chapter 4

29.3K 559 34
                                    

Finally, eto na ang araw na pinakahihintay ko. halos kami ni A lahat ang nag ayos ng kasal mula noong dumating kami dito. At hindi ko pa nakakausap si Dennise mula noong sinugod niya ako sa condo ko. though, pinapabantayan ko siya. at nakikibalita.

 2 weeks ago, tumawag si Dad sakin na ililihim muna sa publiko ang pagpapakasal ko at ni Dennise. Ito ay para maalagaan ang pangalan ng dalawang pamilya. Alam naman daw nila ang mga tao sa kanilang kompanya. Mapanghusga. Lalo na ang iba na gustong makakuha ng shares nila kaya grabe kung makapagsipsip pero pagtalikod, sinisiraan. At ayaw malaman nila Daddy na binigay niya ang 15% sa shares niya kay Mr. Lazaro in exchange of Me, marrying his Daughter.

Ayaw niya masira ang respeto nila sakin, kay Dad at sa mga Lazaro.

Naiintindihan ko naman ito. Kaya, I agreed. So secret wedding lang to. Ang nakakaalam ay ang family ko, family ni Den at fanily ng mga Ho, Tejada, at Nacachi. Mga kaibigan ko sila kaya invited sila.

Hindi ko alam kung hiniwalayan na ba ni Den si Revilla, at kung sinabi nito ang dahilan. Since secret wedding, malamang hindi sinabi ang rason.

I don’t really care kung sinabi niya o hindi. What matters to me more is now.

Andito kami sa isang private garden sa Los Angeles. Kung saan gaganapin ang kasal namin. Inaantay ang pagpasok ni Dennise.

And then, I saw her. Walking down the aisle. Beside her is her Mom and Dad. I saw the pain in Dennise’s eyes. I saw how a tear fell down her cheeks when they gave her hand to me. gusto kong alisin ang sakit sa mga mata ni Dennise pero alam kong ako ang dahilan nun.

I swear to God Dennise, I’ll make you happy. I’ll love you with all my heart.

Gusto kong patunayan kay Dennise kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong alisin ang mga masasamang bagay na nasa isip niya tungkol sakin. Gusto ko siyang pasiyahin. Gusto ko ako ang dahilan ng kanyang mga ngiti. Gusto ko siya ang makasama ko habang buhay.

-------

You may now kiss each other!

Narinig kong sambit ng taong nagkasal samin.

Nagkatinginan kami ni Dennise. Ngiting ngiti naman ako.

Hinawakan ko magkabilang balikat ni Dennise. Nilapit ko ang mukha ko sakanya. may naamoy ako na higit pa sa kanyang pabango.

Nakita siguro niya na parang natigilan ako, and I saw her lips form a playful smile.

Two can play your games Alyssa. Sabi ni Dennise at hinila niya ako at hinalikan.

Pagkadampi ng labi niya sa labi ko. nalasahan ko ang alak na malamang ininom niya bago ang kasal. Pero mas nangibabaw ang tila bolta boltaheng kuryente na naramdaman ko pagkadampi ng aming mga labi. Feeling ko nalulunod ako na lumilipad. hindi ko alam kung alin dun. Nakakabaliw si Dennise. Given na smack kiss lang ang pinagsaluhan namin.

Humiwalay na si Denden sakin at tumingin sa pamilya namin. Nakangiti ito. Hindi pa din ako maka move on sa halik ni Denden.  Feeling ko biglang nagkaroon ng fireworks yung tyan ko at sabay sabay silang pumutok. Hindi ko maintindihan. Tumingin ako sakanya, nakangiti siya pero iba ang sinasabi ng mata niya. hinawakan ko ang kamay niya. at pinisil ito.  Ayan nanaman ang kuryente. Oh Dennise, I can’t wait to spend my whole life loving you.

------

Kakatapos ko maligo. nandito kami sa hotel room namin. Since nag check in kaming lahat dito para na din sabay sabay kami para sa flight naming bukas pabalik ng pinas.

Si Dennise naman ay nasa bathroom pa rin, naliligo. Nagbibihis palang ako sa aking pajama ng bumukas ang bathroom at iniluwal nito si Dennise na bathrobe at may hawak hawak na bote ng tequila sa isang kamay. Pagkakita niya sakin ay ngumiti ito ng nakakaloko.

A Thousand MatchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon