0000003

13.3K 231 15
                                    

0000003

Kryptonite

That was my first kiss. That....what the hell did just happen?

Nang makarating kami sa bahay, nakangiti syang sinalubong si Dalli na tumatakbo papunta sa kanya. "Uncle Clarkee! Let's go home. Baka nandyan na si Daddy."

"Wala pa siya, Dalli. Mga next bukas nandito na sya." Pagkarga niya dito. Nakatingin lang ako sa kanila na mag-uncle. Nasa likod ko pala si Mom kaya inaya niyang kumain si Zico. "CK, kumain ka muna dito."

"Hindi na po, Tita." He refused politely and smiled brightly. "May pasok pa po kasi ako. Idaan ko na lang po yung mga gamit ni Dalli before ako pumasok." Saad niya habang ibinaba si Dalli at nag-squat sa harap nito para maging magkalevel sila, "Dalli, dito ka muna sa kanila ha? You can go play with Ate Amya -"

"Who's Amya, uncle?" Napatingin sa akin si Zico at napatawa sandal. "I mean, Ate Lois. Okay? I promise pag uwi ko may pasalubong ka ha?" kinurot niya yung chubby cheeks ni Dalli and he kissed her cheeks.

Namula yung mukha ko dahil naalala ko na naman yung halik na ibinigay niya sa akin kanina.

Can you please calm down, Loislane?

"Okay, Uncle Clarkee." And Dalli returned his kiss with sounds pa. Alam mong may laway yung kiss nung bata. "Oops, sorry, uncle. I lab you." Napatawa sya at napangiti naman ako dahil pinunasan ni Dalli yung laway niya sa pisngi ni Zico gamit yung t-shirt nyang suot.

"It's alright, baby. Uncle loves you, too." He kissed Dalli's forehead and my heart melted. He's so good with Dalli. "Una na ako, Tita." Nagbeso sya kay Mom at pumunta sa harap ko. "See you later, Amya." Saka nya ako niyakap saglit at hinalikan sa noo.

Naestatwa ako.

Anong petsa ba ngayon?

April Fools?

"Bakit parang ang saya yata ni CK ngayon, Loislane?" tanong ni Mom habang hawak hawak sa kamay si Dalli papasok. "H-ha? E-ewan ko dun." I cleared my throat, "Alam mo namang puro kalokohan yun, Mom."

"Sabi ko sayo lagi kang mag-exercise every morning. Para gumanda din yung mood mo. Katulad ngayon, namumula-mula yang pisngi mo." Lalo namang uminit yung mukha ko. Buti na lang nakatalikod na si Mom at patungo na ulit sa kitchen. "It's good to sweat time to time." At tuluyan na silang nawala sa loob ng bahay.

Ang pamumula po ng mukha ko ay hindi dahil sa exercise namin. Dahil yun sa.... Sa.....

Ay ewan. Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko. I opened my messenger and started typing:

Girls, tama ba ito? Si Zico....

✔ Seen by Anne, Pao, Thea, Teyah

Nice talking. Kung kalian kailangan ng kausap. Na-seen zone pa ako.

I took a bath and played with Dalli for a few hours bago siya kunin uli sa akin ni Ate Gwen para ipasyal. "Sinasabi ko talaga sayo, Ate mag-anak ka na. Bigyan mo na ako ng pamangkin! Gusto ko yung kasing-cute ni Dalli!" sigaw ko sa kanya habang palabas sila. "Manghingi ka kay CK. Para kamukha ni Dalli. O kaya ikaw magbigay ng little Dalli kay CK." Pang-aasar nya sa aking sagot. Naramdaman kong uminit na naman ang mga pisngi ko.

"GWEN STACY! Kung anu-ano sinasabi mo sa kapatid mo. Pag yan naunahan ka, ewan ko na lang." sigaw ni Mom galing sa garahe. "'My! Syempre ako muna. Paki-remind si CK na gumamit ng proteksyon kung sakaling -" binato ko nga ng throw pillow mula sa sofa dahil hiyang hiya na ako. Buti wala si Dad.

Narinig ko pagbuga nya ng tawa kahit na nakasara na yung pinto at paakyat na ako sa kwarto ko. "Loislane, tama naman yung ate mo. Kailangan ng proteksyon dahil mahirap na baka -" Hinarap ko si Mommy na may hawak hawak na flower vase at sinimangutan. "MOMMY! Pati ba naman ikaw? Paano kung may makarinig? Saka bakit kailangan naming ni Zico yun? Buti na lang wala si Dad dito." Dire-diretso kong depensa.

Amnesia (SPG Girls #1)Where stories live. Discover now