2. The Mystery Guy

6.1K 31 7
                                    

 Chapter 2

The Mystery Guy

Cheska's pov

After ng Morning assembly dumiretso muna ako sa Cafeteria para bumili ng Moo. naks cafeteria. chuchal. haha. So ayun nga dumiretso muna ko sa cafeteria para bumili ng Moo bago pumunta sa Theatre room namin para sa orientation. Yung theatre room namin katulad siya sa mga cinema. Ayun nga lang may malaking stage don na para sa mga may play or ibang events katulad nitong orientation. tapos may malaki siyang Projector sa likod. Oh diba chuchal talaga. Yaman nila bakla. Haha. 

Pumunta na ko dun at pumasok. Eeehhh lamig >.< maikling skirt pa naman ang uniform namin. sa may bandang dulo ako pumwesto para malayo sa mga estudyante at malayo sa aircon. hehe. sa kabilang dulo kasi yung malaking aircon. Yung upuan dito katulad siya nung sa mga cinemas rin kaya kumportable umupo.

Nakita ko si bakla na nag-aayos ng tie niya sa may stage. Diba nga anak siya ng may ari nitong university kaya andoon rin siya kasama yung mga faculty members at student council. Syempre nagpapakitang gilas si bakla kaya Vice president rin siya. Pang Famas ang actingan haha. 

"ang gwapo talaga ni mike no?hihihi" sabi nung girl na nasa likod ko. sa totoo niyang wala akong katabi sa row ko. sabi ko nga sa inyo, gusto ko dun sa place na walang masyadong tao. 

pero ano daw? gwapo si mike? KDOT. Hahaha. pero gwapo naman kasi yang bruhang yan. kras ko nga yan dati nung bagong dating ko dito. kaso ayun nga malakas ang aking pang-amoy. HULI! hahaha. 

"makatawag ka naman ng mike sa kanya parang close kayo.hahaha"sabi siguro nung kasama pa niya.

"eeeeehh. wa pakels. pero alam mo ang lucky nung bestfriend niya no? sino nga ba yun?" Cheska.Cheska is the beautiful name darling. Hihi ;) 

"Francheska yung name. pero infairness bagay sila ha. pero bestfriend nga lang ba? ang balita ko sila na daw eh" HA? ANO DAW? KAMI NA DAW? Hala ka man dudong. Sila alam na kami ni mike tapos kami ni mike hindi namin alam na kami na? Chismis. tsk 

tumingin ako ulit kay mike. Infairness naman kasi talaga ang gwapo netong loko-lokong to. heartrob nga yan eh. tapos basketball player pa. hahaha. Sumali siya sa team ng basketball para dagdag pogi points daw at para daw hindi mahalata ng kanyang pader na beki siya. Psh. Daming alam. 

Ang dami kong naririning sa harap at likod ko na kesyo ang pogi daw ni mike. haha. ano kayang magiging reaction nila kapag nalaman nilang beki siya? hmmm. 

Kinuha ko mula sa bag ko yung Moo ko na binili ko at ininom to. weeeeeeee ang sarap. nakatungo lang ako habang umiinom. at may nakita akong dadaan sa harap ko kaya tinabi ko ng konti yung paa ko para makadaan sila. bwiset. may tumabi pa -,- . 

ang dami nila ha. sana lang hindi sila mag-ingay. kundi nakuuu! isaksak ko sa kanila tong straw ko. 

Tumingin ulit ako kay mike na nakatingin na pala sakin at inayos ulit yung damit niya. He smiled and mouthed the words 'okay ba?pogi na?' 

Nag two thumbs up ako and mouthed 'pang dyosa na' at tinaas-baba ko ang kilay ko. He smirked at inayos ulit yung buhok niya. So gwapo. Shet. 

Nakatingin pa rin ako sa kanya at siya naman ay napatingin sa bandang gilid ko. Napakunot-noo ako ng makita kong lumaki ang mga mata niya. Bigla siya tumingin  sakin at napa - OH MY GOD. Mas lalo akong nagtaka. May nginguso siya sakin kaso hindi ko naman maintindihan kung saan. Tapos nakakainis pa may dumaan nanaman sa harapan ko kaya tinabi ko ulit yung paa ko at tinignan ulit si Mike na mas gulat pa ngayon at may nginunguso ulit kaso hindi ko nga masyadong maintindihan kasi hindi pa umaalis sa bandang gilid ko yung lalaking dumaan kanina. 

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon