Chapter 3

4 0 0
                                    

Pagkagising ko ay naligo na ako at nagbihis at bumaba na nakita ko si Mom na kumakain tiningnan niya lang ako at bumalik sa pagkain nito si Dad naman ay nakita kung pababa palang din kaya nagkasabay kami at tingnan niya ako at inayang kumain kaya umupo na ako walang inggay na maririnig sa hapag at natatangin kalagsing lang ng kutsyara ang maririnig .Tumayo bigla si Mom at umalis si Dad naman ay tumingin kay Mom at sinundan ito ako naman ay naiwan sa hapag mag isang kumain,Pagkatapos kung kumain ay inilagay ko ang pinagkainan namin at hinugasan ko na at saka umalis

Nang nasa School na ako ay nakita ko yung babae na nakilala ko kahapon si Freya at nakita niya din ako agad siyang lumapit at ngumiti sakin

"Oy Clyd" sabi nito
Di ko ito kinibo at patuloy lang ako sa paglalakad at nakasunod naman siya
"Oy bingi ka ba ?" tanong nito
"Hindi" sagot ko
"Weh di mo nga ako naririnig e"sabi nito at umiling iling
"Ayoko lang ng maingay"sabi ko
"Ay grabi ah"sabi nito
"Leave me alone" sabi ko
"May problema ka ba?" sabi nito kaya huminto ako at tumingin sa kanya nakita kung nakangiti siya
"Ano?" kunot noo na tanong ko
"Halata sa kilos at mata mo e"sabi nito
Nakatingin lang ako sa kanya at biglang lumungkot ang mukha niya kaya nagsimula na akong maglakad at humabol siya
"Alam mo ba mas nahihirapan daw ang isang tao pag di mo nilalabas at kinukwento ang problema" sabi nito
Di ako sumagot at patuloy lang sa paglakad
"Alam mo din ba na kahit di ipahalata ng isang tao na malungkot sila ay mahahalata pa din ito kahit gaano ka pa kagaling magpretend kapag tiningnan mo ang mata nito ay dun mo makikita ang lahat lahat" sabi nito at tumingin sakin na nakangiti
"Woy ano di ka magsasalita no comment ganun" sabi nito
"Ano gusto mong sabihin ko sayo" sabi ko
"At grabi ang haba ng sinabi ko wala man lang reaction kahit comment" aniya
"Tsk" sabi ko at pumasok sa Canteen at agad na umupo nakita ko na sumusunod pa din siya at umupo ako sa isang table sa kaliwang dulo at nagulat ako ng umupo din siya
"Ano ginagawa mo dito" sabi ko
"Uupo" sabi niya
"Alam ko" sabi ko at nagugulohang tumingin sa kanya
"Alam mo pala e haha" tumawa ito
"Ano bang kailangan mo" sabi ko seryoso ang mukha ko
"Wala naman gusto kang kitang maging kaibigan"sabi nito
"Bat ako?" sabi ko
"Bakit nga ba ikaw"balik na sabi nito sakin
Umiling iling ako at nabigla ako ng tumawa siya
"Bat ka tumatawa?" tanong ko
"Ang weird mo namang lalaki" sabi nito
"Bakit mo nasabi?"takang tanong ko
"Isipin mo kinakaibigan kita pero parang hangin lang ako" tumawa ito
"Ayoko ng kaibigan" sabi ko
"Well wala e ituturing na kitang kaibigan" sabi nito at ngumisi

Nagring na ang bell kaya tumayo na ako at aalis na ng habolin nya ako
"Jan lang Classroom namin " turo niya sa building na halos kaharap lang ng building namin
"Hm" sabi ko
"Sige alis na ako Clyd bye friend" sabi nito at ngumiti ng malaki at tumakbo na

Umiling ako at napangiti nagulat din ako sa inakto ko e parang nawala lahat ng lungkot ko kakaibang pakiramdam

Winter Coat Memories Where stories live. Discover now