2. We Meet Again

159 7 10
                                    

2.

"Rics! Bilis na uy!" Tawag ko kay Rica mula sa sala.

Ang tagal kasing magbihis eh. Lunes ngayon at sabay-sabay naman talaga kaming tatlo mag-commute papuntang opisina kahit magkaibang department. Si Jasmin, ewan ko 'dun, hawak ata oras niya eh pero pag wala kami parang nagkukulong lang din naman sa kwarto nila. Nagsusulat marahil.

"In a hurry teh? Jet plane lang?" Angas ni Rica paglabas ng kwarto eh. Suot ba naman ang red heels niya na once in a red moon lang suotin.

"Anmeron? Lunes na, may hang-over pa rin sa bar hopping nang Biyernes. 'Yung totoo? Tatlong araw talaga Rics?" React ni Jasmin nang nakita si Rica. May hawak na tasa ng kape at nakapambahay lang. Andito pa pala ang ang babeng 'to. =___=

At oo, nag-bar hopping sila. Ang mga lapastangan, porke't di ako nakasama, naghasik talaga ng lagim tapos pagka-umaga panay ang kwento at painggit.

"Ay!" Nagmadali namang pumasok si Dette sa kwarto nila at lumabas na nagsusuot na ng hikaw. Isa pa 'to.

"Ano bang nagaganap sa mga kalamnan niyo mga iha at ganyan mga itsura niyo? Bar ulit?" Ako na 'yan. Nakakahalata na ako eh.

"Nalimutan mo na sis? May bago nang Chief Financial Officer." - Dette

Ay oo nga pala. OIC lang ang namamahala sa Financial Department ng halos isang buwan na. Na-stroke kasi si Ma'am Rose.

"Pinalitan na si Ma'am Rose?"

"Malamang diba? Na-stroke na 'yun. Kung gumaling na 'yun, di nya pa rin keri. Kaya pinalitan na lang talaga."

"Ahh.. So anong konek 'nun sa ayos galore ninyong dalawa?"

"Kasi sabi, binata daw ang ating new CFO! Adiw!" Parang plip lang si Dette na sayang-saya sa sinasabi niya.

Teka.. Ano daw? Binata? Teka lang, ba't nakalimutan ko ito! Narinig ko pala sa usapan sa CR last week 'to ah!

Kahit naman ded na deds ako sa first love ko na gusto kong balikan eh nakiki-uso rin naman ako pagdating sa mga lalaki noh! Kaya hindi maaari na sila nag-ready tapos ako hindi!

"Kung ganoon, magde-dress muna ako!" Naka pencil-cut skirt at blouse kasi ako ngayon.

Hinila naman ako bigla ng dalawa.

"LATE NA TAYO!" They chorused.

--

Mga madaya talaga 'tong mga bruhang 'to. Sila gandang-ganda tapos ako plain lang. Di ako makapapansin nito sa bagong CFO. Direct Head ko pa naman. Aaayy!

"Uy babae," sita ko kay Rica. "Ba't chomorva ka din pala? Di naman makakarating sa department niyo ang bagong boss namin." Salamat sa salitang 'chorva', may naisu-supply akong chorva pag di ko alam ang term. XD

"Batet ba? Malay natin magkasabay kami sa elevator tapos mamangha sa angkin kong kagandahan. Eh di kabog!"

"Taray teh.. Eh ako araw-araw kong makakasalamuha. Maaakit din yun sa akin." si Dette yan.

"Sige teh, araw-araw kang pumasok ng opisina kahit non-working days. Tingnan natin kung magbunga yan." -Rica.

"Pinredict mo nang magbubunga Rics! Ohmygas! Magiging mommy na ako!"

"Ay shonga." sumingit na ako sa usapan. "Baka matandang binata lang yan eh. Saya mo Dette kung magbunga yan. Hahaha." Inasar ko nga. Ganti lang sa pag-deprive nila sa aking karapatang mag-ayos. Tsaka binigyan ko na rin sila ng palaisipan kung ano itsura ng bagong boss kahit sabihin pang binata pa. Muahahaha.

Panay lang asaran namin hanggang elevator. Nagpalinga-linga pa nga si Rica bago pumasok sa lift sa pag-aasam na may bagong mukha kaming makakasabay. Wala naman...

--

Before magsimula ang working hours tinawag ni Ms. Samantha - ang aming Executive Accountant - ang atensyon namin.

"And so I guess everybody is excited to meet our new CFO." Nagtipon-tipon sila kaya di ko makita si Ma'am Sam at ang bagong boss namin. Ay nakita ko pala buhok niya. Hmmm.. Matangkad.

Makasingit nga. *excuse excuse excuse*

"Financial Department Team, let's give a welcoming applause to Mr. Kester Clyde Velez, CPA."

Nagmadali akong makisiksik sa matatangkad naming officemate. Nang nakalapit na ako sa center of attraction. . .

"Good morning. Please do call me Sir Kester." Smile.

Loading. . .

Loading. . .

Loading. . .

Oh no!

==

A/N: yowwwn.. Kinsa man nang si Kester kay nag-'oh no' man ning bayhana?!? Haha!

Dedicated kay Ricabebs.. Aylabsyoww.. Plural yan kaya marami pagmamahal ko sa'yo. XD

Feel free to comment.. :))

-dyuna-

I Just Want To Make It RightWhere stories live. Discover now