Chapter Eight

1.3K 66 2
                                    


ISANG linggo ang lumipas. Naging abala si Shakira sa trabaho at magkasunod ang gig ng banda nila sa iba't-ibang bar. Sa kabila ng pagkaabala ay naisisingit niya ang pagtulong kay Jereck na mahanap ito ng kaanak nito. Idinulog na niya ito sa pinsan ni Chacha na nagtatrabaho sa isang intelligence agency. Ibinigay niya ang litrato ni Jereck para matukoy ang pagkakilanlan nito.

Samantalagang nasasanay na rin si Jereck na palaging naiiwan sa apartment. Noong una'y hindi masyadong naa-appreciate ng dalaga ang mga ginagawang pag-aasikaso sa kanya ni Jereck, pero kinagabihan ng Sabado pag-uwi niya ay nadatnan niya ang binata sa sala at nakatulog na sa sofa. Noon lamang niya naisip na halos gabi-gabi niyang nadadatnan si Jereck na nasa ganoong ayos. Pasado alas-dose na ng gabi. Madalas nitong sabihin sa kanya na hinihintay siya nitong umuwi.

Nabaling ang tingin niya sa tumpok ng mga damit niya na nakatupi sa ibabaw ng sofa. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Naantig siya, nasasabik at humahanga nang malamang nilabhan ni Jereck ang mga damit niya. Maaga siyang umalis kanina dahil may rehearsal sila. Tatlong araw siyang hindi nakapaglaba at sana'y Linggo pa siya maglalaba.

Lalagpasan sana niya ang binata ngunit natigilan siya nang bigla itong gumalaw at tuluyang nagising. Dagli itong umupo. Sinipat nito ang suot nitong relong pambisig.

"Nariyan ka na pala. Past twelve midnight na pala," anito sa namamalat na boses.

"Nag-overtime kasi kami sa bar. Bakit hindi ka sa kuwarto mo natulog?" aniya.

"Akala ko kasi maaga kang uuwi," tugon nito.

"Sinabi ko nang busy kami kapag Sabado. Dapat kasi hindi mo na ako hinihintay. Bakit ba palagi mo akong hinihintay?"

"Gusto ko lang matiyak na maayos kang nakauwi. Hindi kasi ako makatulog nang maayos hanggat wala ka pa rito," walang abog na sagot nito.

Sumikdo ang puso ni Shakira. Hindi siya nakapagsalita dahil sa biglang pagtulin ng tibok ng puso niya.

"Nagluto ako ng midnight snack para sa 'yo. Alam kong gugutumin ka. Tara sa kusina," sabi ni Jereck saka ito tumayo at nagpatiunang nagtungo sa kusina.

May ilang sandali siyang tulala bago nakapagdesisyon na sumunod kay Jereck sa kusina. Pinainit ni Jereck ang niluto nitong mushroom soup ganoon din ang tortilla chips sa may none stick pan.

"Uminom ka ba ng alak?" tanong nito sa kanya.

"Cocktail lang na isang baso," sagot niya. Saka niya na-realize na simula noong dumating sa buhay niya si Jereck ay hindi na siya nakatikim ng matatapang na alak.

Kahit sigarilyo ay hindi na siya tumikim kahit nasa labas siya. Sa tuwing natutukso siya ay biglang sumasagi sa isip niya si Jereck at nag-e-echo sa isip niya ang mga payo nito. Bumili pa ang binata ng isang pack na halls menthol candy at sa tuwing aalis siya ay nilalagyan nito ng sampung perasong candy ang bulsa ng bag niya. Kapag daw magki-crave siya sa sigarilyo ay isang candy lang ang katapat. Hindi niya namamalayan na lahat ng payo at utos ng binata ay sinusunod niya. Para bang hahatulan siya ng kamatayan kapag sinuway niya ito.

"Maupo ka na. Ihahanda ko lang ang gulay ng nachos chips," pagkuwan ay sabi ni Jereck.

Hindi siya umupo, sa halip ay nakatingin lang siya sa binata. "Bakit mo ginagawa ito sa akin, Jereck?" hindi natimping tanong niya sa binata.

Sinipat siya nito habang naghihiwa ito ng lettuce. "Ang alin?" maang nito.

"Nag-e-effort ka para matugunan ang pangangailangan ko sa bahay. Suppose to be, it's my responsibility. Malaki ang kasalanan ko sa 'yo kaya dapat ako ang nag-aasikaso ng mga kailangan mo," aniya.

"You just did your part, Sha. I never curse you because you put me in this situation. I just found myself doing this and I love it. I'm happy and comfortable with you. Siguro hindi ko ito magagawa kung hindi ko pilit pinasok ang mundo mo. At gusto ko ring pasukin ang mundong gusto mong pasukin. Siguro in my real life, I never do this, because I felt the new atmosphere in here. Siguro pareho tayo ng katayuan sa buhay. Siguro rin katulad mo akong gustong maranasang mamuhay sa mundo ng mga pangkaraniwang tao," kaswal na pahayag nito.

"But I'm not an ideal girl who deserves your effort. I'm a black sheep of my family and somebody hates my guts, like you. Pinipilit kong maging kabilang sa mundong hindi ako tanggap. Humuhusga ako ng tao. Iilan lang ang mga kaibigan ko. Hindi ako friendly. Makasarili ako," pag-isa-isa niya sa kanyang katangian.

"I know that, as what I observed from you but it was not an issue for me. I know you still have a good side. Lahat naman ng tao ay mayroong bad side na kailangang kontrolin. Alam kong meron din ako no'n. Huwag kang mag-alala, walang ibang kahulugan ang mga ginagawa ko. Gusto ko lang maging komportable ka sa akin at hindi mo iisiping ekstranghero ako," anito.

Inilagay nito sa malalim na plato ang nachos chips at inihalo sa mga iyon ang ginayat nitong lettuce, pipino at kamatis. Pagkuwan ay nilagyan nito iyon ng shredded cheese. Nagsalin din ito ng soup sa bowl at ibinigay sa kanya.

Umupo na lamang siya sa silya at dahandahang humigop ng sabaw. Umupo naman sa katapat niyang silya si Jereck at naglagay ng kaunting nachos sa platito nito.

"Sana hindi mo na ito ginagawa, baka masanay ako," aniya habang nagsasalin din ng nachos sa platito niya.

Ngumisi ang binata. "Why not? It's not bad, I guess," sabi nito.

"Hindi nga masama. Ang masama, baka masanay ako at kapag wala ka na ay hahanap-hanapin ko itong pag-aasikaso mo sa akin."

Nabaling ang tingin niya kay Jereck nang mapansin niya ang matamis na ngiti nito habang nakatitig sa kanya.

"What?" untag niya.

Bumungisngis ito. "Bakit ka ba natatakot? I guess you're not a kind of woman that easily to attract with strangers," sabi nito.

Tiningnan niya ito nang masama. "Naiintindihan mo ba ang mga ginagawa mo? You should consult yourself first about the consequences. You're doing things that may catch girls' attention and made them fall for you."

"So, nai-in love ka na sa akin?" tudyo pa nito.

Pinag-ikot niya ang kanyang mga mata saka bumuga ng hangin.

In love? Ako in love sa lalaking ito?

Natanong din niya ang kanyang sarili. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Naging uneasy siya.

"Please stop talking nonsense," napipikong sabi niya.

Tumawa ng pagak si Jereck. "God! You're blushing," puna nito, bagay na lalong nagpabalisa sa kanya.

Yumuko siya at himigop ng sabaw. Ramdam pa rin niya ang pag-init ng mukha niya.

"Matulog ka na," sabi niya habang hindi makatingin sa kaharap.

"Nakatulog na ako. Ikaw ang dapat matulog kaagad pagkatapos mong kumain dahil wala ka pang tulog. Nawala na ang antok ko," sagot nito.

"Bahala ka."

Binilisan niya ang pagsubo ng nachos. Nang maubos ang pagkain ay uminom na siya ng tubig saka tumayo.

"Salamat sa midnight snack. Matutulog na ako," paalam niya at nagmamadaling nagtungo sa kanyang kuwarto.

The Black Sheep's Nightmare (Complete)Where stories live. Discover now