Chapter 43

35.7K 674 12
                                    

Enzo

Kalahating dilat at pikit ang mga mata ni Enzo habang binabagtas ang daan patungong kusina. Pakiramdam niya ay kakalahati pa lamang ng kanyang kaluluwa ang bumabalik sa kanya. He was very tired. Maghapon siyang nasa office dahil sa nakatambak na documents at kabikabilang meeting ng kumpanya. At ng nasa kahimbingan siya ng pagtulog ay saka naman siya ginising ni Maxx. Gusto niyang magpapadyak sa sahig ng makita ang oras sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table, 3:25 am. Asan ang hustisya
doon? Halos katutulog niya pa lamang. Ala una na natapos si Maxx sa pag-uutos sa kanya ng kung anu-ano.

Hindi siya masyadong makaangal dahil nagtataray ito. At idagdag pang wala na siyang lakas. All he wanted to do is get some sleep and lay down on their soft bed, iyon ang importante sa kanya kaya sumunod na lang siya dito. Pagkabagsak nga ng pagal na pagal niyang katawan sa kama ay hindi niya na alam ang nangyari. Basta tulog na lang siya at wala ng kamuwangan sa nangyayari sa kanya. Until ginising siya ni Maxx at muli na namang inutusan.

How sweet of her. Pauyam niyang sabi patungkol sa kanyang asawa.

Dumiretso siya kaagad sa pagtitimpla ng gatas. Mas mabilis niyang magagawa ang utos mas mapapabilis ang inaasam niyang pamamahinga.

Shit! Shit! He said ng mapaso sa tasa ng umuusok gatas. Dahil sa init ay tuluyan na siyang nagising. Mabibigat ang yabag na bumalik siya sa silid nilang mag-asawa.

Naabutan niyang nakaupo paharap sa pintuan si Maxx wearing her very sensual night dress. Mukhang kapapalit lang nito.

Hi there,sexy! Pagha-Hi ng big buddy niya na nasa lower part ng body niya. Ngiting ngiti siya dahil nawala ang lahat ng inis niya kay Maxx. Marunong siyang mag-appreciate ng maganda at sexy. At lahat ng katangiang iyon ay nakahain sa harap niya.

Aninag na aninag ang bawat kurba ng katawan nito. Hindi mo nga aakalaing buntis ito. At kung sadyang inaakit siya nito ay buong puso siyang nagpapaakit.

Marahan siyang lumapit kay Maxx. Hindi niya pinansin ang natapakang comforter sa sahig. Inilapag niya sa bedside table ang dalang tray na naglalaman ng umuusok na gatas.

"You're beautiful...Maxx.."husky ang boses na sabi niya. Tumabi siya dito at sa nanginginig na kamay ay isinabit sa likod ng tainga nito ang ilang hibla ng buhok na lumapat sa makinis nitong pisngi. I want you so bad. Naghuhumiyaw na sabi ng sarili niya. Kailan niya ba huling naangkin ito? He wanted to taste her,kiss her,hug her so tight and he wanted to do more. More and more...
Nag-aapoy ang pakiramdam niya. Parang may kung anong sinindihan si Maxx sa kanya kaya hindi maawat ang panginginit ng katawan niya.

"Ayoko na ng gatas Enzo."narinig niyang sabi nito.

"Ha?"parang tangang tanong niya. Iba ang iniisip niya at hindi nagtutugma ang reaksyon ng mukha nito sa nais niyang mangyari sa kanilang dalawa.

"Ibaba mo na lang ang gatas."sabi into sabay tayo. Humarap ito pagdaka at may tiningnan sa sahig kaya napasunod siya ng tingin doon.

Nakita niyang may nakalatag na comforter sa sahig at naroroon ang ginagamit niyang kulay asul na unan.

"Diyan ka matulog."anito na nagpapanting sa tainga niya.

"Ang tigas kaya ng sahig!"alma niya.

"Diyan ka gustong mahiga ng baby."katwiran nito.

E Hindi pa kaya nagsasalita ang baby natin. Kontra ng isip niya. Saka bakit siya uutusan noon e anak niya ito samantalang siya ang daddy, asan ang seniority? Naman!

Kumibot ang nguso ni Maxx kasunod ang pagko-cross ng kamay sa tapat ng dibdib.

"Sa lapag ka matutulog o kami ni baby?"may pagbabanta sa tinig ni Maxx.

Inis na sinulyapan niya ang latag. "Pwede naman sigurong makipagnego?"

"It's a No Enzo!"mataginting na sagot ni Maxx.

"Pero Maxx..."now he is pleading. Ayaw niya sa sahig. Sasakit ang likod niya.

Umarko ang kilay ni Maxx tanda na hindi na ito mababali sa pasya.

"You're impossible."inis niyang sabi bago padaskol na humiga sa sahig. Kung iyon ang gusto ni Maxx pati ng baby nila e di sundin. 2 out of 1. Syempre panalo ang mga ito. Nag-iisa lang siya. Anong laban niya sa mag-ina?

"Uhhhm Enzo,"nabuhayan siya ng loob ng marinig ang tinig ni Maxx. Mukhang pababalikin siya sa tabi nito. Yehey! Ang saya-saya.

"Yes?"

"Sabi ng baby patagilid ka daw matulog."

Arrgh! Isinangkalan nito ang baby nila. So may magagawa pa ba siya?


My Substitute Bride and Wife (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat