0000002

17.5K 238 6
                                    

0000002

Darker skin tone o yung mga labi ko?

"Loislane!" narinig kong katok ni Mama sa pintuan ng kwarto ko. "Po? Nasa CR ako!" Pasigaw kong sagot kay Mommy. "Si CK nasa baba! Bilisan mo dyan."

Ha? 6am pa lang, ang aga-aga kamo mambulabog nun. Ilang minute pa bago ako lumabas ng kwarto at nagtungo pababa nang naka-typical na pambahay. Shorts at shirt.

Naabutan ko si Dad at si Zico na nasa living room nag-uusap habang yung TV nasa BBC News. Pagbaba kasi sa stairs dadaanan mo muna yung living room bago ang dining area kaya dinaan ko lang sila at hinayaang mag-usap. Mukhang seryoso.

Dumiretso akong kusina para kumain ng agahan para makabalik ulit sa pagtulog. Buti na lang wala akong pasok ngayon, I can mope around the house like a sloth. I'm feeling lazy today.

Umupo ako sa harap ni Mommy na kasalukuyang nagbabasa ng entertainment section ng newspaper. Napatingin sya sa akin nang kumuha ako ng fried rice. "Bakit hindi ka nakabihis?" bumalik din sya sa binasa nya. "Wala naman akong pasok ngayon, 'My! Thursday ngayon."

Ibinalik niya yung tingin sakin saka binaba yung dyaryo. "Kaya nga nandito si CK, diba? Mag-exercise daw kayo. At bakit ka kakain? Mamaya ka na kumain." Nagulat naman ako sa sinabi ni Mommy kaya napabalikwas ako ng tayo at pinuntahan si CK.

Nagstop ako sa bungad ng living room and I tried catching his attention by waving my hand but busy sila ni Dad sa pag-uusap. Buti na lang nakatalikod si Dad. Wala tuloy akong nagawa kundi lumapit at mag-excuse. "Zico, anong mag-exercise? Wala ka namang sinabi sa akin!" Hinila ko sya papunta sa kabilang side ng room.

"Kailangan ko pa bang sabihin? Ilang taon na nating ginagawa to. Kailangan mong mag-exercise. Alam kong galing na naman kayong eat-all-you-can dahil dumating yung Ate mo saka yung asawa niya." Nagulat ako dahil hindi ko alam kung pano niya nalaman yun. Totoo naman, kumain kami kagabi kasi kakauwi lang galing ng US nila Ate Gwen.

"Kahit na! Dapat nag-text ka nang hindi ako nagugulantang ako sayo. Nasan si Dallilah?" It's his third day babysitting his niece dahil one week na nasa Hongkong si Kuya Gage. Ganun din yata si Yaya Pearl. "She's with Ate Gwen. Naglalakad-lakad sila. Papasok kasi ako dito nang makita ako nang Ate mo. Kinuha niya si Dalli."

Tiningnan naman nya ako nang nakataas ang mga kilay na sinasabing "get-ready-or-else"

Pasalamat talaga sya ang ganda ganda ng mga mata nya hindi ako badtrip.

Umakyat ako sa taas at nagpalit ng damit. Nakasuot ako ngayong ng leggings at maluwag na white tshirt. Isinuot ko dun yung rubber shoes ko dahil mahaba-habang takbo na naman to.

At oo, ilang taon na naming ginagawa ang pag-exercise not-so-every morning.

4 years ago, bagong lipat sa katapat na bahay si Kuya Gage. Ang pogi kaya nun dati. Naging crush ko nung una naming syang nakita ni Mom na nag-iinstruct sa mga movers habang hawak hawak niya sa arms nya ang natutulog na si Dallilah. 1 year old lang nun si Dalli and Mom being herself, lumapit sya and nagpakilala - like a good 'ol neighbor.

Nasa tabi lang ako ni Mom nun habang nagpapakilala silang dalawa. Nakatingin lang ako dun sa bahay. May kulang kasi. Nagulat na lang ako nang mag-squeal si Dalli, kinuha na pala ni Mom. In short, hiniram nya kasi stressed na daw itsura ni Kuya Gage nun. Parang wala sa sarili kaya nagprisinta syang bantayan muna. Ang rason nya kasi at matagal na daw kasing walang baby sa bahay. Kuya Gage said yes, still looking distraught.

I went back to their house after an hour dahil umiiyak si Dalli, nagugutom na pala. Walang sumasagot at walang nagbubukas ng gate kaya naisipan kong bumalik na sa amin. Pero narinig kong nagbukas ng pinto from the inside at dali-daling binuksan ang gate.

Amnesia (SPG Girls #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon