Chapter 18 - LDR ( Hawak sa Pangako ) II

5.1K 158 56
                                    

NAIA, 6:00AM

"Parekoy, ingat ka doon ha." bigay paalala ni Marc habang may oras pang natitira sina Ken at Kuya Kurt bago sumakay ng eroplano papuntang Amerika.

Tulad ng napakayarian na doon na lang kami magkikita-kitang magkakaibigan hindi lang para ihatid si Ken kundi makapagbonding for the last time. Although, sa bahay namin nagspend ng huling gabi niya si Ken sa bansa katabi ko, hindi na rin kami ni Ken nangahas ipaalam pa ito sa dalawa for obvious reason na yayariin na naman kami ni Marc nito sa pang-aalaska kapag nalaman pa niya.

We were busy talking, kaming apat na magkakaibigan na medyo malayo ng konti kina Tita Lian, Kristoff at Kuya Kurt na abala namang nakikipag usap sa aming mga magulang. Full force ang mga parents namin nina Marc at Enzo sa pagbibigay ng support kay Tita Lian simula nang malaman nila ang kundisyon ni Ken. Even Tito Manny na dad ni Marc did an effort in contacting his best friend na isang surgeon sa California para tulungan si Ken sa kanyang sakit. And it paid off dahil nairecommend nito sa kaibigan niyang isang kilalang neuro-surgeon sa isang sikat na ospital sa California ang case ni Ken at nagkataon din na magkakilala sila ng neuro-surgeon na nirefer naman ng Singaporean doctor na kaibgan ng tito ni Ken. Kaya naman biglang tumaas ang confidence namin that those two neuro-surgeons na will help Ken to surpass his operation dahil sa magkatulong sila sa pagbawak sa kaso ni Ken at maging sa gagawing operasyon. But we still hold to our faith in God dahil sabi nga if you are sincere in asking God of what you want, manahan at humawak ka lang sa iyong pananampalataya na God will make a miracle para bigyan katuparan ang iyong ninanais sa panalangin.

" Just think of nothing pare kundi ang gumaling, magpagalinng at makabalik dito in flesh and blood." paalala pa ni Marc kay Ken habang magkakatapat kaming apat na nag-uusap para magpaalaman. At dahi natatakpan kami nina Enzo at Marc malaya kaming nakakapagholding hands ni Ken nang hindi nakikita ng mom at kapatid ni Ken.

"Dont worry about us pare lalo na si Bunso kaming bahalang mag babantay sa kanya para walang makaagaw na iba sa kanya!" dagdag pa ni Marc na kinagulat ko kaya napatingin ako s kanya nang may pagkabanas.

"Gago ka talaga Marc! Ano palagay mo sa akin?" singhal ko sa kanya na nagpatawa sa kanya.

"Hahaha! Masyado kang sensitive bunso. Of course , I know you but not the people na maaaring lumapit sa iyo. Malay mo kidnapin ka at gawing sex slave!" nakangisi niyang pagbibiro sa akin.

"Puteks ka! Kahit kelan ka talaga depungal ka puro ka biro!" ganting bwelta ko sa kanya

"Hahaha!. Kyut mo talagang mapikon bunso. Hahaha..namumula yung ilong mo na parang kamatis! Hahahaha" dagdag pang-aalaska pa niya sa akin.

"Sira ulo!" singhal ko kay Marc habang inaambahan siya ng kutos.

"Tama na yan!" awat ni Enzo sa amin ni Marc habang natatawa lang sa tabi ko si Ken

"Basta pare," baling ni Enzo kay Ken " take care of yourself there. Be strong pare. Andito lang kami for you waiting and praying na maging successful ang operasyon mo." pagbibigay suporta ni Enzo kay Ken.

"Always keep your Skype online pre para we can message you at makapagchat tayo nina Jay at Marc habang hindi ka pa naooperahan para updated kaming tatlo sa nangyayari sa iyo. And same thing with us, we will keep our accounts online para makapagmessage ka "dagdag pa ni Enzo habang nakamata lang kaming dalawa ni Marc.

"Oo pards. I will do that. I will try to message you everyday para ipaalam kung ano ang development sa treatment na ginagawa sa akin." pagsang -ayon na sagot naman niya sa amin

"Thank you sa inyo, Enzo ,Marc lalung lalo na sa iyo Jay. " Ken said in his hoarse voice starting to be emotional again.

"I' m very happy and very lucky for having you as my friends who stood for me in my high and low moments of my life. Salamat kasi kahit matagal kong itinago sa inyo ang totoong kundisyon ko, hindi kayo nagpakita ng galit o kahit tampo sa ginawa ko nang inyong malaman. You, guys instead understood me and stayed with me, giving me courage and strength para labanan ang sakit ko. I'm blessed for having you as my friends, my best and true friends" Ken said na kakikitaan ng mga luhang nangagsiipon sa gilid ng kanyang mga mata na handang umagos sa kanyang mga pisngi anumang sandali.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon