chapter 11

31.7K 560 77
                                    

Hi Little guy!! ano excited ka na ba? tanong ko kay Mosh. Ang baby brother ni Dennise. hindi sila sinama noon sa kasal namin sa states. Sila ni Justine and isang kapatid pa ni Denden. at sa tingin ko hindi pa din nila alam na kasal na kami.

Im nervous ate Ly. what if I tripped? What if the ball wont get in? kinakabahang sagot nito sakin.

You wont. And it will. Ikaw ang little mvp ko. so do your best okay? sabi ko at ginulo pa ang buhok nito. After this, kakain tayo ng ice cream. At nginitian ko siya.

Okay Ate Ly. I will do my best! Basta ha, kakain tayo ng ice cream after. Sabi niya sakin sabay takbo sa open field.

Si Mosh ay grade 3 palang, pero player na ito ng school nila ng soccer. At may game sila ngayon. Narinig ko kasi one time yung parents ni Dennise na naguusap sa office nila about game na ito ni Mosh na hindi nila mapapanood kasi nga saktong may out of the country trip ang dalawa, last month pa actually nagrequest ng leave si Daddy Armand sa company. At dahil busy si Dennise sa pag aaral pati na din si Justine. Ang yaya ng bata ang narinig kong pinakiusapan nila para manood.

At dahil naawa naman ako kay Mosh, ako ang dumating. Kanina pagdating ko ay nagpakilala ako sakanya bilang kaibigan ng Ate Dennise niya para hindi ito matakot sakin. Gusto ko sanang sabihin na asawa ako ng ate niya pero hindi pa pwede. Bata pa siya to understand things, lalo na’t hindi pa alam ng publiko masyado ang tungkol sa amin.

Sinamahan ko siya sa dugout nila at sabi ko magkikita na lang kami sa open field. Iniwan ko na din siya doon para makapagbihis. 

Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang pito ng referee..

Nagstart na ang game, naghahabulan palang ang mga bata, pinapasa pasa ang bola.

Magagaling ang kalaban nila galing sa ibang school. At nakapuntos agad ang kalaban.

1-0

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ng pinasa ang bola kay Mosh.

Go Mosh!!! Kick the ball!! Sigaw ko ng malapit na ito sa goal. Tumingin pa ito sakin at ngumiti bago nito kinick ang bola.

At pumaosk ito!

GOAL!!!!!!!!!!! From Lazaro! Sigaw ng commentator. Niyakap pa ito ng ibang bata sa sobrang tuwa.

Ako naman napasuntok pa sa hangin at tumalon. Pati ang yaya ni Mosh ay tuwang tuwa sa tabi ko.

1-1   na ang score.

Naging maganda ang laban. Si Mosh naman ay naging hyper pa lalo dulot na din siguro ng adrenaline rush na bata ng makapuntos ito.

3-2 ang final score at nanalo ang team nila Mosh. Tuwang tuwa ang mga bata.

Nakita ko namang tumatakbo palapit sakin si Mosh kaya naman sinalubong ko siya ng yakap at kinarga pa ito.

Im so proud of you baby boy! Tuwang tuwang sabi ko sakanya habang karga karga ito.

Ate Ly Ate Ly I scored. I scored. We won we won. Tuwang tuwa sabi nito at nakataas pa ang dalawang kamay niya.

Hahaha! yes you did baby! Tara sa shower room. We’ll go to the mall and eat up a lot of ice cream.

Yey!! Tara na Ate Ly. sabi ni Mosh at yumakap saking leeg, buhay buhay ko pa din siya hanggang makarating kami ng gym at hinatid siya sa shower room.

Binihisan na siya ni Yaya. Nagpakarga ulit sakin si Mosh palabas ng gym.

Tuwang tuwa naman ako kasi napakaclingy sakin ni Mosh. Naging magaan agad ang pakiramdam namin sa isa’t-isa.

A Thousand MatchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon