Chapter 7 - The "TRIP"

11.3K 212 35
                                    



A/N
May mga scene po ang chapter na ito na naglalaman ng maselang parte na nauukol sa seks. Kung Hindi po kayo sanay just skip reading it. Thank you.

*******************

Bagamat may nadagdag na priorities sa dalawang kaibigan ko na sina Enzo at Ken, dahil sa pagkakaroon ng girlfriends, hindi pa rin ito naging sagabal sa patuloy na pagkakalapit namin bilang magkakaibigan. Actually, that made us even more closer dahil kami ni Marc ang laging nagiging tulay para magkabati ang magsyosyota kung may mga love quarrels sila.

Naging parte na rin sina Andrea at Tricia ng aming bonding sessions including going to the bars, yun lang wala ng girls hooking kasi andyan na nga sila, nakakahiya kung gagawin pa namin yun ni Marc sa harap ng dalawang girls. Kaya tuloy inggit kami ni Marc sa dalawang kulokoy kasi may kalambutsingan sila kami ni Marc nganga!

Kaya ang ending kami ni Marc ang mag partner lagi pag napunta kami sa bar. Pero laughing trip kami dalawa ni Marc pag magkatabi kami at nainom. Paano lagi namin naaalala yung ginawa namin kina Ken at Enzo kagaguhan nung ipakilala nila sa amin mga girlfriends nila. I even asked Marc then kung bakit yun yung naisip nya that time, kasi kahit ako hindi ko inexpect Marc would do that. I was thinking then na pagtutulungan lang namin ilaglag sa mga syota nila yung dalawa. Wala lang daw naiinggit lang daw sya sa dalawa kaya yun ang naisip nya. Pero sabi ko baka talagang may lihim syang pagnanasa sa akin. Ayun nasuntok tuloy ako sa braso ng mokong na yun, he he he. But seriously, ilang araw ko din, actually kami ni Marc, ininda yung sakit ng katawan gawa ng pangwrewrestling at pangkukutos sa amin dalawa nina Enzo at Ken sa ginawa naming panggugoodtime sa kanila. Ang dami ko kaya pasa nun.

After ilang linggo, it was Marc who introduced his girlfriend to us. Christine Yapchinchay, a Mass Com junior student sa university at isang kilalang print ad model. Magaling din pipili tong ungas na ito dahil Christine is a certified head turner. Kailangan ko pa bang isa isahin ang assets ni Christine, no need, enough na yung bagay sya sa pagiging gwapo at hunky ni Marc. Ang importante, Christine was able to jive easily with us at sa mga girlfriends ng mga kaibigan ko. And that left me the only single sa grupo. Though no pressures naman being thrown against me kung bakit wala pa ko gf pero Ken was so persistent then to match me with his girl friends na lagi ko tinatanggihan.

The long wait was over when I met Cecille Marquez nung minsan sinundo namin ni Ken ang kambal ko sa school nila. My twin sister, Joanne, is a full scholar ng PLM that time where she is taking up BS Nursing. Matalino rin ang kakambal ko. As a matter of fact, siya lang naman ang class salutatorian nung batch na ako ang valedictorian! O di ba magkapatid at kambal ko pa talaga ang nakalaban ko before for the top honor nung high school kami. He he he. There I saw Ces (her nickname) na classmate ng twin sister ko in one of their Nursing major subjects. What attracted me most with Ces is her smooth skin complexion. Pare yung kay Cecille ang tinatawag na kayumangging kaligatan na nagpadagdag sa taglay nyang ganda. Ces is 5'6" tall na may mahaba at tuwid na black hair, doll eyes na parang Kay Miss Universe Venus Raj na binabagayan ng mapipilantik na pilik-mata. Sexy kasi may magandang hinaharap na favorite ko...hahahaha. In short, kaya ring makipagsabayan ni Cecille sa mga syota ng kaibigan ko kung ganda at kaseksihan rin lang ang pag-uusapan. Not to mention Ces is also witty and smart.

And after a month of courting, napasagot ko din sya at napakilala sa grupo and their girlfriends. Hindi man naging mag best friends ang mga girlfriends namin but they became close friends dahil na rin sa amin. Sila rin ang naging dahilan kung bakit kami tumino pagdating sa babae. Kami ni Ken ang laging naging magkatuwang dahil sa kanya ako palagi nakikisakay. Sa aming apat, ako na lang ang walang kotse kaya Kay Ken ako madalas sumasakay at sya rin ang matiyagang nagturo sa akin magdrive until I pursued it to a professional driving school para makakuha na rin ako ng driver's license ko. That's why I can borrow my friend's car pag may date kami ni Cecille.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon