Chapter 16 Rape?

51.8K 864 8
                                    

Enzo

        Hindi alam ni Enzo kung matatawa o maiinsulto sa itsura ni Maxx. Mula ng malaman nito ang tungkol sa kanilang make out session ay nagbalik-balik na ito ng lakad sa kanyang harapan na animo'y pasan ang problema ng buong daigdig.

        "Will you just stop that?"saway niya sa asawa.

        Nanggigilalas itong tumingin sa kanya. Ang mga mata ay puno ng pang-aakusa at gimbal.

        "Paano nangyari iyon?"tanong nito na parang napakahirap paniwalaan na pwede iyong maganap sa kanilang dalawa.

        "Masyado kang paranoid, Maxx."kalmadong sabi niya. Kung hindi siya makakapagpigil ay susunggaban niya ito ng halik. Undress her and make love to her para tumigil na ito sa pagkastigo sa bagay na nagawa nila dati pa.

        "Seriously, pumayag talaga akong makipaghalikan sa iyo? Ako o ikaw ang unang humalik?"tanong nito na parang doon nakadepende ang buhay nito.

        "What's the point of knowing?"balik-tanong niya.

        "Sagutin mo na lang!"histerikal nitong utos.

        He shook his head. Nakakabaliw talagang kasama si Maxx. "Ikaw."maikling sagot niya.

        "My God!"nanlalambot itong tumingin sa kisame. "For sure lasing ako noon."anito na mas kinukumbinsi ang sarili. Mababa ang tolerance nito sa alak. 

        "Yes."maagap niyang sagot.

        "Sabi na nga ba. Kung hindi ako lasing tiyak na hindi ko iyon magagawa na matino ang utak ko."nakahinga ng maluwag na sabi nito.

        "Ano bang pagkakaiba ng lasing ka o hindi?"galit niyang tanong. Lumapit siya kay Maxx. Umatras ito hanggang matabig ang flower vase na nasa side table. Lumikha ng ingay ang nabasag na plorera pero hindi siya naawat noon. Pinangko niya ang pumapalag na si Maxx at inihagis sa katre. "Naiinis na ako sa laro mong hard to get Maxx!"he hissed. Mabigat na ang hininga niya ng daganan ang asawa niya. Panay ang sigaw ni Maxx at hampas sa kanya pero wala namang makakarinig dito. Solong-solo nila ngayon ang bahay.

        "Enzo stop it!"mariing utos ni Maxx sa nangangatal na tinig.

        Desidido siyang angkinin ngayon si Maxx. Naiinis na talaga siya dito. Pinatahimik niya ito sa pamamagitan ng marubdob na paghalik dito. Ang kamay niya ay gumagala sa braso nito papunta sa mga sensitibong bahagi ng katawan nito. Noong una ay panay ang palag ni Maxx pero kalaunan ay nanahimik ito. Nang tumunghay siya sa maganda nitong mukha ay saka siya natauhan. Umaagos ang masaganang luha sa mga mata nito.

        "Shit!"galit niyang sabi na para sa kanyang sarili. Umalis siya sa ibabaw nito. Lalo niyang napagmasdan ang kalunuslunos na itsura ng kanyang asawa. Nakasabog ang mahaba nitong buhok. Hilam ang mga mata ng luha. Nanginginig ang katawan. At lukot ang damit. Halos hubad na nga ito.

        Nang imulat nito ang mga mata ay nakita niya ang matinding takot doon at hinanakit sa kanya. Ang panunumbat at pang-aakusa.

        "I'm sorry Maxx."taos puso niyang hingi ng paumanhin. Wala siyang intesyong saktan ito at lalo na ang takutin. Yayakapin niya sana ito pero umiwas ito sa kanya.

        "Just leave me alone, Enzo!"hiling nito sa pagitan ng paghikbi.

        

      

My Substitute Bride and Wife (Completed)Where stories live. Discover now