1. The Great Pretender

2.2K 29 9
                                    

Mike ( Beks, beki) , Francheska and Ranz at the right side :) 

***********

 Francheska's Pov 

June 11 2013 ( Tuesday, 6:15 a.m) 

Dear Moo 

Saktong 5 years na pala no? saktong 5 years noong huli tayong nagkita. Tandang tanda ko pa yon. June 11 noong umalis kayo at pumuntang Ibang bansa. Moo ang duga mo naman eh. Ang sabi mo sakin magbabakasyon lang kayo doon. Ang sabi mo sakin babalikan mo ko. Ang sabi mo sakin tatawagan at magkakausap pa rin tayo sa friendster. Eh nakakainis ka naman eh. Niloloko mo naman ako kasi wala ka namang friendster non. Tapos ni isang tawag wala akong natanggap sayo. Halos pagalitan na nga ako ni mama noon kasi palaging na sa akin yung cellphone niya at ayokong bitawan. Nagbabakasakali lang naman ako na tatawagan mo pa rin ako eh. Pero Moo ... limang taon na ang nakalilipas. Nasaan ka na ba? Palagi mo na lang akong pinapaiyak. Pero ito lang ang tandaan mo Moo, na kahit kailan hinding hindi ako magsasawang maghintay sayo. Alam ko na tutuparin mo pa rin yung pangakong binitawan mo sakin noong mga bata pa tayo. Maghihintay pa rin ako sayo moo ha? Palagi mong isipin na palagi kang may puwang dito sa puso ko. Alam ko moo na ikaw ang magproprotekta dito sa puso ko. Ikaw ang lalaking magproprotekta nito mula sa lalaking minamahal ko na ng halos tatlong na taon na. Nakakatawa no? Nagmamahal ako ng isang tao na hindi naman alam na nag eexist ako sa mundong ito. Please moo, bumalik ka na :(

Love,

Cheska <3 

Sumipsip ulit ako ng Chocolate drink na Moo. Bumuntong hininga ako.

Haayys Moo .. kailan ka ba ulit magpapakita sakin? 

"Hi miss, flowers for you" 

may narinig akong boses ng lalaki. tumingin ako sa harapan ko at may nakita akong mga white roses. Tumingala ako para malaman kung sino ang lalaking yon.. pero ang tanong ko, Lalaki nga ba? 

Noong tumingala ako sa kanya ay ngumiti siya sakin

"Yuck beks. Tigilan mo nga ako" then i rolled my eyes.binalik ko ang tingin ko sa diary ko.

"Hihihihi. Eh bakla ang senti-senti mo kasi. Oh, bakit ang aga mo ata ngayon pumasok? Bumabawi ka ba kasi hindi ka pumasok kahapon? Yieee miss na niya ako yiee" umupo siya sa tabi ko at niyakap ang braso ko habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.

Hinahatak ko palayo yung braso ko mula sa kanya "kadiri ka beks! Chupi ka. Lumayo ka saking bakla ka! ikaw mamimiss ko? asa ka. Lubayan mo nga ko."

Tinulak niya ko palayo sa kanya "Ouch. ang sakit mo naman magsalita bakla! hindi mo ko na-miss? edi hindi. HMP" tumayo siya at lalakad na sana siya palayo pero pinigilan ko siya. bwiset tong baklang to. ang aga aga nagdradrama.

tumayo ako at iniharap siya sakin.

"Ouchy!! ang sakit mo naman maka-miss bakla. kailangan may batok? huhu. my beautiful head. huhu" binatukan ko kasi . hehe ^_^

"Eh gaga kang bakla ka! Eh isang linggo lang tayo hindi nagkita miss agad? Eh halos nung bakasyon nasa inyo ako o kaya nasa amin ka. aba paano kita mamimiss?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Eh bakit isang linggo rin tayo hindi nagkita and no communication at all. Wala tuloy akong mapagsabihan ng happenings ko sa aking wonderful life" umupo na ulit kami.

"Ewan ko sayo. Kanino mo pala ibibigay yang mga roses na yan?" sinarado ko na yung diary ko at tinago sa bag ko. wait lang... asan pala yung isa kong moo dito? eh dalawa yung dinala ko. Ge cheska halungkat pa!!

His PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon