Chapter Six

1.3K 72 4
                                    


SUMUNOD kaagad si Shakira kay Jereck. Inasikaso ng binata ang pagkain nito. Umupo siya sa katapat nitong silya habang pinapanood itong kumakain. Napansin niya ang pagkunot ng noo nito nang matikman nito ang sariling luto nito.

"Hindi masarap 'di ba?" walang gatol na sabi niya rito.

Naiilang na tumingin sa kanya ang dalaga. "Sorry. Kumain ka ba?" anito.

"Isda lang ang kinain ko. Sayang naman kung hindi mapapakinabangan. Puwede pa namang maayos ang lasa."

"Hindi na. Piprituhin ko na lang ang isda bukas," sabi nito.

Hindi na siya umimik. Pinagtiyagaan pa rin ni Shakira ang sariling luto. Habang pinagmamasdan niya itong kumakain ay nakakaramdam siya ng bagong emosyon. Hindi siya sigurado kung awa pa ba iyon. May excitement din siyang nararamdaman. Noong una ay naiinis siya at nababagot sa puder ng dalaga. Pero habang lumalaon ay tinutubuan siya ng interes na mas makilala ito. Naisip na naman niya ang nakita niyang litrato nito at ilang bagay na natuklasan.

"Uh... Shakira, sino si Joseph? Siya ba 'yong lalaking kasama mo sa litrato?" hindi natimping tanong niya sa dalaga.

Nag-angat ito ng mukha at matamang tumitig sa kanya. Tumigil ito sa pagsubo.

"Oo. Si Joseph ang first boyfriend ko," sagot nito.

"Nasaan na siya ngayon? Hiwalay na ba kayo?" usisa niya.

May ilang sandaling tumahimik ang dalaga. Narinig niya ang malalim nitong hininga.

"He past away five months ago," pagkuwan ay tugon nito.

May kung anong bumundol sa dibdib niya. "Oh, sorry for asking," aniya sa malamig na tinig. Iniisip niya na nahirapan ang dalaga sa tanong niya.

"It's okay. Kahit papano ay maluwag na ang pagtanggap ko sa pagkawala niya. Ang masakit lang doon, inilihim niya sa akin na may sakit siya. Nalaman ko na lang na stage four na ang leukemia niya. Hindi lang naman iyon ang naging hadlang sa relasyon namin. Ayaw sa kanya ni Mommy," kuwento nito, bagay na hindi niya inaasahan.

"But you kept his memories and his picture," komento niya.

"He's the most aspiring person I'd ever met. He teaches me a lot of things that I never experience. Hindi ko maitapon ang alaala niya dahil alam ko na habang kasama ko ito ay ito rin ang magtutulak sa akin upang magsimulang muli. At balang araw ay masasanay akong kasama ang alaala niya na wala na ang sakit sa puso ko. Magiging normal na bagay na lang sila sa paningin ko. Hindi lang pumasa sa standard ng parents ko si Joseph pero willing akong ipaglaban siya. Ang kaso, kaagad siyang sumuko. Iyon pala, mas may malalim pa siyang dahilan bakit niya ako nilayuan," patuloy ng kuwento nito.

Inaasahan niya ang pagluha ni Shakira pero nasorpresa siya nang hindi ito umiyak. Tila normal lang dito magkuwento nang masakit na karanasan nito.

"I admire your strong personality," tanging wika niya.

"I'm not strong enough. Ang totoo, napakahina ko."

"Of course, we all have weaknesses. Off topic. Puwede ba tayong pumunta ng mall bukas? At puwedeng pautang na rin. Kailangan ko lang bumili ng komportableng personal na gamit," pag-iiba niya sa usapan.

"Bumili na ako ng mga gamit mo, ah."

"Sorry, hindi ko gusto ang mga binili mong damit. Ayaw ko rin sa shampoo, perfume at masyadong masikip ang binili mong underwear. Naliliitan ka ata sa akin. At puwede bang ako ang pumili ng groceries particular na sa stock na pagkain?" sabi niya at hindi na inisip kung labis na ang hinihiling niya.

The Black Sheep's Nightmare (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon