Sa upuan,
dito kita nakilala.Sa paaralan,
nakatabi ka
hindi lang minsan.Ginusto kita
nang pangmatagalan.
Ginusto lang.
Hanggang diyan na lamang
dahil hindi kita maalagaanAko ay kinilig.
Ako lang.
Ikaw,
hindi.
Nainis ka.
Hindi mo kasi
ako kursonada.
Gusto mo ay siya
na nasa kabilang kwarto,
na walang pake sa'yo,
at hindi ka kilala.Lumipas ang panahon,
iba na ang ayos
ng mga upuan.Ang pagtingin ko,
ganon pa rin.Pagtingin.
Hamak na pagtingin
ang tangi kong kayang gawin
sa iyo
na pangarap ko.Iba na ang nakaupo.
Sa tabi mo.
Sa tabi ko.Pero,
Ikaw pa rin ang nakaupo.
Sa trono.
Sa puso ko.Nakaupo lamang.
At, kahit na anong oras,
maaaring tumayo
at iwan ang kaharian
sa paligid nito
na sadyang inilaan
para lamang sa iyo
BINABASA MO ANG
Talinhaga: English and Filipino Poems
PoetryPoems shed a light that is worth seeing.