3. I'm Gonna Get You

172 7 20
                                    

3.

Eto na ba? Eto na ba ang bunga ng pitong taon kong paghihintay?

Eto na siya.

Eto na oh sa harapan ko.

Clyde. . .

"Okay, back to work everybody." Sita ni Ma'am Sam at nagsisunod naman ang lahat.

Nanatili ako para makaharap siya.

Clyde. . .

Nakikipag-usap siya ngayon kay Ma’am Sam.

Pansinin mo naman ako Clyde oh.

“Ms. Janna, anything wrong?” Sinita ako ni Ma’am Sam na nakatayo pa rin na pinapabalik niya na nga sa trabaho.

Sa wakas lumingon din siya. “Janna?” Ngumiti siya.

Ayan na naman yang Mr. Close-up smile niya since college.

Gumanti ako ng ngiti.

“Kumusta?” Dyahe.. Anong sasabihin ko?

“Ok lang. Ikaw?”

“Ganoon din. Hehe.”

Inaya na siya ni Ma’am Sam at iginiya patungo sa office niya.

Mananatili na lamang ba kaming “hi-hello” simula nang naghiwalay kami?

Ewan. Parang ganoon na nga para sa kanya.

Pero hindi para sa’kin…

Wait ka lang Clyde ko. This is the right time. Di na kita hinanap pero eto, nagpakita ka. Tayo talaga para sa isa’t-isa. Tayo ang para sa isa’t-isa dahil pinagtagpo an gating mga landas.

--

“Shonga.”

Aixt. Tinapunan ako ni Jasmin ng piraso ng Nova nang ikinwento ko sa kanila ang tungkol kay Clyde ko plus ang pananalig kong makukuha ko siyang muli. Nandito kami ngayon sa sala nagmimidnight snack habang gumagawa ng kung anu-ano. Parang di lang Martes bukas at working day eh.

Alam kasi nilang may ex akong gustong balikan. Ngayon ko lang sinabing si Clyde. Kailangan ko naman opinion nila noh.

“Jasmin, wag ka ngang nagsasayang ng pagkain. Sayang pera natin.” Sabat ko sa kanya at pinulot ang Nova na tinapon niya na nahulog sa shorts ko. Naka-indian seat kasi ako.

“Eeeewww.” React ba naman nila. =____=

“Seryoso nga Ate Jan, baka nagkataon lang. Destiny ka dyan. Malamang promising ang company niyo para sa isang tulad niyang batang CPA kaya tinanggap niya yan.” Sumubo pa siya ulit ng Nova. “Praktikalan lang yan teh.”

May point siya pero. . .”Kontrabida ka naman Jasmin eh!”

“Tsaka malay mo bebs sa’kin talaga nakatadhana si Sir Kester.” –Rica.

“Anong sa’yo. Akin kaya. Alam niyang sa Financial Department ako kaya pumasok siya dun.” –Bernadette.

Grabeng tulong niyo guys. =____=

Nagsurf na lang ako sa net at hinanap ang facebook ni Clyde ko. Lagi akong updated dito kaya nga napansin kong di na siya masyado active.

Naalala ko nung college pa kami at lumipat siya ng school, ang sipag mag post ng pictures eh.

Pero nitong nakaraang tatlong taon, saglit-saglit na lang siya sa pag-like at comment.

Gulat kayo noh!! Stalker niya ako. Este “admirer”. Hahaha.

“Clyde” talaga yan nung college. Ewan ba’t naging “Kester” na. Palibhasa naging CPA na. Psh.

Eh ako di na nakapag-take ng CPA board exam kaya eto, umeempleyado lang. Pangarap naming dalwa yang sabay mag-review at kumuha ng exam para maging CPA nung kami pa.

Ngayong nakamit niya na pangarap niya (nakanaman! Lalim nun..Hehe), parang ang hirap niya nang i-reach. Pero sabi nga ng lola ng kapitbahay naming, “Kung ayaw may dahilan. Kung gusto, may paraan.”

Bukas talaga.

Tama, bukas ko na sisimulan ang aking misyon sa lablayp.

Meanwhile. . .

Tingnan ko muna kung online si Clyde.

Ay, sakto!

Ma i-chat nga. Hehehe.

Ako: Hi!

Ang tagal bago mag-reply.

Siya: Oi, kumusta?

Type agad ako. Hehe

Ako: Ok lang po Sir. Hehehe.. Di tayo nakapag-usap kanina. J

Siya: Ah, oo.. Hehe

Ako: Kamusta ka na pala?

Ang tagal niya naman ulit mag-reply. Kaya nag-open muna ako ng iba kong web accounts.

Sinilip ko ulit facebook, wala pa rin eh.

Tumayo ako at kumuha ng gatas.

Upo.

Wala pa rin.

I-chat ko kaya uli?

Ay baka makulitan. Wait lang ako.

Maya-maya, nagpaalam na lamang ang mga kasama ko dito sa bahay, di pa rin nag-re-reply.

Online naman siya ah..

Ni-log-out ko na lahat ng accounts ko, pinahuli ko lang ang fb.

Ma-i-chat na lang nga.

Ako: Good night. J

And after a minute. . .

Alam niyo yung masaya???

Nagreply siya.

Siya: night.

Di pa rin nagbabago. Walang kwentang ka-chat.

Bukas na lang. Chikahin talaga kita Clyde ko. =_____________=

I’m gonna get you beybeh..

==

A/N: Kainis ng mg aka-chat na ganyan. =___________=

Anyway, highway, kamusta naman kayo??

*log-out*

Hehe. Joke lang.

Pengeng comments?? ^_________^

Dedicated sa’yo Jasminbebe. Pangalawa na ‘to. Ganyan kita kamahal. Hahaha. XD

Di nga kayo extra dito, “supporting” ang tawag sa inyo. Ako kasi ang bida. :p

Aylabsyoooww beh! ^___^

Salamat sa pag-babasa!

-dyuna-

I Just Want To Make It RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon