Chapter 6

27 1 0
                                    

Veronica's POV

By 3 pm, gising na kami and we continued our movie marathon. We finished by almost 6 pm. Naglinis muna kami sa aming mga kalat at tsaka sila nagpaalam na umuwi na. Hinatid ko sila sa gate.

"Mauna na kami, Nic ha. 'Pag may kailangan ka, always feel free to call one of us. "Pagpapaalam ni Jeph. I smiled.

"Hmm yah, thank you talaga for today." Ani ko sa kanila.

"Bye, Nic!" Pagpapaalam ni Aby at Stephen.

Pabalik na ako sa bahay nang dumating na si daddy galing trabaho. I greeted him as soon as he went out of the car. 

"Oh. Hi, dad! How's work?" Pagbati ko sa kanya.

"Hello," sabay ngiti. "Okay naman."

"Galing pala sina Aby dito, dad. Kaya di pa ako nakapaghanda ng dinner. Kakaalis nga lang nila eh." sabi ko.

"Ahh, gano'n ba. Sige, bihis muna ako, anak. Magbihis ka din, sa labas nalang tayo kakain." sabi ni daddy.

"Sige po." Ani ko. Pumunta agad ako sa kwarto and then went to my bathroom. I washed my face first and changed. I am now wearing a yellow sleeveless with black cardigan, pedal and gladiator sandals. I decided to bun my hair. I sit down and finalize my look but I ended up looking at myself. They say I got most of my mom's features. Curly hair at the bottom part, upturned brown eyes, long eyelashes and perfect imprint lips.

"Nica?" Tawag ni daddy galing sala.

"Almost through, dad." Naglagay na ako ng polbo at kinuha na ang gamit ko. Bumaba na ako at umalis na kami.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni daddy habang nagda-drive.

"Hmmm. BBQ House, dad!" Sabi ko with excitement. Tumawa si daddy.

"Okay. Medyo matagal na din tayong hindi nakakain don eh." Sagot n'ya. Ayon sa kwento ni daddy, do'n daw sila palaging kumakain ni mommy every lunch time no'ng college pa sila since 'yon daw ang pinakamalapit sa paaralan nila hanggang sa nakasal na sila, do'n sila kumakain pagkatapos magsimba. Kaya hindi na mapagkakaila na kilala na sila ng may-ari pero medyo may edad na rin daw kaya 'yong panganay na n'yang anak na si Tito Ryan na isa din sa magandang kaibigan ni daddy simula college ang namamahala sa barbecue house. Simula no'ng mga 5 years old na ako, dinadala na ako ni daddy sa BBQ house at pumupunta din kami sa favorite naming snack house na kung saan meron ang pinakamasarap na halo-halo. Dad and I were just silent through the rest of the drive. After less than half an hour, nakarating na kami. Pagpasok na pagpasok namin ay si Tito Ryan agad ang bumungad sa'min.

"Oy, pare!" Pagbati ni Tito Ryan. Halatang masaya s'ya at nagkita ulit sila ni daddy.

"Pre! Kumusta?" Sabay hug nung mga sa lalaki? Ay teka, ano bang tawag do'n? Ehh, wag na nga lang. Nasa likod lang ako ni daddy, tumitingin sa paligid. The smell of barbecue makes me more hungry hmmm. 

"Okay naman pare. Medyo matagal na din kayong di pumupunta dito ah! Oh, nandyan ka pala bebe V.," Lumapit ako at nagmano kay tito. "Dalagang-dalaga na anak mo pre ah! Habang lumalaki s'ya, mas lalo s'yang nagmumukha na parang mommy n'ya. Baka makalimutan mo pre at bigla mong ligawan 'yang anak mo." Sabay kaming tumawa.

"Loko ka parin, pare! Oh, kain muna kami." Sabi ni dad kay tito.

"Anong order n'yo? Ako na magluluto, namiss ko kayo!" Nagorder kami ng isaw, atay at bbq pork. "Anong drinks?" Dagdag na tanong ni tito Ryan.

"Uhh, tubig nalang pare. Halo-halo kami mamaya eh. Alam mo na." Sagot ni daddy.

"Oh sige pare, antay lang ng konti ha?" Pagkatapos nilang mag-usap ay umupo na kami ni daddy sa isang bakanteng table at habang naghihintay, nakipagpicture ako kay daddy.

"Dad, smile." Imbis na magsmile siya ay nagwacky siya. Tumawa ako. "Kulit." Sabi ko kay daddy. Pagkatapos ay nagtweet ako ng "BBQ House with Dad!" kasama 'yong picture namin. Pagkatapos ng ilang minuto, finally dumating na ang order namin. Yaay! We blessed the food first at kumain na ng nakakamay. Now, this is what I love! While eating, tahimik lang kami. Obvious na gutom talaga at nasasarapan sa pagkain. When we're already through...

"More?" Ask dad.

"It's already enough, dad. Still saving a space on my stomach for the halo-halo." I answered him with a wide smile.

"I love seeing you smile like that at times when I know you're not supposed to. I'm so proud of you." Sabi ni dad. Ayaw kong mapunta pa to kung saan-saan tong usapang 'to kaya naisipan kong tumayo. Well, this is actually what I do after eating.

"Hmm, tara na kaya dad? Lakarin nalang natin 'yong snack house." I suggested since malapit din naman 'yong snack house sa bbq house at pumayag naman si dad kaya hiningi na n'ya 'yong bill, nagbayad s'ya at tumayo na rin. Nilapitan n'ya muna si tito Ryan para magpaalam.

"Pre! Una na kami. Nagmamadali 'tong isa eh. Excited sa halo-halo. Maraming salamat, pre. Hanggang sa muli!" Pagpapaalam ni dad kay tito.

"Sige, pre. Salamat din. Ingat kayo!" Nagwave sabay ngiti ako kay tito at nagwave back naman s'ya. In less than 10 minutes, nasa snack house na kami. And as usual, maraming tao pero nakahanap naman kami ng vacant table. Nag order na si daddy at since marami silang employees, di masyadong matagal ang paghintay namin. Masaya lang kaming nagkukuwentuhan ni daddy hanggang napunta nanaman s'ya kay Nathan.

"V. Uhh, I just want to tell you na please 'wag na 'wag kang magtanim ng galit sa kanya o kay Gail kahit na sinaktan ka nila," sabi ni daddy. "Alam mo naman hinding-hindi mawawala ang mga ganyang klase sa buhay." dagdag niya.

"Of course, dad. Even though they hurted and is still hurting me now, somehow I can't deny the fact that they've made me happy and have been a special part of my life," I answered while looking at my cup. "I can't imagine being angry to someone whi doesn't even care, dad." I added.

"Hmm. That's my girl." And we laughed together. As soon as we finished our halo-halo, binalikan na namin ang sasakyan na nakapark malapit sa barbecue house and umuwi agad since we need to sleep early to attend an early mass tomorrow. Usually, we attend afternoon or evening masses unless dad has a lot of works to do. On our way home, he told me na maggrocery tomorrow afternoon and I said okay. In less than an hour, nakauwi na kami. I told him goodnight at pumunta na sa kwarto. It's already 8:30 pm. I slept for more or less 30 minutes and after I took a shower and finally went back to sleep.

Goodbye, LoveWhere stories live. Discover now