Oh My # 02: Xiumin

186 6 1
                                    

[Celine's POV]

"Princess!" utang na loob.. eto nanaman po sya -_______-

"Baket?!" eh kasi, ilang beses ko ng sinabi sa kanya na wag n'ya akong tawagin princess..

Nagbabasa kasi ako sa may veranda ko.. nagpapahangin ako eh.. nakakawindang pinagsasabi ng Lu Han na 'to..

"Para sa'yo.." tapos bigla n'yang itinapat sa mukha ko yung isang bulaklak..

Naduling pa ako sa sobrang lapit nung bulaklak sa mukha ko..

"Para saan yan?" sabi ko habang nakataas yung kilay ko..

"Wala lang.." sabi n'ya at tumingin sa taas..

I eyed him suspiciously.. alam ko may kailangan 'to eh..

"Anong kelangan mo?" sabi ko..

Tumingin s'ya sa akin with his puppy face look..

"Kelangan ko ng damit.." sabi n'ya..

Muntik na akong mapa-face palm sa sinabi n'ya.. Yung itsura naman n'ya parang batang napag-sakluban ng langit at lupa..

"Tss.. oo na.. eto na, magbibihis na.." sabi ko sa kanya at biglang lumiwanag yung mukha n'ya..

Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at pumasok sa loob.. para naman s'yang aso na sumusunod sa akin..

"Susundan mo talaga ako pati sa walk-in closet ko?" sabi ko..

Tumigil naman s'ya kaya pumasok na ako sa loob at namili ng damit..

Simple lang ang sinuot ko, t-shirt, short, sneakers at yung glasses ko.. lakas kong mag-short, puro pa naman gasgas legs ko.. who cares.. -___-

Lumabas ako at nandun s'ya sa pinto..

"Yung totoo -____- bakit ka ba nakabantay d'yan?" sabi ko..

"Excited lang.. tara naaaa!" hinawakan n'ya yung kamay ko at hihilahin sana ako pero hinigit ko agad yung kamay ko..

Tumingin s'ya sa akin at nagtaka..

"Magbihis ka kaya -____-" sabi ko..

Grabe naman kasi, pupunta kami sa mall ng naka-suit and tie s'ya..

"Wala nga ak--" bago pa s'ya makapag-salita.. umalis ako sa harap n'ya at bumalik sa loob ng walk-in closet ko.. kinuha ko dun yung naiwan na damit ni kuya Yixing..

Oh utak n'yo! Sadya lang nag-iiwan si kuya ng damit dito kasi minsan nag-oovernight sila ng kapatid n'ya dito..

Ibinigay ko yung damit sa kanya at itinuro ko yung banyo..

Sumunod naman agad s'ya at nagmadaling pumasok sa banyo para magbihis..

Umupo muna ako sa may kama ko habang hawak ko yung bag ko.. mamaya maiwan ko pa 'to sa sobrang ka-excitedan ni Lu Han..

Pag labas n'ya...

. . . . . .

"Tara na princess!!" at ayun hinila na n'ya ako palabas..

Nagulat yung mga maids sa pag-labas ko kaya hindi sila magka-intindihan kung paano ako babatiin.. kaya nginitian ko na lang sila..

"Aray Lu Han ha.. grabe makahila.." sabi ko..

Minasahe ko yung wrist ko kasi wagas maka-hawak at maka-hila.. matatanggal ata yung kamay ko eh..

"Ngayon lang ako makakapunta ulit sa mall.." sabi n'ya na parang bata.

OH MY DEER! (EXO LUHAN FANFIC) [Slow Updates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon