10 Meet Rosa

339 15 1
                                    

pagkagising ko nakaluto na ulit si Neo ng waffle naming dalawa pero this time may syrup na chocolate mukhang alam nya na iyong lasa ko ah. bumangon ako na sa kama ko.

umupo na ako sa mesa ko para kainin iyong waffles pero bigla nalang may kumatok sa pintuan namin. binuksan ko ang pinto pero isang pulang rosas lang ang aking nakita at ang bango-bango pa, sa isip-isip ko baka si Neo lang may bigay nito sakin.

lumabas na ng banyo si Neo na nakatapis lang ang tuwalya sa katawan nya, ang laki talaga ng katawan nya, maputi at ang ganda ng hubog ng abs nya, yum yum.

"san galing yang rosas na yan?" tanong nya sakin

"hindi ba ito galing sayo?" kumonot ang noo ko kanino kaya galing itong rosas na to kung hindi galing sa kanya?

"hindi nakita mo namang kagagaling ko lang sa banyo para maligo, pahiram nga ng rosas na yan" inabot nya ang kamay nya sakin

"ito oh" kinuha nya ito ay inamoy

bigla nalang lumaki ang mata nya at tinapon iyong rosas mula sa bintana

"bat mo naman ginawa iyon" tanong ko sa kanya kasi naguguluhan ako sa reaksyon nya

"hindi na mahala iyon, halika kain na tayo" aya nya sakin ng nakangiti kaya pumayag nalang ako wala naman akong magagawa kong ayaw nyang sabihin sakin

dumating kami sa school campus namin ng napakaaga kaya dumeretso kaming dalawa sa room namin

"ngayon na ba iyong elimination para sa mr. and ms. foundation day?" tanong nya sakin

"oo ata kaya galingan nating dalawa" sabi ko sa kanya

"sige ano kaya kung magpustahan tayong dalawa kung ako ang makukuha manlilibre ka ng hapunan pero pag ikaw ang nakuha ikaw ang manlilibre ng hapunan mamaya" sabi nya sakin

"sige ba cool ako dyan" sabi ko sa kanya at nakipagkamay para malaman ko na pumayag din sya sa kasunduan naming dalawa

nakangiti lang kaming dalawa. tumabi sya saking upuan at lumapit ang mukha nya sa mukha ko kaya wala na akong ibang nagawa pa kundi ang ipikit angaking mga mata. ramdam kong napakalapit na ng mukha nya sa mukha ko

"ito oh ang dumi sa buhok mo" sabi nya sakin habang tumatawa "oh bakit ka pumikit?" tanong nya nagkakaasar sa part ko

"ewan ko sayo" inis kong sabi sa kanya kaya tumalikod nalang ako

kaya niyakap nya ako mula sa likuran. ang sarap ng ganitong pakiramdam na niyayakap ka ng mahigpit sa likuran para napakasafe ko sa oras na to.

bigla nalang naputol ang aming yakapan ng biglang bumukas ang pinto ng room namin at may magandang babaeng pumasok. matangkad sya, kayumangi ang kulay at mabango amoy rosas ang buong room namin dahil sa kanya

"ang tagal ko nang naghahanap sayo Neo, tama nga ako dito nga kita matatagpuan" sabi nyang iyon na nakatingin na diretso kay Neo.

Tree of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon