Chapter 19.1 - Elijah Emmanuel

5.9K 209 77
                                    

"Kumusta ka na Ken?" tanong ni Mom sa kanya nang muli kaming magchat na dalawa minus the dalawang kumags na Enzo at Marc dahil may pinagkakaabalahan sa kani-kanilang mga trabaho.

This time si Mom ang kasama kong makipagchat kay Ken dahil namimiss na raw nya ito. At siguro gusto rin ni Mom na malaman ang kalagayan nito lalo at naikwento ko sa kanya na malaki ang pinagbago ni Ken physically after going to chemotheraphy treatment.

"Eto po Mommy Elvie pumayat at nagpakalbo dahil sa chemo. Hindi na ko gwapo mommy baka palitan na ko ni Arjay po" pa-awa effect niyang sagot kay Mom na kinatawa nito.

"Sira ulo ka!" singit ko sa pag-uusap ng dalawa na lalong kinatawa ni Mom

"Hay naku Ken dont say that. Ikaw pa rin ang gwapo kong manugang!" pagsakay naman sa trip ni Ken na kinalaki ng mata ko nang marinig kong tinawag nya si Kentot ng manugang.

"Manugang talaga Mom? Ganda ng trip nyo ni Ken Mom" sigaw ko dahil malayo ako sa computer ko at nasa kama ako dahil inaasikaso ko ang surprise ko kay Ken

'At bakit Arjay, wala ka bang balak na pakasalan si Ken para maging legal na manugang ko sya? Aba'y kasal na lang kulang senyo dahl ginagawa nyo naman ang ginagawa ng mag-asawa di ba?" balik tanong sa akin ni Mom na lalo kong kinashock sa sobrang pagkablunt niya. At naririnig ko ang malakas na pagtawa ni Ken sa audio.

"Kaya love na love na love kita Mommy Elvie eh!" narinig kong sabat ni Ken. "You're really a cool mom at alam kong botong boto ka sa akin" dagdag pa ni Ken.

"May tama ka!" sagot ni Mom kay Ken na ala-Kris Aquino style pa talaga kaya dinig na dinig sa buong kwarto ang tawanan naming tatlo.

"Teka nga Mommy bakit po ba ayaw magpakita ni Jay sa cam? Ano po ba ang ginagawa niya ?" takang tanong ni Ken kay Mom nang mapansin niyang hindi ako malapit sa computer ko.

"Hay naku anak, ano pa nga ba eh di nag-iinarte uli!" panlalaglag ni mom sa akin

"Inarte?" dinig kong tanong ni Ken

"Oo Ken inarte dahil may nalalaman pang pasurpise sa yo itong hinayupak kong anak." sigeng panlalaglag sa akin ni mom

"Ano naman pong sorpresa yun Mommy?" nariinig kong tanong ni Ken

"Hoy Arman Jaymes manong ilapit mo na yang sorpresa mo kay Ken at ng makita na nya yan" utos sa akin ni Mom. Kaya naman kinuha ko sa kama ang sorpresa ko at inilapit iyon sa screen ng aking computer para makita ni Ken kung ano ang sinasabi kong sorpesa ko sa kanya.

Mom gave me her seat para makaupo ako at maliwanag kong matapat sa camera ko ang sorpresa ko sa aking Kentot. The moment I sit on the chair and let Ken see my surprise...I saw the sudden change in Ken's face, isang hindi mapantayang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi na pumantay sa kislap ng kanyang mga mata until I saw his tears running down to hi cheeks.

"Mr. Kenneth Anthony Lim, I want you to meet... Elijah Emmanuel or Ely for short. My son, no, our son" pagpapakilala kong sabi kay Ken sa bagong silang kong anak.

"Jay please lapit mo sya sa camera please. Gusto ko siya mahalikan kahit dito man lang. Please Jay" lumuluhang pakiusap sa akin ni Ken kaya naman agad kong tinapat ang mukha ni Ely sa camera para kahit dun ay mahalikan siya ni Ken.

"Hi baby Ely, this is your Daddy Ken. Ang gwapo ng baby namin ah, manang-mana sa dalawang daddies niya" nakatawang -umiiyak na sabi ni Ken kay Baby Ely. I dunno pero the moment my child heard the voice of Ken ay bigla itong nagmulat ng mata at ngumiti na wari mo ay inaacknowledge ang taong nakikipag -usap sa kanya. Kaya naman bigla kaming naglatinginan ni mom.

"Baby Ely i love you anak!" patuloy na paglausap ni ken sa anak ko habang umiiyak that somehow made me and mom to be emotional at that moment.

" You're my son also baby dahil anak ka ng taong pinakamamahal ko, your daddy Arjay. Kaya naman anak na rin ang turing ko sa iyo" si Ken pa rin.

PANGALAWANG GLORYA (Love Beyond Infinity) / (manxman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon