Monique?

16 0 0
                                    

 Tapos nun lumabas na agaad ako ng bahay. Asar talaga yun kahit kalian. Anyway di dapat sa ganitong ayos ako makita ng mga empleyado ko. Maka punta nga muna sa salon.

VIOLA!!! Para na akong executive tingnan. Good.

Pagkapasok ko sa shop, weeee, lahat sila good morning ma’am with matching bow pa! May napansin akong babae na reklamo ng reklamo.

“And what could be a problem here?” Tanong ko sa staff ko.

“Ah, eh ma’am gusto po kasi nya magpa change item kasi damage daw po.” Sagot nung isang staff ko.

“Then?”

“Eh ma’am lampas na po kasi sa due date ang pinapapalitan nya.”

“Akon a ang bahala.” Pumunta ako dun sa babae sa counter. “Miss?” Pagkalingon nya, ang hilig talaga mansorpresa ang mga tao ngayon no? “Monique? Katarina Monique?”

“Yes? And who could you be?” Chaka antaray ng babaeng to ah. Mabatukan nga, pero napigilan ko naman ang sarili bago ko pa sya nasapok ng tuluyan.

“Hello!? This is me Kimlene!” Sabi ko sabay tanggal ng shades ko.

“AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!! Kimkritz!!!!!!!!!” At ayun kung maka hug tong loka lokang to parang wala ng bukas. “I didn’t know you are an employee in this store!!! Gosh!” Hay nako! Pagkamalan ba akong employee? Sarap sapakin! “Teka? Bat di ka naka uniform at ang sophisticated mo ata?”

“Kasi di naman ako. . . “

“Di ka sales lady? Kaw ba manager dito? Tulungan mo naman ako oh.”

“Hindi ako manager dito no. . . ako ang . . .”

“Ano? So ano ka dito? Janitress? Tapos yan suot mo? O baka costumer ka rin? Afford mo na pala mga ganitong dress?” At talagang nanginsulto pa huh. Mahirap lang kasi kami noon, before ako nag model, and may screen name ako, and hanggang magazines lang ako kaya di masyadong nakikilala dahil sa make up. Hehehe

“Madame, sya po yung may ari ng store na to. Hindi po sya manager, sales lady, at lalong hindi janitor. At oo po, afford na afford nya ang mga damit dito sa KL” At ayun tameme ang loka dahil sa explanation ng aking store manager.

“Kim? That’s a joke right?”

“Bakit naman magjojoke ang store manager ko? Sisantehin ko yan kung ginawa nya yun.” Nakangiti kong sabi.

“But your only 17? How could you. . .”

“Anyone can own their own business Monique.” Ayun at para ko na syang nasampal.

Wait di ko papala naiintroduce sa inyo ang mortal kong kaaway nung high school. Sya yung pinaka mayaman at pinaka popular sa school dati. And yes. Laging nang iinsulto sa akin. And now di sya makapaniwala sa swerteng dumapo sa akin. Loka loka talaga! Hay naku! Grabe talaga tong babaeng to kala mo sya na pinaka mayaman sa mundo. Naaasar parin ako hanggang ngayon sa mga pinaggagawa ng babaeng yan sakin dati. Halos buong high school life ko sinira na nya. Asar talaga. Yan tuloy karma nya bumaba ang market sales ng parents nya and now average na lang ang income nila. Very far from their past.

“What?! I mean, aren’t you studying anymore? Ah. Oo nga pala, you have to work already. Lam mo wag ka na magsinungaling di bagay. So dito ka nagtatrabaho right? Help me with this naman oh. Change item lang.” Nako huh! Baka masapak ko na to eh!

“Huh, sorry wala akong matutulong jan. Alis na ako.” Duh! Maka walk out nga! Bruha talaga yun! Psh! Bahala sya jan sa problema nyang yan. “Wag nyong pagbibigyan yang babaeng yan.” Bulong ko sa sales lady ko.

“Yes ma’am.” Sagot ng sales lady.

Matapos ma check lahat sa  store ko umalis na ako ulit. Nang biglang may dumukot sakin, asar sino ba to?! Teka bat ganto? Naka piring ako!!! Oh no! KIDNAP!!! “Sino ka ba?! Sumagot ka nga!” Sigaw ko habang pilit na pumipiglas. “Hoy pakawalan mo nga ako!” OH MY!!! Nararamdaman kong dinadrag nya ako kung saan. Oh no! Rape ata to!, pwede bang kidnap na lang? Naramdaman kong binitiwan na nya ako. So yun tinanggal ko agad yung piring.

Jaw drop.

“Hi ^_^”

“Sean? LOKO KA!!!” Ayun binatukan ko nga! “At may pa kidnap kidnap effect ka pa ha! Papatayin mo ba ako sa nerbyos ha! Loko ka talaga!”

“Araya no ba tama na nga!” Panay kasi suntok ko sa kanya. Ang loko bigla ba naman akong niyakap. “Tama na ok! Kalma na.” Tapos nun binitiwan na nya ako.

“Eh bat mo ba kasi ginawa yun?”

“Para may thrill at di ka makatanggi na gumala.”

“Shunga ka talaga! Grrr! Eh sasama naman ako eh bat oa kailangang kidnapin?”

“Eh para nga may thrill! Tara kain tayo.” Tapos di na nya ako pinahindi at bigla na lang hinatak. Tinangay nya ako sa starbucks. “2 orders of Blue Berry Cheese cake and Hot Chocolate.”

“Hay naku, kala ko naman kung san eh star bucks lang pala.”

“Hoy kaw ha, parang dati lang sinabi mo pangarap lang ang makapasok dito, let alone makakain.”

“So ano bang pinagkaka abalahan mo ngayon? Aside sa pang iinsulto sakin.” Syempre change topic agad ako no. Kakahiya pinag sasabi nya. Sasagot n asana sya ng biglang.

“Hi Kim. ^_^”

Magulong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon