His Promise

5.2K 38 2
                                    

Prologue

Alam mo ba kung ano ang pinaka mahirap gawin sa buhay ng isang tao? Alam mo ba kung ano ang ayokong maranasan sa buong buhay ko? Ayun yung MAGDECISION. 

Mahirap mag-decision. SOBRA. Lahat ng magiging resulta o lahat ng pwedeng mangyari sa buhay mo ay pwedeng mag bago dahil sa iisang decision lamang. Alam mo pa kung anong mas mahirap sa pagdedecision? Ayun yung may mga pagpipilian ka o sa ingles ay choices.Syempre kung may choices ka, may mga bagay na gagambala sa isip na pwedeng maka-udlot at makasagabal sa gagawin mong decision. Syempre andyan yung malilito ka.. iisipin mo na .. ayun nga ba ang tama? at sa puntong iyon mawawala na yung tiwala mo dun sa decision mo. 

Parang sa mga exam lang diba? Pagtatawanan niyo ba ko kung sasabihin ko sa inyong mas gusto ko sa exam ay identification imbes na yung may mga choices pa? Kahit na alam ko na ang sagot, hindi pa rin nawawala sakin yung malilito ako. At kapag nalito ka na. Wala na. Magkakabuhol-buhol na ang mga pinag-aralan mo. Oo nga't kapag may mga choices maaring tama ka at maaring mali ka. Pero diba mas madalas yung mali ka kasi ang dami mong pagpipilian. At sa huli kapag nagkamali ka, sinong sisisihin mo? Walang iba kundi ang sarili mo. Alangan naman yung teacher mo ang sisihin mo diba? kasalanan ba niyang tatanga-tanga ka at nalito ka sa mga binigay niyang choices. 

and that's the lesson. 

May mga oras talagang kailangan nating mamili at magdecision. Akala niyo ba kaya tayo binibigyan ng choices ng ating mga guro upang mapadali na lamang ang ating mga pagsusulit? Nagkakamali kayo. Isa pa iyon sa magiging hamon nila sa atin. Hindi mawawala sa buhay natin na Oras na para mamili. Baka kapag nawalan tayo ng oras, baka yung dalawang pinagpipilian mo ay mawala na ng tuluyan. Baka yung puntos na inaasahan mo doon ay hindi mo na makuha. Binibigyan nila tayo ng choices para mas maging matatag tayo. Ano naman kung magkamali tayo ng decision? It's part of growing up. You are not perfect person para lahat ng maging decision mo ay tama. Atleast doon sa pagkakamaling yon... natuto tayo ng isang aral na madadala pang habang buhay at aral na maari nating maipasa sa magiging anak natin. 

Kaya sa bawat decision na ating gagawin sa buhay natin, ay kailangan nating pag-isipan ng masinsinan. Malay mo ang decision mo na palang yan ang makakapag bago ng buhay mo. Hindi natin alam na ang decision palang yan ang makakaperfect sa exam natin. Sayang naman kung ibabara-bara mo lang diba? :) 

Ako nga pala si Francheska Ruiz

Ang MOO ng isang lalaking minahal ko noon

at ang STAR ng lalaking minamahal at mamahalin ko ngayon :)

At proud akong sabihin sa inyong... tama ang naging decision ko. 

*******

New prologue . Hurray /m\

Wala bang connect sa title yung prologue? Hahaha . pero napakalaki ng connect nung prologue sa magiging takbo nung story. Bleh . ihanda niyo na ang inyong mga sarili dahil sa mabigat na twist . Hihihi.

love

Ate berna <3

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon