Day 5&6

253 8 21
                                    


Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Alyssa. Gising na kaming lahat at pinapanood namin si Den na masusing chinicheck ang mga pinsala ni Alyssa.

Mukha namang walang masamang balita dahil bukod sa lungkot at awa sa kanyang mga mata ay wala kaming mabanaag na kagimbal-gimbal sa mga reaskyon nya. Stable din ang mga haplos nya sa balat nito na tila ba ang haplos nya ay isang mabining lullaby sa isang mandirigmang galing sa isang mahabang giyera.

Isang ngiti ang agad na isinalubong ni Aly kay Dennise ng magtama ang kanilang mga mata. At isang tila pinong kurot naman ang naramdaman ko sa tanawing iyon.

Nakakapagtaka man ay nabalewala iyon dahil sa medyo maaliwalas ng mukha ni Alyssa.

Ngunit agad iyong natapos at agad na napalitan ng takot ng marinig namin ang  papalapit na pag-uusap at pagkalansing ng kadena sa labas ng kubong aming kinaroroonan.

Agad kaming gumalaw palapit sa isa't isa at hindi nagtagal ay magkakayakap na kami sa isang sulok kung saan nakaupo sina Dennise at Alyssa.

Ramdam sa paraan ng pagkakahawak namin ang matinding pangamba ng maaring mangyari oras na tuluyang mabuksan ang pintuang nagmimistulang harang at proteksyon namin laban sa walang awang nilalang.

Naramdaman ko ang paghinto ng tibok ng puso ko kasabay ng pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang dalawang kabataang lalaki at isang babaeng sa tantiya nya ay nasa mid thirties na, dala ang sa tingin nya ay breakfast nila at tubig.

They are accompanied by a guy with a gun and another standing not far from their hut.

Inilapag nila ang mga dala malapit sa pinto at pagkatapos ay umalis na at muling ikinandado ang pinto gamit ang malalaking kadena na nasilip nyang hawak nung isang mamang nakatayo malapit sa kubo.

Halos sabay-sabay kaming napabuntong-hininga ng masigurong nakalayo na sila at walang binitbit kahit isa sa amin. Napangiti pa kami ng eksaherada at madamdaming paghawak ni Tyang Abby sa bandang dibdib nya as a sign of a huge relief.

Si Denden ang unang nakabawi sa pagkakaestatwa at mabilis na lumapit para kumuha ng isang water container at binasa ang isang piraso ng tela mula sa pinagpira-piraso nyang damit. Maingat nyang idinampi sa mga sugat ni Alyssa ang nabasang tela upang malinis ang paligid nito habang si Jia at Kiana naman ay kinuha ang mga platong naglalaman ng agahan para sa araw na ito.

We prayed before eating which was lead by Tyang Abby.

She asks for more guidance and protection from Him. Ipinagdasal din nya na sana ay makaalis na kami sa lugar na ito sa lalong madaling panahon ng sama-sama.

Tulad ng dati, agad naming sininop ang mga pinagkainan at inilagay sa malapit sa pinto kung saan pinakamalayo samin. Isang paraan na din para hindi nila kailangang pumasok oh lumapit sa amin para lang kunin nag mga ito.

The more distance we managed to create, the safer we will become.

Though I don't know how safe we can be in this place.

With these people.

"Sa tingin nyo pinapahanap na nila tayo?" Walang ano-ano'y tanong ni Jaja kaya napatingin kami sa kanya.

Oo nga, may ginawa na kayang aksyon ang government namin para mahanap kami? Kung ransom man ang dahilan kung bakit kami nandito, tutubusin kaya kami?

"Paniguradong nag-aalala na yung mga pamilya natin. I missed them." Malungkot at mahinang usal ni Jia sa nanginginig na tinig.

Agad naman syang niyakap ni Alyssa para iconsole.

In her state right now, she still remains strong and somewhat dependable for Jia and Dennise.

Abducted by Love (TeamBabe)Where stories live. Discover now