CHAPTER 2

858 26 8
                                    

JULLAN'S POV

Nagising ako ng may humalik sa pisnge ko..


Pagdilat ko nakita ko si azrael nakangiti sakin kaya napangiti din ako.


"Goodmorning my queen, happy 7th anniversary" sabi niya.


Sasagot sana ako ng maalala kong bagong gising ako kaya tumakbo sa cr at nag toothbrush at nag mumog..


Paglabas ko nag aalalang mukha ni azrael ang nakita ko.


"My queen anyare sayo bakit tumakbo ka papasok ng cr?"


"Nag toothbrush at nag mumog ako... Siya nga pala happy 7th anniversary!" Sabi ko at niyakap siya.


Akalain niyo yun 7 years na kami ang tagal na rin... Sana ganto na lang kami forever...


"I love you jullan salcedo my queen" sabi niya at hinalikan ang noo ko.



Gustong gusto ko talaga pag hinahalikan niya ang noo ko... Ibig sabihin kasi nun nirerespeto mo ang babaeng mahal mo..


"I love you azrael huzon my king" sabi ko din.




Linggo ngayon kaya may date kami... Wag kayo! May date kami!
Tuwing sabado at linggo di kami napasok para makapag date kaming dalawa.






PAGDATING namin sa mall bumili agad kami ng couple shirt... Kada anniversary namin bumibili ako kahit nung una ayaw niya wala siya magagawa im the queen haha!


Ang binili namin yung T-shirt na may stripe na black and white..So sinuot nanamin yun haha!


"My king ang guwapo mo!" Sabi ko ng lumabas siya sa cr..

"Siyempre kaya mo nga ako minahal eh" pagmamayabang niya.


"Hindi kita minahal dahil sa mukha mo... Bonus na lang ang kagwapuhan mo haha...... Minahal kita dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya"sabi ko.

At dahil sa maputi siya nakita ko kaagad ang pamumula ng pisnge niya. He's cute!

"Yiee! Azrael kinikilig ka haha!" Pang aasar ko sa kanya.


Nag iwas siya ng tingin.

"D-di ah!" Pagtatanggi niya.

"Ih! Pumula ang pisnge niya kinikilig ka!" Asar ko sa kanya.


"Tss... Bala ka nga dyan" pagmamaktol niya at iniwan ako.


"Uy! Azrael wait mo ko!" Sigaw ko kahit natatawa pa rin ako.

Sarap asarin ni azrael kaya lagi siya napapagtripan ni  drake!


Pumunta kami sa bilihan ng mga accessories. May nakita ako dun panlalaki na wrist watch... Binili ko at binigay ko kay azrael.


"My queen pwede naman kahit wag ka mag regalo eh" sabi ni azrael habang sinusuot ko sa kanya ang relo.

"Ih! Minsan lang ako mag regalo pagbigyan mo na ako" sabi ko




KUMAIN na kami sa isang restaurant.
Pagkatapos namin kumain gumala ulit kami... Bumili ako ng mga damit ko... Siyempre si azrael ang magbabayad haha!

Gabi na ng umuwi kami dumaan pa kami ng flower shop bibilhan niya daw ako ng red roses dahil nakalimutan niya kaninang umaga eh... Sweet noh? Haha!

Pagkapasok namin sa condo ko nagulat ako na nandun ang  mga kaibigan namin.




"HAPPY 7TH ANNIVERSARY! JULLAN! AZRAEL!" salubong samin ng mga kaibigan namin.

FROM STEPBROTHER TO LOVER Where stories live. Discover now