Chapter Thirteen

1.4K 64 2
                                    


KINABUKASAN ng gabi pagkatapos ng hapunan ay tumambay si Shakira sa harap ng inuukupa niyang kuwarto. Naglabas siya ng wine. Umupo siya sa silyang katapat ng mini round table. Narinig niyang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Jereck kasunod ang presensiya nito.

"Umiinom ka na naman," sabi nito.

"Wine lang ito," aniya.

"Matapang ang wine na 'yan. Malakas ang alcohol," wika nito. Lumuklok ito sa katapat niyang silya.

"Konti lang naman, pampatulog."

"Okay. Sino ba ako para limitahan ka? I'm just a victim of hit and run and amnesia, right?" nakangiting sabi nito.

Umismid siya. "Alam ko kaya nga tayo narito para makabawi ako. Sorry for everything, Jereck. Ayaw kong mapasama ka sa pagpadpad mo sa mundo ko kaya malaking adjustment ang ginagawa ko. Alam kong gusto mo nang makabalik sa tunay mong mundo," aniya.

"Don't mind about the incident. I didn't blame you anymore, perhaps, I'm thankful that I met someone like you. And stop worrying about the differences of our world. We are here to create our own world, Shakira. Palayain mo ang sarili mo. Nangako ka sa akin na hindi ka na iinom ng alak at ititigil mo na ang iba pang bisyo, you just did it. Para saan ba bakit mo ako sinusunod? You changed your life style not because of someone else. You changed because you chose it and I'm glad that I'm part of your journey."

"But it's not right, Jereck."

"Why not?"

"Ang pagsunod ko sa gusto mo ay hindi dapat nangyayari. Mali ito."

"Ipaliwanag mo sa akin kung bakit mali."

"You don't need to invest your effort and memories for me. Darating ang araw na makakaalala ka na. Ang lahat na nangyari sa pagitan natin ay mababalewala at magiging parte lang ako ng nakaraan mo. It's all useless," malungkot na sabi niya.

"Bakit mo sinasabi 'yan? Maaring tama ka, pero kahit bumalik ang alaala ko, hindi ka mababalewala."

Tumawa siya ng pagak. "You can't say that now."

"I know but I'm sure with my feelings. You're special, Shakira. You're not just a girl who put me in this situation. I know there's a reason why it happened. You belong to me, in my world. Whatever happens, you're still part of my life."

Ngumisi siya. "I know it's hard to avoid but I can't lose you, Jereck. Natatakot ako na darating ang panahon na babalik ang alaala mo at malalaman ko na hindi ka para sa akin. Ayaw kong masanay sana sa 'yo pero nangyayari na hindi ko namamalayan. I just feel in love with you, the way a thunder hits the ground, fast and strong. I never doubt it, even I know one day that I've been losing you," seryosong pahayag niya.

Lumipat si Jereck sa tabi niya at naistatwa siya nang akbayan siya nito. "Please stop insisting your weaknesses. I want you to stay with me while we're in our own world. We had same feelings for each other and that's enough, so nothing to worry about," anito.

Naging uneasy siya. Akmang lalayo siya sa binata ngunit kinabig siya nito sa balikat saka pinihit siya paharap dito. Matamang tumitig siya sa mga mata nito.

"I felt I'm in love with you, Sha. Yes, I love you," paanas na pahayag nito.

Pakiramdam niya'y may bilyong bultahe ng kuryente na dumalantay sa kanyang mga ugat patungo sa kanyang kaibuturan. Bumibigat ang kanyang talukap habang magkatitig ang mga mata nila ni Jereck. Hindi siya nakahuma nang siilin nito ng halik ang kanyang mga labi. May ilang sandali siyang walang kibo bago siya naudyok na tumugon sa halik nito.

Kinabahan siya nang pakiramdam niya'y lumalalim na ang kilos ng mga labi ng binata. Naglalakbay na rin ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Nahimasmasan siya. Marahas niya itong itinulak saka siya bumalikwas ng tayo. Malalaki ang hakbang na nagtungo siya sa pinto ng kanyang kuwarto at binuksan iyon ngunit bago siya tuluyang makapasok ay nahawakan ni Jereck ang kanang braso niya. Itinulak siya nito papasok nang tuluyan sa kuwarto niya at ito pa ang nagsara ng pinto. Pagkuwan ay itinulak siya nito padikit sa pinto at itinukod ang mga kamay habang kulong siya nito.

Tulalang nakatitig siya rito. Inaalipin siya ng hindi maipaliwanag na nakakadarang na init udyok ng kakaibang sensasyon. Inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha at pinaghinang ang tungki ng mga ilong nila. Nasasamyo niya ang amoy mint nitong hininga.

"I feel your eagerness to accept my affection, baby. But I feel also your fair of something," malumanay na wika nito.

"You're not mine, never mine and never be mine, Jereck. Wala itong kasiguruhan. Oo, tama ka, gustong-gusto kita pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan ulit. Darating ang panahon na iiwan mo rin ako," emosyonal niyang pahayag.

Nag-init ang bawat sulok ng mga mata niya. Napipintong papatak ang luha niya ngunit hindi iyon natuloy nang sakupin ng mainit na bibig ni Jereck ang kanyang mga labi. Naghari ang kapusukan sa buong sistema niya.

"Nararamdaman kong maangkin natin ang isa'-tisa, Sha. Just trust me. I will make our relationship legal and acceptable. Just tell me you love me too in just three words," sabi nito nang sandali nitong iwan ang labi niya.

Nahibang na siya at parang robot na siyang sumunod sa hiling nito. "I love you," deretsong sabi niya at inunahan na ang binata sa paghalik.

Lumalalim na ang kanilang paghahalikan nang biglang tumunog ang cellphone ni Shakita na nakasuksok sa bulsa ng pants niya. Dededmahin sana niya ang caller pero si Jereck na mismo ang kumalas sa kanya.

"Answer your caller, first. Baka importante 'yan," sabi nito saka tuluyang lumayo sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. Nang kumalma ang tensiyon sa kaibuturan niya ay dinukot niya ang kanyang cellphone at sinagot nang malamang si Chacha ang tumatawag. Nagpaalam na rin si Jereck na babalik sa kuwarto nito.

TATLONG araw naglagi sina Shakira at Jereck sa La Union. Nagtungo rin sila sa Baguio at Vigan. Natuklasan niya na mahiluhin pala talaga sa biyahe si Jereck. May phobia rin ito sa mga matataas na lugar at ayaw nitong sumakay sa mga rides kahit pambatang rides katulad ng swan at iba pa na umiikot. Obvious na high profile itong tao at malamang anak ng mayaman na hindi naranasang sumakay sa pampasaherong bus o jeep. Nangengeme rin itong kumain ng street foods at hindi ito nakakatagal sa crowded na lugar. Pero nag-e-enjoy itong mamasyal sa mga tahimik na lugar.

Nanigurado na si Shakira. Bumili na siya ng gamot na ipapainom kay Jereck para hindi na ito magsuka sa biyahe. Pinainom niya ito ng gamot ilang minuto bago ang biyahe nila pabalik ng Maynila. Sa awa ng Diyos, buong biyahe lang natulog ang binata. Panatag ang loob niyang nakauwi.

The Black Sheep's Nightmare (Complete)Where stories live. Discover now