Chapter 5

264 12 0
                                    

CHAPTER 5

“anong meron?” nakangiting tanong nila pagkarating na pagkarating nila.

Seryoso lang akong nakatingin sa kanila at walang sabi-sabing tinapon ko ang sulat na nakuha ko na nakadikit sa may pintuan ng Haven kanina pagkarating ko.

“ano ito?” tanong ni Cole na siyang pinulot yung papel at kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya tsaka sunod-sunod na mura ang sinabi nit.

“ano ba iyan” sabi ni Aidan at agaw nung papel na pinagkaguluhan naman na nung iba.

“tngna! Sino ang nagpadala nito?”

“hindi ba talaga nila tayo titigilan?”

“gusto ba talaga nilang makatikim sa atin?”

Sabi nila kasabay ng malulutong na mura samantalanag tahimik lang akong nakatingin sa mga reaksyon nila.

“what’s with the commotion?” lahat kami napatingin sa dalawang bagong dating. Sina Wae at Damon.

“Dahil dito.” Sabi ni Saj at abot nung papel kay Wae.

“I see. Saan niyo nakuha?” malumanay na tanong ni Wae.

“nakadikit yan sa may pintuan kanina pagkarating ko.” sabi ko at nakita ko kung paano sumeryoso ang mga mukha nila.

YOU’ll BE DEAD LALA AND YOUR WORTHLESS GANG!

Iyon ang nakasulat sa papel at wala akong nakikitang mali doon maliban sa kung kanino galing ang sulat.

Warriors

Kapangit pakinggan sa tenga pero kilabot ang dating nila. Warriors ang tawag sa mga miyembro ng gang nila. Ang gang ng isa sa mga master sa mundong ginagalawan namin bilang mga gangster. Sa pagkakaalam ko wala ito sa Pilipinas pero alam pa rin nito ang bawat galaw namin.

Nasa malalim pa kaming pag-iisip ng sunod-sunod na kalabog na ang narinig namin sa may pintuan na halatang balak sirain iyon.

Nakita ko kung paano sumeryoso ang mga mukha ng mga kasama ko. Walang bakas ng mga makukulit na bata.

“Mukhang hindi babala ang sulat na yan ah…”

“Tama ka Aidan. Mukhang paunang bati nila ang sulat bago magpunta dito.” Napatingin kami kay Joe ng sabihin niya iyon.

Ibig sabihin pinadala nila ang sulat hindi para balaan kami kundi para sabihin na papunta na kami sa teritoryo niyo.

BLAG!

Sabay-sabay kaming napalingon sa may pintuan ng marinig namin ang pagbagsak noon. May mga lalaking pumasok na may mga hawak na mga tubo at kung anu-ano pa. Hindi nakaligtas sa paningin ko si Jake na nakangisi habang naglalakad kasama sila. Paanong napasama siya sa kanila?

“kamusta?! Mukhang gulat na gulat kayo ah.” Sabi nito.

“Tsk! Ano na naman ba ang kailangan mo? Hindi ka pa ba nakuntento sa mga pasang nakuha mo nung huling punta mo dito?” kalmadong sabi ni Saj.

“Hindi. Dahil sa pagkakataong ito kayo naman ang lalagyan namin ng mga pasa.”

“Mukhang maganda nga itong teritoryo niyo. Tama nga itong si Jake. Mabuti na lang nakilala namin siya kundi hindi namin malalaman na may ganitong teritoryo pala.” Nakakakilabot ang boses ng kasama niya pero wala akong panahong matakot dahil hindi pwede.

“Oo nga eh. Sobrang ganda ng teritoryo namin na halos wala ka ng makitang basura kaya nga namin pinalayas yang si Jake kasi pandagdag lang siya sa mga basurang itatapon namin kapag nagkataon.” Sinamaan ng tingin ni Jake si Cole na hindi naman nagpatinag.

Not an Ordinary LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon