Chapter 2

553 13 0
                                    

HELLo sa mga Nagbabasa nito! ^_^ Salamat kung binabasa niyo pa ito haha!!! dadami din ang chapters nito tiwala lang. 

~ENJOY~♥

CHAPTER 2

Nandito ulit ako sa aming munting teritoryo ang ‘Haven’ walang kahit na sino ang pwedeng magpunta dito kundi kami lang at dahil na rin yun ang batas ng mga masters. Bawat grupo may kanya-kanyang teritoryo at kapag may ibang grupo na nagpunta sa teritoryo mo isa lang ibig sabihin nun…Gang Fight. Ganun ang kalakaran. Hindi ka pwedeng umatras dahil isa na iyong simbolo ng pagsuko at pagkatalo. Kailangan mong lumaban kahit ayaw mo dahil kung hindi mapapalayas ka sa teritoryo mo.

Tahimik lang naman ang grupo namin dahil wala pang nagtatakang magpunta dito sa teritoryo namin pero mukhang iba na ang ihip ng hangin ngayon dahil sa maling taong napadpad sa grupo namin.

Maari kong sabihin na siya ang bukod tanging pagkakamali sa grupo namin. Si Jake. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya napasama sa amin at ngayon ay tinraydor niya kami.

Kami kasi yung tipo ng gangster na hindi sumasabak sa gulo kumbaga walang pakialam sa paligid nila. Tahimik na namumuhay at nagpapakasarap lang. Hindi kami yung tipo ng grupo na maghahanap ng away o di kaya’y magsisimula ng gulo at iyon ang pagkakaiba namin kay Jake. Siya yung tipong uhaw sa gulo. Ang tanging nasa isip lang ay kung paano lalawak ang kapangyarihan niya.

“Anong iniisip ng aming little leader?” napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin at inagaw ang kinakain kong chitchirya.

“Tinatanong mo ba talaga kung anong iniisip ko at sadyang pagkain lang ang habol mo, Joe?” inis kong sabi. Nginitian lang ako ng loko at ginulo pa ang buhok ko.

“haha! Ganda mo talaga lalo na kapag nagsusungit ka”

“paano kaya kapag nagdalaga ka na Lala? Eh di madami ng magkakandarapa sa’yo…”

“Ano ka ba naman Joe,walang uubra kay Lala kasi magtatangka pa lang sila may mga black eye na agad!hahaha”

“eh kung unahin ko kaya kayo lagyan ng black-eye. Mga leche kayo! Ako na naman ang pinagtripan niyo!” bulyaw ko sa kanilang tatlo na ikinatawa lang nila.

“oh! Ang saya niyo ah…anong meron?”  napatingin kami dun sa mga bagong dating na may mga bitbit na paper bag. Mga pagkain siguro.

Eto ang maganda sa amin. Bigayan. Parang isa kaming buong pamilya na nagtatago ng sikreto sa bawat isa. Wala kaming kaalam-alam sa pagkatao ng bawat isa basta alam lang namin ang pangalan o pekeng mga pangalan at hanggang dun na lang kami dahil yung ang golden rule ng grupo namin.

"you should know how to play FAKE!, fake information is the best strategy and best weapon in the game...you're in if you know how to play FAKE IDENTITY. Once the truth is revealed, you’re out.”

Mabuti na lang wala ni isa sa amin ang nangangahas tuklasin kung ano ang taong pagkatao ng bawat-isa. Walang nakakaalam kung anong klaseng pamilya ang meron kami. Kung ano ang hanap-buhay at kung bakit kami nandito. Ang tanging alam lang namin ay nandito kami dahil ginusto namin at gusto namin ng thrill sa buhay.

“you’re idling feisty princess.” Nabalik lang ako sa katinuan ng magsalita si Damon na nakangiti. Gwapo talaga ng lalaking ito lalo na kapag ngumingiti pero minsan natatakot ako sa kanya kapag ganyan siya.

“anong kakainin natin?” nakangiting tanong ko.

“Ako magluluto!” agad akong napatingin sa likuran niya kung saan masayang inilalabas ni Joe yung laman ng paper bags.

Not an Ordinary LovestoryWhere stories live. Discover now