CHAPTER 20

569 21 5
                                    

FELIX'S POV



Nakatingin ako sa likod ni jullan na papalayo samin....




Parang nasaktan ako nung sinabi ni cloud na ayaw niya sakin... Hindi lang pala 'parang' dahil totoong nasaktan ako... Para bang totoo na anak ko siya... Lalo akong nasaktan ng nakita kong lumuluha si jullan sa harap ko at nagmamakaawa.... Di ko siya malapitan dahil nakakapit sakin si lovely... At di ako sigurado sa mga sinasabi niya....



Napahawak ako sa ulo ko...





"Felix ayus ka lang" napatingin ako kay lovely... Pero di ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil sobrang sakit ng ulo ko.... Kaya napapikit ako ng mata..... May biglang alaala na pumasok sa utak ko...





Nakita ko ang sarili ko na kinakasal.... Kay jullan?






"Jullan, my queen... Unang kita ko sayo sa bar alam kong may gusto na ako sayo medyo cheesy man pero na love at first sight ata ako sayo.. At lasing nga ako nun bigla na lang kita hinalikan huli na nung narealize ko na mali yung ginawa ko... Sasabihin ko sana sayo na dare lang ng mga kaibigan ko kahit hindi kaya kita hinalikan pero sinampal mo na ako.... At ang swerte ko ako pala nakakuha ng first kiss mo" natatawang sabi ko...




At naiyak ako...





"Akala ko dati di na kita nakikita... Pero nagulat na lang ako ng pumasok ka sa classroom namin at nagpakilala na bago naming kaklase... Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nun... Sabi ko sa sarili ko.. Nakita ko na ang babaeng matagal kong hinahanap lagi kita inaasar dahil gusto ko mapansin mo ako... "



"At ang mas nakakagulat ay naging stepsister kita... Ang saya ko nun... At alam mo kung pano ko nalaman na mahal na kita?..... Nung akala ko may ginagawa kayo na kung ano sa kwarto mo ni nathan... Grabe ang hiya ko nun.." natatawang sabi ko.





"Jullan... Mahal na mahal kita.. At nangangako akong magiging mabuting asawa ako sayo... Mabuting ama sa magiging anak natin... Di kita iiwan... Magkakaroon tayo ng maraming anak... Di kita sasaktan... Di kita papaiyakin... Kung papaiyakin man kita dahil yun sa saya hindi sa lungkot... Kaya jullan, my queen i love you so much" nakangiting sabi ko...





Hanggang doon lang ang naalala ko pero malinaw na malinaw na si jullan yun at ako ang kinakasal...





"My king ayus ka lang" napatingin ako kay lovely...... Hanggang wala pa akong maala siya muna ang kakapitan ko...



**********




JULLAN'S POV








"I hate daddy! Inaway ka niya! Sabi sakin ni tito daddy na pag may nagpaiyak sayo dapat magalit ako kasi ibig sabihin nun inaaway ka" galit na sabi ng anak ko... Ako naman umiiyak sa tabi ni marie..



Lumapit si uno kay cloud at niyakap to..




"Wag ka magalit.... Daddy mo yun saka di naman siguro sinasadya na maaway ng daddy mo ang mommy mo kaya wag ka magalit sa kanya" sabi ni uno sa pinsan niya...




"Aww ang sweet ng baby uno ko" natutuwa na sabi ni marie...




Nagpatuloy sila sa paguusap... ako naman iniisip si azrael......



Dapat na ba akong sumuko?



Kakalimutan ko na ba siya?



Pero tuwing sinasabi ko na kakalimutan ko siya biglang pumapasok sa isip ko yung sinabi ni lola beth




Kahit anong mangyari wag mong susukuan si azrael... Ipaglalaban mo siya huwag mong hayaan na makuha siya ng masamang tao





Yan lang ang kinakapitan ko para ipaglaban si azrael... Dahil hanggang ngayon di ko alam kung bakit di niya kami maalala.... Kung nandito lang sana si lola beth matutulungan niya ako... Kaso nung isang taon pumanaw na si lola beth.... Hiniling niya sakin na wag ko daw iiwan si azrael kahit anong mangyari wag ko rin daw kakalimutan si azrael.....





Nagpaalam ako na lalabas muna.... Pagpunta ko sa elevator  nung pinindot ko sira.... Bakit kasi isa lang ang elevator dito?!




Kaya wala akong nagawa kundi maghagdan..... Buti na lang nasa fifth floor lang kami....




Pababa na ako sa second floor ng makasalubong ko si lovely na paakyat naman...




Di ko na sana siya papansinin pero humarang siya sa dadaanan ko....





"Poor jullan.... Hindi kilala ng sariling asawa niya." Nakangising sabi ni lovely sakin...




Di ko sana siya ulit papansinin ng magsalita ulit to....





"Kung ako sayo wag mo na siyang lapitan di ka na rin naman niya kilala... Naiirita na sayo si azrael my king sayo" sabi ni lovely...




"Wag mo siyang my king dahil  samin yun.... Mang aagaw kang h*yop ka" mahinahon na sabi ko...





"Bakit? Masakit ba makitang may ibang kasama na babae ang taong mahal mo? Na mas maganda at mas sexy sayo" pagmamalaki na sabi ni lovely....



Tumalim ang tingin ko sa kanya....






"Ano ba ang ginawa mo kay azrael ha! Tandaan mo kahit anong gawin mo kay azrael sakin siya babalik samin ng anak ko! Dahil hindi mananalo ang mga katulad mo na ahas! Mang aagaw tinuring kita na kaibigan kahit di tayo magkaibigan dati pero ganyan ka! Di talaga nagbago ang lovely na kilala ko! Ang lovely na kulang sa pagmamahal di naaruga ng magulang! Kaya ka siguro nang aagaw ng asawa ng may asawa dahil walang gusto pumatol sayo no kaya asawa ko ang inagaw mo! Di ka man lang nahiya sa sarili mo!" Mukhang nasobrahan ako sa sinabi ko dahil sinugod na ako ni lovely at sinabunutan...






"Bwisit kang babae ka! Anong karapatan mong sabihim sakin na walang nagmamahal sakin! Di mo ako kilala!" Sigaw ni lovely habang nakikipagsabunutan sakin....




Habang nagsasabunutan kami di ko napansin malapit na kami sa hagdan.... Sa di sinasadya natulak ko si lovely sa hagdan kaya nahulog siya pababa.... Pagdating niya sa baba saktong dating ni azrael....






"Lovely!" Sigaw niya at binuhat si lovely.... Napatingin muna siya sakin bago umalis....






Hindi ko sinasadya.....






---------------------------------------------------------

A/N:

Aww.... Kawawa si jullan... Ano kaya ang magiging reaksyon ni azrael dahil sa nakita niya?

Btw.... Please vote kung nagustuhan niyo:)

FROM STEPBROTHER TO LOVER Where stories live. Discover now