Chapter 2

5 0 0
                                    


Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko ang Mom ko na nasa sala lalapit sana ako pero itinaboy niya lang ako kaya umakyat nalang ako sa Kwarto ko at nagkulong humiga ako at pumikit habang nakapikit ako ay inalala ko noong bata pa lamang ako.Masaya ako nun pati Mom at Dad ko pati na ang kapatid ko na si Drian walang araw na di kami naging masaya sabay na kakain at mafefeel mo ang pagmamahal dati rati bago kami pumasok sa School ni Drian pagluluto kami ni Mommy ng masarap na agahan habang si Daddy naman ay ang magaayos ng mga buhok namin at ihahatid pero nabago lahat yun dahil sa isang pangyayari December nun kaya malamig na ang simoy ng hangin nagyaya ang Mom at Dad ko na mamasyal masaya kami habang nasa byahe pumunta kami sa isang park naglaro kami at nagpicknik masaya ang araw na yun at naglalaro kami ni Drian dun sa Swing at nagpaalam kami sa Mom at Dad namin

"Clyd dito tayo oh" turo ni Drian dun sa kabilang kalsada na may Swing

"Drian bawal tayong tumawid jan" sabi ko

"Di naman yan marunong naman akong tumawid e kaya sige na halika na maganda dun oh "sabi niya kaya tumawid nga kami pero ng tatawid na sana kami ay may biglang dumaan na Van ako sana ang mabubungo ng may tumulak sakin mula sa likod at may nabunggo pagtingin ko si Drian nakabulagta at maraming dugo sa kanyang ulo agad ko itong nilapitan

"Drian ,Drian,Drain" sabi ko habang hawak ko ito umiiyak ako nun

Nakita ko si Mom at Dad na tumatakbo papunta sa Direksyon namin at umiyak si Mom ng makita si Drian at si Dad naman ay tumawag sa Ambulansya,Pagdating ng Ambulansya ay agad na sinakay dun si Drian at kasama nun si Mom at kami naman ni Dad ay sumakay sa sasakyan namin at pagdating namin sa Hospital ay malakas na iyak ang narinig ko mula kay Mom at may kausap itong Doctor niyakap naman ni Dad si Mom na walang tigil na umiiyak

"Pasensya na po ngunit patay na po siya" sabi ng doctor

Umiyak ng umiyak si Mom at mula nun ay nawala na ng saya yung bahay namin at puro away nalang at naging iba na din ang pakikitungo ni Mom sakin

Iminulat ko ang mata ko at may tumulong luha doon agad ko itong pinunasan at tumingin sa family picture namin

"It's been 8 years Drian i really miss you bro" sabi ko at patuloy ang pagagos ng luha ko at di ko namalayang nakatulog ako at nagising kinaumagahan

Winter Coat Memories Where stories live. Discover now