Chapter 5

22 0 0
                                    

Veronica’s POV

I woke up when the doorbell rang. I was about to go out nang tumawag si Jeph.

“Hello?” I said in a sleepy voice.

“Natulog ka? Nasa labas na kami.”

“Oo, kakagising lang. Sige, papunta na ako d’yan.” He ended the call at lumabas na ako. When they saw me, sabay-sabay silang sumigaw.

“Hi, Nicaaaa!” I laughed.

“Di ko naman birthday, guys.”

“It doesn’t have to be. Gusto ka lang namin mapasaya.” Sabi ni Leana.

“I’m happy guys, I have you kaya.” Nagtinginan sila pagkatapos kong sabihin sa kanila ang linyang ‘yan.

“Oh, tara na. Pasok na tayo.” I added. Pagpasok namin ay umupo agad sila. Nagtulong-tulong kaming ilabas at ayusin ang table para ilagay ang mga kakainin namin for lunch. McDo ang dinala for lunch. Pagkatapos magset ay kumain muna kami bago magmovie marathon.

“Oy, Nica. Blooming ka ata ngayon?” Biglaang sinabi ni Jeph.

“Gago. Palagi naman ah.” I flipped my hair and laughed at him.

“Seryoso, Nic. Parang di ka apektado.”

“It’s not worth it eh. Tsaka I don’t have to worry or cry or even die for a guy like him. Cheater! Ang dami kayang nagpapasaya sakin. At kayo na ‘yon.”

“Awwwwwww.” Sabay nilang sinabi at tumawa.

“Nakapag-usap na ba kayo, Nic?” tanong naman ni Stephen.

“Wala na kaming dapat pag-usapan. Everything’s clear to me. I’m not the one he wants nor the one he needs.”

“Wala ka bang mga tanong para sa kanya?” tanong uli ni Stephen.

“Hmm, I don’t think so.” I answered quickly at sumubo.

“Mag-usap kaya kayo for closure.” Sabi ni Leana.

“Tss, ani nga ni Steph sa Maybe This Time na sometimes not having a closure is the closure. Tsaka nakigbreak naman talaga ako eh.” I smiled at them. Tumahimik na sila. Naalala ko yong lalaking naghatid sakin pauwi kagabi.

“Guys,” Sabay silang tumingin sakin. “Uhh may nakilala akong lalaki kagabi. I bumped in to him while I was crying and lasing ata siya eh. Hinatid n’ya ako pauwi. Tsaka alam n’yo, ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Ewan ko kung bakit.” Nagtinginan nanaman sila.

“Hmmm di mo alam pangalan n’ya?” tanong ni Aby.

“Di ko natanong eh. Ang daldal n’ya kasi habang ako iyak lang ng iyak.”

“Sayang naman. Pero baka magkikita pa kayo no’n.” Sabi naman ni Leana.

“Sana.” At tinapos na namin ang pagkain namin. Nilinis muna naming ang pinagkainan namin at nagpahinga muna ng sandali bago kami nanood ng pelikula. They brought 3 DVDs. City of Bones, Divergent and Host. And the three happens na sila ‘yong hinanap ko talaga kung saan-saan. Woah, finally!

“Guys, I love you so much!!!!” sigaw ko sa kanila no’ng nakita ko ang dala nilang DVDs.

“Anyare sa’yo oy?” patawang tanong ni Jeph.

“Wala lang. itong tatlo kasi ‘yong hinanap ko talaga saan-saan. Tsaka ang ganda talaga ng Divergent kung nabasa n’yo lang!” Tumawa kami. Pinili naming unahin ang Host. Tahimik lang kami habang nanonood at kumakain ng fries na dinala nila. Tiningnan ko sila isa-isa. Puro sila tutok na tutok sa pelikula. Muntik na akong matawa sa mga poker face nila. Naisip ko na din na ang swerte swerte ko talaga sa kanila. Bumalik na ako sa panonood. Malipas ang higit isang oras ay natapos na.

“Phew. Buti naman at sa wakas nakawala na sya sa mga nilalang na ‘yon.” Sabi ni Leana.

“Oh, ano? Next movie? Mukhang inaantok kayo eh.” tanong ni Aby.

“Tulog kaya muna tayo?” sabi ni Jeph.

“Gusto n’yong matulog? Tara.” Pumunta na kami sa kwarto ko. Dito ko talaga sila pinapatulog tuwing pumupunta sila dito kasi may extra foam naman ako at mas malimig dito. As usual, ang mga lalaki nasa extra foam na nilagay namin sa baba ng bed ko. At kami naman nina Aby at Leana ang magkatabi.

Louis’ POV

I woke up by 2:30. And I don’t know what to do but I remembered that I haven’t eaten lunch yet. Medyo masakit pa din ang ulo ko. Bumaba ako. Tulog si daddy. Hinanap ko si auntie pero lumakad ata. Pumunta ako sa kusina at may nakita akong note.

“Louis, mag grocery lang ako. Kumain ka na. Initin mo nalang ‘yong ulam, nasa ref. –Auntie” 

Dahan-dahan akong kumilos dahil baka magising si daddy, magagalit nanaman ‘yon. Pagkatapos mag recook ay kumain na ako tsaka hinugasan ang pinagkainan ko. Pabalik na ako sa kwarto pero napahinto ako nang may sinabi si daddy.

“Jessy…” Pangalan ng mommy ko ‘yon. Nanaginip ata s'ya. Sumikip ang dibdib ko. Dali akong pumunta sa kwarto. My tears are racing from falling. Alam kong hanggang ngayon mahirap parin kay daddy ang pagkawala ni mommy. Actually, ako ang dahilan kung bakit.

 It was a holiday on the year 2000. I was 2 and a half years old that time. Nagluluto ng barbecue si daddy no’n habang si mommy naman busy sa pagbabantay sakin at paghanda ng picnic area namin. Sinama ako ni mommy sa parking area para may kunin. Bumitaw ako kay mommy at tumakbo.

“Louis!” she ran para sundan ako. I was already beside our car. I turned to see her pero may sasakyan na mabilis tumakbo, magpaparking ata ‘yon eh.

“Mommy!” and boom. She’s on the ground. I shouted for help. And there was one person who grabbed me.

“Come, baby. Di mo pwedeng makita ‘yan.” Sabi n’ya sa ‘kin nya medyo may nerbyos sa boses n'ya. I just kept on crying.

“My mom!” paulit-ulit kong sigaw.

“Yes, she’ll be fine. We’re on our way to follow her at the hospital. Okay, baby? Tahan na.”  tumahan naman ako at nakatulog sa kakaiyak.

I woke up at the arms of the girl that got me.

“Where’s mommy?”

“She’s still being checked by the doctors. Tulog ka nalang ulit, I’ll wake you up later.” Mahimbing niyang sabi.

“I don’t want to sleep na. I wanna see mommy.”

“Pero di tayo pwedeng pumasok baby eh.”

“Hmpf. By the way, who are you?” I looked at her questioningly.

“I’m your auntie Bianca. I’m your dad’s sister.” I just nodded as an answer. But then I saw dad who just finished talking to someone on the phone. I went near him.

“Daddy!” I was about hug him but he refuses.

“Not this time, Lou.” I can see both anxiety and disappointment in his face. I think he was mad at me.

“Baby, want some food? Come on, bili tayo sa canteen. Dali.” She held my hand and while we were walking, I was just looking back at him.

And that was it, the rest was blurry. Days after, they told me that mommy wasn’t able to survive. They didn’t tell me everything since baby pa nga ako, wala pang masyadong naiintindihan. And while growing up, I just didn’t bothered to ask.

Goodbye, LoveWhere stories live. Discover now