CHAPTER 17

562 20 4
                                    

JULLAN'S POV



"Wow! Ang ganda dito mommy! Dito ba magcecelebrate sina blaster at blake?" Tanong ni cloud sakin habang ginagala namin ang mata sa buong isla...



Ngumiti ako bago tumango..



"Oo baby dito nga" sabi ko..




Nakita ko sina marie at renz kasama ang kambal nila..



"Oh nandito na kayo" tuwang tuwa na sabi ni renz at nakipag apir sa mga tropa niya..



"Nandun ang mga handa sa malaking cottage malapit sa beach" turo ni marie samin...



"Yowwwnn!! Pagkain!" Nagulat kami ng sumigaw sina cloud,nathalia at nathaniel..




"Jusko! Lia! Nath!" Sigaw ni hazel sa mga anak niya at hinabol yung dalawa.. Yung akin di ko na hinabol alam ko di yun papabayaan ni hazel...



"Hoy mga tukmol regalo muna bago kain ha!" Sigaw ni renz sa mga tropa niya...




"Hoy! Lahat kami merong regalo noh!" Pagtataray ni theo..



"Pa! Daming chicks dito oh!" Nagulat ako sa sinabi ng anak nina darline na si daryl..



"Jusko anak! Dalawang taon ka pa lang pero babaero ka na rin ata tulad ng ama mo" may pailing iling na sabi pa ni darline sa anak...




"Aba naman hon bakit ako nanaman" pakamot kamot pa sa batok habang sinasabi niya yun...



"Hoy! Mister! Ano sa tingin mo sakin di ko kilala mga naging fling mo bago naging tayo... At hanggang ngayon inaabangan ka pa rin ng mga yun... Sino nga ba yung mga yun... Ah! Si joy,pinky,heart,valerie at yung naka ano mo nung sixteen ka si-----" di natapos ni darline ang sinabi niya ng tinakpan na ni cyrus ang bunganga niya..




"Si hon naman dati pa yun past is past na" nakangiti ng alanganin si cyrus habang sinasabi yun...




"Ok! Kain na tayo!" Sabi ni marie...




Pumunta na kami sa malaking cottage.... Naabutan ko ang anak ko na nainom ng tubig...



"Mommy tapos na ako kumain... Can i swim po?" Sabi sakin ni cloud..



"Mi! Ako rin po" sabi naman ni nath at lia sa nanay nila....




Pumayag na rin ako kasama naman sina hazel at nathan... Nakabihis na rin ang mga bata ng pang swimming kaya dumeretso na sila sa dagat...




"Wag kang pupunta sa malalim cloud!" Sigaw ko kay cloud nang nasa tubig na siya...  Tumango siya bago kumaway sakin...



"Opo mommy!"sigaw din niya...




PAGKATAPOS kong kumain narinig ko tinawag ako ni cloud...



"Mommy!"


"Yes baby?"



"May kukunin po ako shell dun pwede po ako pumunta dun?" Sabi ni cloud at tinuro yung medyo malayong may malaking bato..



"Sige ba baby basta wag masyadong malayo ha" nakangiti na sabi ko...




"Yehey! Love you mommy!" Sabi niya at tumakbo sa may malaking bato...







3:00 pm







FROM STEPBROTHER TO LOVER Where stories live. Discover now