Oh My # 08: Jia Chan

56 2 0
                                    

[Celine's POV]

"Lu Han! Para ka namang bata eh!" sigaw ko habang tumatakbo s'ya papasok sa mall..

Nandito ulit kami sa mall kasi nga kami may-ari nito.. and i-checheck ko yung dress na pinagawa namin noon ni Lu Han.. it turns out na biglaan pala yung party na nangyari the other day kaya pala naging iba yung dress ko nun.. Haaaayyy..

Habang papasok ng mall, nakita ko na tumigil bigla si Lu Han sa pagtakbo.. o, ano nanamang problema nito?

Lumapit ako sa kanya at tinapik s'ya sa balikat.. bigla kasing nanigas dun sa kinatatayuan n'ya eh..

"Huy, okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Tumingin naman s'ya sa akin at parang nagpanic yung itsura n'ya..

"Huy, okay ka lang ba? Bakit para kang nakakita ng multo d'yan?" sabi ko sa kanya kasi para s'yang nawalan ng kulay eh..

Lilingon sana ako dun sa tinitingnan n'ya pero agad n'yang hinila yung kamay ko kaya nawalan na ako ng chance na makita yung tinitingnan n'ya..

"Aray ko Lu Han! Bitawan mo nga ang kamay ko!" ang sakit kasi nung pagkakahawak n'ya..

Tumigil naman s'ya sa paglalakad at sa paghila sa akin tapos biglang humarap sa akin kaya nagulat ako..

"Ba-bakit?" tanong ko habang nakatingin sa kanya..

"Nakita kaya n'ya ang mukha mo.." nag-aalalang sabi n'ya..

"Huh? Sino?" nagtatakang tanong ko..

"Sana hindi.. Kung nakita ka n'ya.. Patay ako.." sabi n'ya.. he's not really talking to me.. he's talking to himself.. -___- weird deer..

Dumaan muna kami sa main office ng mall before going to the shop at tiningnan yung progress nung dress ko.. so far so good naman.. kaya maaga kaming nakauwi.. that's nice..

Ng papunta na kami sa parking lot, kita ko pa rin yung kaba sa mukha ni Lu Han..

"Okay ka lang ba talaga? May problema ka ba?" tanong ko sa kanya at hinawakan yung kamay n'ya..

Nagulat naman s'ya sa ginawa ko kaya napatingin s'ya sa akin..

"O-oo.. o-okay lang ako.." sagot n'ya pero I felt something is not right..

Binitawan n'ya yung kamay ko pero hinigit ko ulit yun at dinala s'ya dun sa isang part na may rock bench.. Umakyat ako dun kasi ang tangkad n'ya sa akin, hanggang balikat n'ya lang ako.. hinawakan ko naman yung magkabilang pisngi n'ya at tiningnan ko s'ya sa mata..

"You are not okay.." sabi ko sa kanya..

Nanlaki naman yung mata n'ya..

"Ke-kelan mo pa nalaman kung okay ako o hindi.." sabi n'ya..

"You're stuttering, tapos ikaw ang unang bumitaw nung magkahawak tayo ng kamay.. Ako dapat yun di ba.." sabi ko at binitawan ko yung mukha n'ya tapos bumaba din ako sa may rock bench at umupo dun..

Umupo naman s'ya sa tabi ko at tiningnan ako..

"Ma-may nakita lang ako.. Okay lang talaga ako.." sabi n'ya..

Tumingin ako sa kanya pero may biglang nahagip yung mata ko.. Napakunot ang noo ko ng makita ko ang isang babae na nakatago sa may puno.. well, I know babae s'ya kasi medium haired s'ya at may suot s'ya hairband.. naka-dress din s'ya pero di ko makita yung mukha n'ya..

OH MY DEER! (EXO LUHAN FANFIC) [Slow Updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon