Chapter 4

13.8K 595 34
                                    

4

At dahil sa sinabi niyang mag usap kami, wala akong nagawa kundi ang sundin siya kahit na labag sa loob ko. A ngayon nga, nakatayo ako 2 meters away from him. Oo, sinukat ko talaga at sinugurado ko na 2 meters ang layo namin sa isa’t isa.

“Ba’t ang layo mo naman?” Reklamo pa ng tangang lalaki. Tiningnan ko siya ng masama at tinaasan ng kilay.

“Uso yan ngayon. Di mo alam?” Sarkastikong sagot ko at hindi ko alam kung nakuha ba niya ang sarkasmo sa boses ko. Malamang sa hindi kasi nga tanga siya.

“Saan naman yan uso? Sa mundo ng mga mga kaluluwa?” Umismid ako at inignore ang ngiti niya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. If only I could command my heart to stop beating and bumalik na lang sa dati nitong estado. Calm, serene and unmoving. Hindi na sana ako namomroblema ngayon.

“May mga rules ako bago ako makakapayag na makipag usap sayo. Alam mo naman na hindi basta basta nakikipag usap ang mga kaluluwang katulad ko.” Panimula ko. As if I have a choice, pretending that I have an upper hand on this matter. As if I have the right to set the rules. Pero wala naman siyang alam kaya pwede kong ipagbawal ang mga bagay na ayaw kong gawin.

“At talagang may rules.” Puno ng sarkasmo na sinabi niya.

“Lahat ng bagay may rules. Rules are needed to put order on everything.” Taas ang kilay ko nung sinabi ko yun dahil alam kong tama ako at try lang niyang kontrahin ako dahil ilulublob ko siya ulit sa lawa kahit na ikamatay ko. Kaming mga nymphs ay isa sa mga nilalang na strict sa pagfollow ng rules. Kaya ng hindi naming matanggihan ang tibok ng puso namin. We seldom break them and if we do, malaki ang kabayaran.   Mga tao lang naman ang mahilig gumawa ng rules pero hindi naman tinutupad. They’re the most hard headed being ever created.

“Okay. Sinabi mo eh. Ano ano ang mga yun?” Yan dapat. Dapat madali ka lang kausapin lalaki.

“Una, bawal mo akong utusan sa isip mo. Kung maiiwasan mo, wag mo akong iisipin.” Natawa siya sa sinabi ko.

“Bakit naman kita iisipin?”

“Kaya nga. Kung walang rason, wag mo akong iisipin. At malalaman ko kung iniisip mo ako dahil parang nagkaroon na ng link ang soul mo sa akin. I can hear it when your soul calls for me.” Sabi ko para kunyari supernatural ang nangyayari sa amin at hindi pag ibig.

“ Wow!” Amused na amused siya sa sinabi ko.

“Pangalawa, hindi mo ako pwedeng tawagin basta basta, just out of whim. Kung tatawagin mo ako, dapat may valid reason.” Mataray na sabi ko at tumaas ang kilay niya.

“Paano kita tatawagin, ni hindi ko alam ang pangalan mo. What’s your name anyway?” I gritted my teeth to stop myself pero hindi ko nagawa.

“Crystal.”  I said before I could stop myself.

“Your name suits you. Why did you die?”

“I was stabbed in the heart plenty of times.” I automatically said as if it was second nature.

 And suddenly  I saw an image of myself cringing in pain, clutching my heart. I was in a huge and elegant place but the image is not that elegant.

Hindi ko alam kung premonition ba yun o nananaginip ako ng gising.

 At bigla din  nanikip ang dibdib ko and my breathing hitched.  Pakiramdam ko matutumba ako as if I was indeed being stabbed.  I automatically touched the side of my heart.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Bakit ako nasasaktan ng ganito? Hindi ako dapat masaktan. I am a nymph and I shouldn’t feel any physical.

“Are you okay?” He came near me and I motioned for him to stop.

“Crystal, ano ang nangyayari sa’yo?” His voice full of concern and I looked at him sharply. I don’t want his concern. I have nothing to do with it. Gusto ko lang siyang umalis dahil ayaw kong Makita nmiya akong nagkakaganito.  

“ Sinusundo ka na ba ng liwanag? Aalis ka na ba?” Anong liwanag ang pinagsasabi ng taong ito?  Then I realized na tao nga pala siya at ang notion nila ng afterlife ay kakaiba. At sa tingin pala niya ay ghost ako.

This guy is so dense. Naniwala talagang ghost ako samantalang nahawakan ko siya kanina nung niligtas ko siya. Kukunti lang talaga ang mga taong gumagamit ng kanilang talino.

Humakbang ulit siya palapit sa akin and the pain intensified. And before he could finally reach me. I orbed out and left him.

I landed staggering on the cold marbled tiles. Muntik na akong matumba kung hindi lang ako nakakapit sa dingding. I looked around and I realized na bumalik ako sa lugar na mag pinto na puno ng pink crystals. I am in front of it. At nagtaka ako kung bakit dito ako bumalik.

I should have been teleported to a place na gusto kong puntahan. Pero nung nag teleport ako kanina, I wasn’t exactly thinking of any place dahil nasasaktan ako. Pero bakit dito ako napunta?

And the pain…it was gone.  

I touched the crystal door and was mesmerized by the beauty of it. It was made of different gems and crystals with a shade of pink. Humans would kill just to have even an ounce of the gems in this door.

Wala akong nakitang knob or something para mabuksan ang pinto so I pushed it but it didn’t even budge.

Na curious tuloy ako kaya naman ginamitan ko ng kunting kapangyarihan para mabuksan ang pinto.

Kunti lang naman kasi bawal gumamit ng powers sa mga walang kwentang bagay. But I am curious so baka okay lang na buksan ko tong pinto.

Pero lalo akong nagtaka nung hindi man lang natinag ang pinto. Watda! Anong klaseng pinto to?

Lumayo ako ng kunti at ikinumpas ang mga kamay.

Hindi ka madadala sa santong paspasan? Dadalhin kita sa santong dasalan. Then I chanted

“Open Sesame!” I half expected the door to open and laughed at my silliness when it didnt even move.

I looked at the door closely and something caught my eye. It glistens and it was so small that if you don’t look at it closely, you can’t barely see it.

Something is written and the writings is not like our language. Parang mga drawing ng mga bata. But for some reason I was able to read it.

“En-ci  Phe-na” I started reading slowly.

“En-ci H-vion,

Lo---En-ta-Ine---Se—meth.”  Walang ng kasunod. But I continued saying as if my heart knows what’s next.

“Kramter Secneferer.”

 And to my astonishment, the door opened. 

The Nymph of DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon