kasutan

aaminin ang ganda-ganda ni Lala este Mela ngayon

masaya ako para sa kanya dahil na tawag bilang tagapangalaga ng ng bulaklak

nagsimula naring gumalaw ang puting liwanag

at tumapat sya sa harap ni Lulu

"ikaw Lulu dahil sa kabaitan mo, ikaw ay tatawaging tagapangalaga ng mga Yelo sa buong mundo"

at pumasok na sya sa puso ng Lulu

"at simula ngayon ikaw ay tatawaging Jack... Jack Frost"nagliwanag si Lulu este Jack Frost na pala

grabe bakit ganito bigla nalang silang gumaganda at gumagwapo ng ganito

at huling gumalaw ang green na liwanag at tumapat ito kay Lolo

"ikaw Lolo dahil sa iyong pinakitang Kagalingan sa lahat ng bagay, ikaw ay tatawaging tagapangalaga ng buong kagubatan"

lumuhod si Lolo para tanggapin ang responsibilidad na nakaatang sa kanya

at pumasok sa puso ni Lolo ang liwanag

"simula ngayon Lolo ikaw ay tatawagin nang Denese" sabi sa kanya nang liwanag at nagsimula na syang nagliwanag at nag-iba ng kanyang kasuotan

"paalam na master maraming salamat sa lahat ng iyong tinuro" at lumuhod silang tatlo sa harap ni Neo

grabe hindi ko kaya ang ganito ang makitang maghihiwalay-hiwalay ang mga magkakaibigan

naiyak nalang ako ng hindi ko namamalayan

nakita kong umiiyak rin sina Mela, Jack at Denese

"magsitayo tayo at simulan ang mga gawaing nakaatang sa inyong mga ulonan at hinding hindi ko kayo makakalimutan" at tumayo na silang tatlo

"maraming, maraming salamat sa inyong tulong" dagdag ni Neo

at nag-group hug sila kaya sumama narin ako sa group hug nila

grabe todo ang iyakan namin parang mawawala naman sila nang matagal which is true

sana makita ko pa sila kahit bago ako mawala sa mundong ito

mabubuting silang kaibigan kay Neo pati narin sakin

kahit sa sandaling nagkakakilala kaming apat eh naging mabait sila sakin

"hangang sa muli master" sabi ni Mela

"tama hangang sa muli" sabi ni Denese

"magkikita patayong lahat ulit master pangako yan" sabi naman ni Jack

at nagsimula na silang nagsilipad hangang sa hindi ko na sila natanaw ng aking mga mata

"ano tara na" yakap sakin ni Neo mula sa aking likuran at humalik pa sya sa aking leeg

"oo tara mahal ko" at hinawakan ko sya sa kanyang mga kamay at nagsimula na kaming maglakad pauwi sa aming apartment at masaya

sa wakas tapos na ang aming kalbaryo sa buhay

Tree of LoveWhere stories live. Discover now